0

THE WILD SILENCE CHAPTER FIFTEEN


Report

*bratatatatatatat! ! Kaagad na pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban dahilan para lalo silang sumiksik sa makipot na pader na pinag tataguan, ang ibang parte nito ay halos madurog n, kung mag papatuloy ito ay tyak na mapupulbos sila kaya’t kumilos si Alexa.
Iginapang nya si Jiro ng kaunti palayo at humanap ng medyo malayo-layong pag tataguan.
“F*ck Amoriz! Matagal pa ba? Kapag nakauwi ako ay kayo ang pupulbusin ko riyan! ” ani Alexa sa gitna ng Sitwasyon.
“Ano ka ba! Hwag ka nang mag yabang ang mabuti pa ay mag isip tayo ng paraan! ” sigaw ni Jiro.
“ihaharang ko ang katawan ko para makaligtas ka.” ani Alexa na kaagad na ikinatigil ni Jiro sa pag gapang Akmang tatayo sya upang magalit kay Alexa mabuti na lamang at naunahan sya ng dalaga na pigilan. “Gusto mong magkalasog-lasog yang katawan mo! ” galit na saad ni Alexa.
“oh! Alam mo naman pala ang mangyayare bakit uhaharang mo pa ang katawan mo!” hindi na napigil ni jiro na pagtaasan sya ng boses
“Ulol ka ba! Nag bibiro lang naman ako.. “natatawang saad ng dalaga.
Hindi makapaniwala si Jiro na sa gitna ng kalagayan nila ay nagawa pang magbiro ng babaeng kasama nya.
*Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!
Tunog ng chopper palapit kina Alexa at Jiro, “bilisan mo at sumakay ka roon! “ani Alexa, hindi na nagawang ilanding ng piloto ang chopper.nanatili itong umaandar habang paakyat si Jiro kasabay si Alexa.
*bang!
*bratatatatatatat!
Pinaulanan muli sila ng bala, mabuti na lamang at naroon si Kevin at Borex na syang gumanti ng pag papaputok ng baril para i-cover ang dalawa.
“MAUNA NA KAYO! “sigaw ni Alexa dahil sa ingay ng elesi ng chopper.
“Ano! Nababaliw kana ba?” angal ni Jiro ngunit wala syang nagawa nang ibato ni Borex ang bulletproff na vest ni Alexa kasama ang Armalite nito tsaka mabilis na inilayo ng piloto ang Chopper.”Ano ba? Itigil nyo to! Si Alexa baka may mangyari sa kanyang masama! “nagwawalang saad ni Jiro.
Ipinatong ni Alexa ang Armalite sa balikat nya tsaka isinuot ang mamahaling sunglass nya matapos ay isinupalpal ang isang piraso ng Chewing gum.
*bang!
*bang!
*bang!
Sunod-sunod ang putok ng baril sa dinaraanan nya pero hindi nya ito alintana dahil alam nyang hindi...


naman sya tatamaan
Ikinasa ni Alexa ang Baril nya tsaka kumubli sa maliit na pader na kanina’y pinagtaguan nila ni Jiro. “Tatlong kilo metro lang ang layo ng isa, ayus! Madali akong makakalapit. ”
Inilabas nya ang bunganga ng baril nya tsaka sinipat ang unang target, iyong may hawak na machine gun ang una nyang sinipat.
*psew!
Pakawala ni Alexa ng unang bala. “Head shot! ” nakangising saad nya, ngayon ay palagay na sya dahil wala na ang machine gun na kanina pa kinaiirita ng taenga nya.
Mabilis na gumapang ang dalaga palapit sa aunod nitong target, umikot sya para madaling makalapit doon. Akma sya nitong babarilin ngunit mabilis syang nakabangon para sipanin ang panga nito dahilan para mawalan ng malay ang lalake.
Pero hindi pa nakakabwelo si Alexa nang may umatake na naman sa kanya kaya’t Hinila nya ang kamao ng taong iyon tsaka Pinilipit papunta sa sarili nitong likod.
“ahhhrg! ” Napahiyaw ito sa sakit lalo na nang maglagutukan pa ang kanyang mga buto, hindi sya pinag pahinga ni Alexa at mabilis nyang iniuntog ang ulo nito sa puno.
“Shit! Shit!” sunod-sunod ang mura nang dalaga nang paulanan syang muli ng bala nang baril kaya’t wala syang nagawa kundi gumulong para iwasan ang mga iyon.
“Lima pa sila ! Nasan na ang yabang mo Alexa! “inis na aniya sa sarili.
Pumusisyon syang muli upang harapin ang dalawang nasa malapit sa kinalalagyan nya. Ikinasa nyang muli ang baril.”Target lock.. ”
*Psew!
*psew!
*psew!
“head shot, body critical at isa pang head shot..masama palang makipag mano-mano kapag lima tsk! “nasabi nya habang nakangisi.
~
“t-teka!san ba tayo papunta !” kinakabahang saad ni Jiro.
“ang sabi ng girlfriend ko ay hwag ka naming i-uwi kaya sa palao na ang diretso natin. ” ani kevin.
Napakunot ang noo ni Jiro. “sino? “nakataas ang kilay na tanong nya.
“Si Alexa….balak ko syang ligawan e.” nagmamalaking ani Kevin.
“manahimik ka! Bukas na bukas ay bumalik kana sa Phoenix! “nawala ang pag aalala ni Jiro dahil sa pang iimis ni Kevin.
“Biro lang master.. “natatawang ani Kevin.
“seryoso ko, “ani jiro tsaka naupo, “bumalik kana don sa phoenix! ”
‘nangako sya sa’kin! Babalik sya ng ligtas ‘ iyon ang pinanghahawakan ng binata kaya naman ikinalma nya ang sarili nya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.