0

THE UNTOLD STORY OF MACTAN


Report

THE UNTOLD STORY OF MACTAN (WHO KILLED MAGELLAN?)
“Lapu-lapu was the one who killed Magellan para palayain ang ating bayan,” my son uttered while reading his school works.
Si Lapu-Lapu nga ba ang totoong pumatay kay Magellan? Ano nga ba ang totoong nangyari sa pagkamatay nito?
Ika-16 ng Marso, 1521 ang siyang pagdating ng expedisyong ni Magellan sa Pilipinas.
Noong Marso 31, 1521 naman nakarating ang mga Espanyol sa Limasawa sa Leyte at idinaos ang kauna-unahang misa.
No’ng araw ding ’yon ay nakilala ni Ferinand Magellan ang babaeng bumihag sa kan’yang puso, si Feliciana.
Sa Pagdating nila Magellan sa Cebu, noong ika-5 ng Abril sa nasabing taon. Sila ay nagtayo ng krus sa pampang, at sa pangalawang pagkakataon muli niyang nasilayan ang dalagang si Feliciana.
Inalok niya ng kasal ang dalaga, ngunit tumanggi ito. Sa kadahilanang may nagmamay-ari na ng kanyang puso, si Lapu-Lapu.
Labis na pagkabigo at pagkagalit ang naramdaman ni Magellan. Sa tinagal-tagal nitong naglalakbay, ngayon lamang siya nakatagpo ng babaeng katulad ni Feliciana.
Ika-27 ng Abril, 1521 nang inilunsad ang labanan sa Mactan. Sa pagitan ng pangkat nina Lapu-Lapu...


at Magellan. Hindi lamang ang Mactan ang kanilang pinaglalabanan kun’di maging ang pag-ibig nila sa dalagang si Feliciana.
Ilang oras na nang magsimula ang laban ngunit hindi parin nagagapi ang dalawang pinuno. Ngunit sa isang iglap nabitawan ni Lapu-Lapu ang kanyang hawak na espada, dahilan para ihanda ni Magellan ang kan’yang sandata at isinaksak kay Lapu-Lapu.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isinangga ni Feliciana ang kan’yang sarili. Sinagip niya ang kan’yang iniirog na si Lapu-Lapu.
“FELICIANA!”
Nabitawan ni Ferdinand Magellan ang kan’yang espada. Habang pinagmamasadan ang kan’yang kalaban na hagkan ang dalagang pareho nilang minamahal na naliligo sa sarili nitong dugo.
Labis na pagsisisi sa kan’yang sarili ang naramdaman ni Magellan. Wala sa sariling dinampot nito ang espada at isinaksak sa kan’yang sarili.
You read it right, Magellan killed himself because of too much regret.
Napaisip si Lapu-Lapu kung dapat ba siyang magsaya sa paglaya ng kan’yang pinakamamahal na Mactan o magluksa sa pagpanaw ng kan’yang pinakamamahal na dalaga.
Abril 27, 1521, ang araw kung kailan nakalaya ang Mactan. Araw ng pagpanaw ni Feliciana at ni Ferdinand Magellan.
words by; Rarity Asiana


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.