0

TINADHANA


Report

Taong 2007 nung napadpad aq sa pampanga para magtrabaho, taga valenzuela po ako 17yrs old lang aq nun..dun ko nakilala si roel Mendoza isang kapampangan. Lagi syang nagpapapansin nun sakin pero sa totoo lang naiinis talaga aq kasi ndi ko sya gusto😄kung maaari nga auko syang makita.. Hanggang isang araw lumipat aq ng ibang trabaho at napadpad aq sa las pinias,tinitext nya aq nun pero sabi ko sa knya wag na syang matitext sakin pero ndi sya tumitigil,kaya nagpalit aq ng simcard at dun kami nawalan ng kumonikasyon.. 5 taon na nakalipas simula nung nagtrabaho aq ng pampanga nun,hanggang sa lumipat ulit aq ng trabaho at napadpad sa punta sta ana,kapampangan ang naging amo ko dun pero ndi ko inasahan na dun din ang lugar nila sa lugar kung san aq nagtrabaho dati..bago matapos ang taon ay nagpasyang umuwi ng pampanga ang amo ko at kasama ako, habang nakatayo aq sa labas malayo palang ay nakita kunang may parating na motorsiklo...


dahil sa gilid ng kalsada lang ang bahay ng amo ko dun, at nakita ko ang nakasakay si roel kako un dati kong katrabaho,ndi ko alam pero natuwa aq nung nakita ko sya nung araw na un na dumaan, kaya ang ginawa ko ay pinagtanong ko sa mga naging kakilala ko dun ung numero nya at nakakuha naman aq..kinagabihan aq nagtext aq at nagpakilala sa kanya,kinamusta ko din sya,ndi nya daw akalain na magkakatext kami after 5yrs.. Hanggang sa pumayag ndin aqng magpaligaw,kasi nagustuhan ko ndin sya nun at nagdate nadin,june 25 2012 naging kami, may mga pagsubok na dumating na muntik na naming ikahiwalay,hanggang nagpasya na kaming magpakasal, december 28,2015 kinasal kami at nabiyayaan ngaun ng dalawang anak na babae…. Natutunan ko sa buhay,ndi ka pweding magpasya na kagustuhan mo lang,kelangan isangguni din sa nasa taas kasi kung pasya mo lang minsan ndi nangyayari, sa nasa taas padin kasi ang nakakaalam kung ano magiging kapalaran mo.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.