0

THROWN OF HEART IKA-LAWANG YUGTO


Report

“Scholar Young! “tawag ng Punong taga pagsanay sa pangunahing iskolar kaya’t umabante ito paharap ng isang hakbang upang umalis sa linya. ” ikaw ang nangunguna sa lahat ng mga iskolar kaya’t ipinapaubaya ko sayo ang pagtuturo sa mga baguhang mag aaral tungkol sa patakaran dito sa loob, hwag mo din kalimutan na ipasyal sila sa mga lugar na maaring puntahan maging sa lugar na mahigpit na ipinag babawal.”
“Masusunod po master. ” sagot ng dalaga matapos ay yumuko upang mag bigay ng galang.
Nakuha ang lahat ng atensyon nang mga iskolar nang maglakad ang tatlong baguhan na mag aaral sa harap, kasama ang pinsan nito.
Magkasalikop ang parehong braso ng prinsipe habang nakataas ang kilay na nakatingin sa dalaga. .
‘baka akala mo, dahil kakilala ni Ama ang mga magulang mo ay ta-tratuhin kitang espesyal.’ wika ng dalaga sa sarili.
‘sa twing nakikita kita ay nais kong pigilan ang paghinga mo at patayin ka ng walang alinlangan tulad kung paano mo ko sinipa sa mukha ng walang pag aalinlangan ‘
palihim na tumaas ang labi ng prinsipe dahil sa matinding inis na nararamdaman para sa dalaga.
“Iskolar young, dalhin mo sila sa magiging kwarto nila pars na din makapag palit sila ng kasuotan kapag natapos sila ay umpisahan mo na ang pagsasabi ng mga patakaran. ” wika ng punong taga pag sanay.
“Sumunod kayo sakin.”striktong saad ng dalaga.
“Kung ganun, ikaw pala ang pangunahing iskolar ng Sungkwan.. Kaya pala ganun na lamang kung ipagmalaki ka ni ministro Young. ” saad nang lalaking baguhan sa likod. Ang tono nya ay tila nais manukso ngunit pinigil ng dalaga ang sarili dahil wala naman itong binanggit na masama kahit na masama ang dating noon para sa kanya. “Sabihin mo, hindi ba malapit ang hari at ang Ama mo, kaya ba madali itong naging ministro? “naroon na naman ang nakakainsultong tono ng lalaki.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay bahagyang itinaas ng pangunahing iskolar ang laylayan ng salakot na suot nya tsaka ito umikot habang naka angat ang paa nya ngunit sinadya nyang padaanin lang ang mga paa nya sa mukha ng lalaki dahilan para magulat ito sa bilis ng pangyayari.
“UNANG PATAKARAN, IGALANG MO ANG LAHAT NG TAO HINDI LANG BASE SA ISTADO NG BUHAY. “wika ng dalaga pag katayo nito ng diretso. “Kung hindi mo ititikom ang bibig mo lalo at bago ka rito nakakapanghinayang ang itsura mo kung uuwi ka lang na may Pasa at kulang ang ngipin mo.” hindi nag babanta ang boses nya pero ganun ang nais nyang iparating.
Napakurap-kurap ang prinsipe sa iniasta ng dalaga.
‘Kung ganun,hindi...


lang sya basta babae. ‘ saad pa ng prinsipe sa sarili nya
‘Yuwen, kailangan mong mag ingat kung sakaling gaganti ka! Kung sakali lang naman. ‘
‘tsaka hindi ko na kailangan pang gumati sa lalaking ito dahil sa Sinabi nya Sa ama ko. ‘
Nagulat pa ang prinsipe nang ibato sa kanya ang salakot na asul sa mukha nya.
“aba’t..sino ka para. . .”hindi naituloy ng prinsipe ang, sasabihin nang putulin ito ni young shin.
“Hwag mong sabihing ako pa ang mag papalit sayo.”mataray na wika ng dalaga.
“marunong ako! “sigaw ng prinsipe.
“Iskolar Shin, “tawag pansin ng isa pang binata na syang unang lumabas sa kwarto.” ipag paumanhin mo sana ang ginawa ni Han Suk.”
Ngumiti ang dalaga.” anak ka ni ministro choi tama? ”
Sabik na tumango ang binata na tila ba isang karangalan na makilala sya ng dalagang kaharap. “Ganun lamang ako umasta sa mga taong magagaspang ang pag uugali.. ” wika pa ng dalaga.
“HINDI MAGASPANG ANG UGALI KO! “sabay na napalingon si Young shin at ang binatang kausap nang magkasabay ang dalawa pang binata sa pag sagot.
“Tayo na..”wika ni Young shin. “unahin natin ang mga lugar dito. ”
Naunang maglakad ang pangunahing iskolar kasunod sa likod nya ang tatlo.
>YOUNG SHIN< "bago ang lahat, nais kong makilala nyo ako. Ako si Young He Shin anak ni Ministro Young Joseo ang una kong ipapakitang lugar sa inyo ay ito. " nandito kami ngayon sa malawak na taniman ng mga halamang gamot. "Hardin ng Gamia kung tawagin ang lugar na ito, mahigpit na ipinag babawal ang pag pasok dito lalo na kung wala ang kautusan ng punong manggagamot na syang nag tuturo sa mga mag aaral ng medisina. " mahabang paliwanag ko. "ano ito.. "akmang hahawakan ni Wol ang halaman na may bulaklak na dilaw ngunit mabilis kong natapik ang kamay nya palayo don. "sino ka para basta huma- - -" 'bakit ba ganito ang reaksyon ng lalaki na to twing napupuna ang kamalian nya, haisst hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na pinsa ko, sya. ' "IKALAWANG PATAKARAN"saad ko. " HWAG NA HWAG KANG GAGALAW NG KAHIT ANO LALO NA KUNG WALA ANG KAUTUSAN NG NAKAKATAAS SA YO. " sinadya kong titigan sya ng matalim. "tayo na sa susunod na lugar. " Nanguna akong muli sa paglakad hanggang sa marating ang malawak na ilog na may nakayungyong na puno. " ito ang Ilog- - -" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita iyong han suk. "ILOG NG LUHA. "napalingon kami sa kanya. Ang mata nya ay naglalaman ng malungkot na nakaraan ngunit hindi ko matiyak kung tama ba ang nakikita ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.