0

THE UNTOLD STORY OF THE MYSTERIOUS MERMAID


Report

THE UNTOLD STORY OF THE MYSTERIOUS MERMAID
“Dad, can you tell me a story?”
Naupo ako sa gilid ng kama ng anak ko saka ko tipid na ngitian ang cute niyang mukha. “Okay sige, mahiga ka muna.”
Agad siyang sumampa sa kama at humiga sa dibdib ko. Hinimas ko naman ang ulo niya saka nagsimulang magkwento.
“Isang araw, may lalaking mag-isang pumapalaot sa gitna ng dagat. Palubog na ang araw no’n at tila nagbabadya ang malakas na bagyo dahil sa lakas nang ihip ng hangin at sa madilim na langit. Malaki ang dala niyang bangka pero parang kaunti nalang ay matatangay na ‘yon ng paparating na alon.”
“Hanggang sa nagsimula nang umulan at lumakas na ang alon sa dagat. Sinubukan pa ng lalaki na umiwas sa paparating na malaking alon na kakain sa kanila ng gamit niyang bangka pero hindi siya nakaiwas doon.”
“Namatay po ba yung guy daddy?” Curious na tanong ng anak ko.
“Hindi, baby. Pero dahil sa lakas nang hampas ng alon, nasira ang gamit niyang bangka at nahulog siya sa dagat saka nawalan ng malay. Hanggang sa isang magandang sirena ang paparating para tulungan yung lalaking nawalan ng malay.”
“Woah! A mermaid! Mermaid! Continue dad, please…” Na-eexcite niyang sabi. Natawa naman ako saka nagpatuloy.
“Dinala no’ng magandang sirena yung lalaki sa pampang. Imbes na umalis agad sa takot na makita ng tao ang katulad niyang isang sirena, mas pinili niyang manatili sa tabi ng lalaki para bantayan siya. Hindi alam no’ng sirena ang nararamdaman niya. May kung anong pumipigil sa kaniya para iwanan ang lalaki.”
Kitang-kita parin ang excitement sa mukha ng anak ko kaya masaya akong nagpatuloy.
“Hanggang sa nagising ang lalaki at hindi ‘yon namalayan ng sirena dahil naaaliw siyang titigan ang lalaki. Sa hindi malamang kadahilanan ay napangiti yung lalaki dahil sa paraan ng pagtitig ng magandang sirena sa kaniya.”
“Nagulat yung sirena na gising na pala yung lalaki kaya magmamadali na sana siyang umalis pero napigilan siya ng lalaki. Hanggang sa naisipan ng sirena na makipagkaibigan sa lalaki at simula noon, palagi na silang nagkikita sa dagat.”
“Wow..”
“Di nagtagal ay mas lumalim pa ang samahan ng dalawa. Hanggang sa naging magkasintahan sila dahil narin sa pareho ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.”
“Mahal na mahal no’ng lalaki ang sirena at wala siyang pakialam kahit pa sirena ang babaeng mahal niya dahil tanggap niya ito ng buo. Pero kahit pa tanggap niya kung ano at sino ito, may’ron pa ‘ring mga bagay ang hahadlang at hahadlang sa pagmamahalan nila dahil narin sa hindi tao ang isa sa kanila.”
“Isang araw, naisipan no’ng lalaki na dalhin sa lupa ang sirena sa kadahilanang gustong-gusto niya itong makasama ng normal. Pero kahit saang anggulo tingnan, hinding-hindi sila magkakasama ng normal tulad sa tao. Pero mapilit yung lalaki kaya kahit ayaw ng sirena, pumayag nalang siya...


sumama rito dahil pinangakuan niya itong gagawin ang lahat para sa kaniya.”
“Sobrang natuwa yung lalaki dahil sa wakas may ibang lugar naman silang mapupuntahan ng magkasama, nagsasawa na kasi ang lalaki sa dagat kaya gusto niya isama ito sa iba namang lugar. At dahil sa pansariling kasiyahan, hindi na naisip no’ng lalaki ang kapahamakan na naghihintay sa kanila ng sirena.”
“Pilit niyang tinago ang sirena pero hindi nila alam na may mga taong naghihintay sa kanila para mahuli ang sirena. Doon na nagsimulang natakot ang lalaki at agad na sinisi ang sarili dahil mas inuna niya pa ang sariling kasiyahan kaysa sa kapakanan ng babaeng mahal niya.”
“Hanggang sa wala na silang magawa dahil wala silang laban sa mga taong naghihintay para mahuli ang magandang sirena. Pinilit niyang manlaban pero sa huli, nakuha parin ang babaeng mahal niya.”
Lumungkot naman ang mukha ng anak ko. “Ano pong sunod na nangyari sa sirena at lalaki dad?”
“Wala. Walang nagawa yung lalaki kundi panoorin na pag ekperimentuhan ang babaeng mahal niya. Pero bago gawin ng mga walang pusong tao ang pag eeksperimento, walang awa muna nilang pinatay ang sirena para narin mapag-aralan ang mga bahagi ng katawan nito.”
Nagsimula nang maiyak ang anak ko. Natawa na naman tuloy ako. “Bakit ka umiiyak?”
“K-Kasi.. ang sama ng tadhana para sa kanila, daddy.”
“Totoo ‘yon.” Mahina kong ani. “Pero kahit hindi natuloy ang pagmamahalan nila at nauwi sa kasuklam-suklam na pangyayari ang kwento nila, may iniwan namang napaka espesyal na regalo ang sirena para sa lalaking mahal niya.”
Dahil sa sinabi ko ay bahagyang lumiwanag ang mukha ng cute kong anak. “Ano ‘yon, daddy?”
“Ang anak nila. Isang napakacute at napakagandang prinsesa na bunga ng pagmamahalan ng lalaki at sirena. Ni hindi man lang nalaman ng lalaki na buntis ang mahal niya kaya pati kaligtasan nito ay hindi na niya naisip. Kaya kahit malungkot, nakaramdam parin siya ng tuwa para sa anak nila. Kaya simula noon, inalagaan at pinalaki ng maayos no’ng lalaki ang anak nila at ngayon, lumaki siyang maganda katulad ng ina niya.”
“Woah.. I’m happy and sad for them dad..” Nakanguso niyang komento. Saka siya ngumiti. “But I enjoyed your story daddy! It’s amazing!”
“Oo na, oo na.” Natatawa kong sabi. “Sige na at matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”
“Yes po, goodnight daddy!” Kinumutan ko siya saka hinalikan sa noo.
“Goodnight too, baby. Sleepwell.” Sandali pa akong nanatili sa tabi niya at tinitigan siya. Kahit saan talaga tingnan, magkamukhang magkamukha sila ng maganda niyang ina.
“Kung nandito ka lang sana…” Tumulo ang isang butil ng luha ko habang iniisip kung gaano kami magiging masaya kung nandito lang siya. Ang magandang sirenang mommy niya na nagligtas sa buhay ko pero pinahamak ko. Habang buhay kong pagsisisihan ang mga nangyari.
Dahil sa pagiging makasarili ko, nawala ang babaeng mahal ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.