0

The Wedding Pagpapatuloy…


Report

Sa mga sandaling magdaop ang aming mga palad , walang mapagsidlan ang Ligaya na bumabalot sa aming mga puso. Walang patid ang pagdaloy ng mga luha sa aming mga mata.
~Jay …
” Oh Diyos ko wala na po akong hihilingin pa, sobra sobra na po ang mga pagpapala at kagalakan na ibinibigay nyo sa akin. Marami pong salamat sa pagbibigay nyo ni Jane para sa akin, pagsisikapan kong matugunan ng maayos ang papel bilang isang mabuting magulang para sa aming mga anak at Asawa para sa kanya bilang aking may bahay ”
Habang taimtim na nakapikit at ninamnam ang bawat sandali.
~Jane …
” Lord God sobrang blessed ko po at sobra sobra na ang binigay nyong regalo para sa buhay ko. Napaka swerte ko at ang aking mga anak sapagkat ipinagkaloob nyo sa amin ang isang Jay na maaruga at mapagmahal. Dalangin ko po na sanay magampanan ko pa ng maayos ang pagiging isang magulang at Asawa ”
At saka nilingon ko ang lalaking nagbibigay ng kulay sa bawat minuto, oras at araw sa akin.
” Magsitayo ang lahat ” si Father Samuel
” Jane Edralin , Tinatanggap mo ba ng maluwag sa iyong puso si Jay Legaspi para maging kabiyak mo sa habang buhay na walang pagaalinlangan? ”
” Opo Father, tinatanggap ko po ng buong puso ”
” At ikaw Jay Legaspi, Buong puso mo bang pakaiibigin at pagsisikapan si Jane Edralin bilang iyong may bahay sa hirap at ginhawa? ”
” Opo Father, tinatanggap ko po ng walang pagaalinlangan ”
” Ngayon , pwede nyo ng isatinig ang inyong mga pangako simbolo ang singsing ng inyong pag ibig ”
Si Serv ang naghatid ng Singsing namin at ako ang unang kumuha noon.
” Oh wala pa, tumutulo na ang luha mo , papangit ka nyan ” at nagtawanan ang mga bisita na sumasaksi sa aming pagiisang dibdib ” Ready kana ba Legaspi? ” pero ako naiiyak na rin pero may ngiti sa mga labi.
” Noon, akala ko puro nalang pasakit ng kalooban ang mararanasan ko, puro luha at wala ng katapusang problema. Kumukuha lang ako ng lakas sa araw araw sa Diyos at sa aking mga anak. Walang araw na tumigil akong manalangin sa kanya at ipagkatiwala ang lahat ” tumutulo na ang aking mga luha sa sobrang pressure na aking nadarama ” Hanggang sa isang gabi may nag chat sa akin at ikaw yun. Noong una pinilit kong itaboy ka kasama ng mumunting hiwaga na aking nadarama pero ano nga bat makulit ka ” sabay singa sa panyo dahill ang sipon koy tumutulo na.
Tumingin ako sa karamihan at doon ko nakita ang kanilang sari saring emosyon. May tumatawa, nakangiti at lumuluha lalo na ang Saksi sa aming love story. Bago ako tumingin kay Jay na sobrang pula na ng mata sa kakaiyak.


/> ” Hindi nagtagal,..ilang weeks nga ba yun Legaspi?” at tawanan ulit ” At hindi nagtagal pinapasok na kita sa munting puwang ng aking puso. Marami tayong hinarap na problema Simula sa umpisa dahil nga sa akoy may sabit na pero alam mo ba kung saan ako humanga? Yung ilang ulit man kita itaboy pero kahit kailan hindi mo ako sinukuan ”
” Mahal na Mahal kita walang tulak kabigin sa nadarama ko para sayo ”
At isinuot ko na ang Singsing tanda ng pagmamahal ko sa kanya ng buong tapat.
Si Jay na iiling iling .
” Ako naman Mrs. Legaspi… Baka mamaya humaguhol ka ha ” tawanan ulit ang mga bisita , tawa na may kasamang luha. Ang mga barkada ni Jay pumapalakpak at sabay nagchicheer.
” Nakita kita sa isang group page, I didn’t know why of all the girls in that group sayo ako nagkaroon ng interest, hanggang sa nag stalk na ako sa account mo and huwalahh I saw that you already have a children ,..ahm , Jojo pare pasensya na kung mababanggit ” at nagsilingunan ang ibang bisita sa kinauupuan ni Jojo kasama ang nobya at itoy tumango lamang tanda ng senyales na magpatuloy lang.
” Hindi kita maiwasan kahit anong pilit ko, may God interesado talaga ako sayo. Wala na akong paki alam sa kung ano ang maaaring mangyari, basta ang katwiran ko nalang ikaw ang gusto ko bahala na. Sobrang dami na natin pinagdaanan, tama ka, and look us now matatag parin pinatatatag ng panahon at pagkakataon ” at tumingin sya sa gawi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng kanyang palad.
” Mahal kita Jane, maraming salamat sa pagkakataon at sa tadhana dahil kahit pinaghiwalay tayo ng problema sila parin ang gumawa ng daan para magtagpo ulit tayong dalawa. Pakatandaan mong ikaw ang nagsisilbing liwanag ng buo kong pagkatao ”
At kinuha ang aking kamay at isinuot ang singsing na simbolo ng kanyang pagibig sa akin.
Palakpakan ang mga bisita, ang mga barkada ni Jay ay naluha narin sa pagkakataong ito. Ang magulang , pamilya , kamaganak at mga kaibigan ay nakikisimpatya at nakikisaya din sa amin.
” And now You may kiss the Bride ”
🎶🎶 She fills my heart with very special things
🎶🎶 With Angel songs and wild imagining
🎶🎶 She fills my soul with so much Love
🎶🎶 And anywhere I go, I think I’m lonely
🎶🎶 With her alone who could be lonely
🎶🎶 I reach for her hand and so much care
Masigabong palakpakan ang aming natanggap buhat sa mga bisita na sumaksi sa espesyal na araw na ito para sa amin.
” Congratulations Mr and Mrs Legaspi ” pagtatapos ni Father Samuel.
” I love you Mrs. Legaspi ”
” And I love you too Legaspi ”
💕💕💕💕


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.