0

THE WIFE CHAPTER 12


Report

“Masaya akong lumabas ng bakeshop napakagaan sa pakiramdam na mayakap ang magina ko pakiramdam ko nawala ang aking sakit na iniinda sa init ng yakap ni Shane ng maramdaman ko ang sipa ng anak ko..naramdaman ko yong saya at excitement kong paano mabuhay..
Alam kong mahal na mahal ako ni Shane nadala lang sya ng galit dahil sa maling akala..kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sa asawa ko si Shane at ang magiging anak ko ang inspiration ko para patuloy na mabuhay..
Ayaw kong makasama si Shane sa iisang kwarto dahil ayaw ko na makita niya ang paghihirap ko tuwing aatakihin ako ng matinding sakit ng ulo..nung gabing naabutan niya kami ni Mica nakahubad sa bahay wala naman talagang ngyayari sa amin umaarte lang si Mica na nasasar*pan.akala ko pag nakita ni Shane na mayroon akong babae iiwanan na niya ako pero hindi lalo niyang pinaramdam kong gaano niya ako kamahal hindi ko pinagsisihan na may ngyari sa amin ni Shane..masaya ako na may ngyari sa amin kasi alam ko magbubunga yon ..
Mamatay man ako hindi sya malulungkot dahil kasama niya ang anak namin..napagisiipan kong ayusin ang relasyon namin ni Shane humiling ako sa kanya na magtiwala sya sa akin..pag kahatid ko ng araw na yon kay Shane sa bakeshop dumiretso ako sa hospital para sa daily check up ko..ang findings ng Dr. na sanhi ng matinding pagsakit ng ulo ko meron akong stage 4 brain cancer hindi ko kinaya ang sinabi ng Dr. tuluyan akong nag collapse one month ako na confine sa hospital hinang hina ako pinilit kong makarecover sa kagustuhan kong umuwi at makasama pa si Shane.
Paglabas ko ng hospital dumiretso ako sa Italian restaurant bibilihan ko ng...


Italian pizza si Shane favorite yon ng asawa ko..nakita ko dun si Mica kasama ang kaniyang anak kinawayan Niya ako kauupo ko pa lang sa mesa nila Mica narinig ko na ang boses ni Shane tinatawag ako.Alam kong galit ang asawa ko nagpipigil lang..nakita ko na dinampot niya ang table knife sobrang takot ang naramdaman ko kaya kahit ng hihina ako hinabol ko si Shane baka kong anong magawa niya..
Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Shane habang pinaa-alis ako ng bahay nakikipaghiwalay na sya sa akin ito naman ang gusto kong mangyari mas pabor sa akin na hindi kami magkasama ni Shane sa iisang bahay. ayaw kong makita niya ang paghihirap ko araw araw mababa ang loob ng asawa ko baka bigla syang magka nervous break down mauna pa sya sa aking mamatay!
Simula ng umalis ako sa bahay paghindi ako inaataki ng sakit ko lagi kong tinatanaw sa malayo ang aking asawa alam kong buntis si Shane dahil sa hospital kong saan sya nagpapacheck up dun ako nacoconfine tuwing nag cocolapllse ako..hindi alam ni Shane na minsan pag nagpa-pacheck up sya kay Dra andun ako sa hospital nakaconfine ng hihina..
Sabi ng Dr. anytime pwede akong mamatay hindi ko alam kong buhay pa ba ako paglabas ng baby namin ni Shane.. wala akong planong sabihin Kay Shane ang kalagayan ko ayaw ko syang maestress baka mapaano ang baby namin mahal na mahal ko ang asawa ko Kaya kong tiisin lahat ng sakit wag ko lang syang makitang malungkot at nagdurusa ayaw kong kaawaan ako ni Shane..
A/N ayan po sinagot na ni Rex lahat ng katanungan sa story ko..ayaw ko pong magsulat ng story na walang twist sa dulo..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.