0

THE UNTOLD LOVE STORY DURING THE COVID-19 PANDEMIC


Report

THE UNTOLD LOVE STORY DURING THE COVID-19 PANDEMIC
“Ms. Marquez, you’re a Covid-19 positive. You have to quarantine for fourteen days.”
Parang guguho ang mundo ko sa sinabi ng doctor. Hindi ko inaasahang mahahawaan ako ng Covid-19 dahil palagi ko namang sinusunod ang health protocols.
Nagkaroon kasi ako ng sipon at ubo kaya sinabihan ako ng mga kapatid ko na magpa-check-up at magpa-swab test dahil baka nahawaan na ako ng virus. At hindi nga sila nagkamali, nahawaan nga ako.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi sa ‘kin. Dinala ako ng mga nurse sa quarantine facility.
Nilibot ko ang aking paningin sa palagid. Hindi gaano kalaki ang room pero sakto lang naman siya para sa isang tao. Malinis rin ang paligid at halatang bagong pinta pa ang dingding. Kompleto na ang nasa loob ng room. May higaan na pang-isahan, may maliit na mesa para kainan, at may cr.
Ang pinaka-nagustuhan ko sa room na ito ay air-conditioned ito. ‘Yon nga lang, walang bintana kung saan makikita mo ang nasa labas. Tanging ang nag-iisang pinto lang rin ang entrance at exit sa room na ‘to.
“Maiwan na po namin kayo, Ms. Marquez.”
“Sige, thank you sa paghatid.”
Umalis na ang nurses na humatid sa ‘kin. Muli kong pinasadahan nang tingin ang kabuoan ng room na kinaroroonan ko. Kahit papa’no naman ay nagustuhan ko ang quarantine room ko. Hindi katulad sa ibang quarantine facility na mainit raw at madumi.
Lumapit ako sa single bed at umupo roon. Siguro isa sa factors kung bakit maganda ang room ko ay dahil anak ako ng mayor.
Yes, I’m a mayor’s daughter. ‘Yon nga lang, anak niya ako sa labas na main reason kung bakit mag-isa lang ako sa tinutuluyan ko. Kahit papa’no ‘di na bago sa ‘kin ‘tong quarantine period kung saan mag-isa ako.
Ang inaalala ko lang ay ang trabaho ko as a call center agent. Fourteen days din akong hindi makakapagtrabaho. Hayst, sayang ang kita.
Niligpit ko na muna ang mga gamit ko bago naligo. After kong maligo ay dumating na ang pagkain ko. Sila kasi ang magpo-provide ng mga kakainin ko.
After kong kumain ay nagpahinga muna ako hanggang sa nakatulog ako. Pasado alas sais na ng hapon nang magising ako. Dumating na ang dinner ko kaya kinain ko na ito bago pa lumamig. After kumain ay nag-cellphone muna ako kaso badtrip dahil walang internet connection.
“Ano ba naman ‘to! Walang wifi!!! Kainis!”
Mabubuhay pa ‘kong mag-isa basta may wifi lang. Kaso badtrip talaga dahil wala huhu. Parang ngayon pa lang mamamatay na ‘ko huhuhuhu.
Wala akong choice kundi bitawan ang cell phone ko at magmuni-muni na lamang. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang akong umiyak.
Ewan ko ba. Nalulungkot ako. Sanay naman na ‘kong mag-isa. Sanay na akong walang kasama. Sanay ako na walang magulang na nandyan sa tabi ko. Sanay ako na walang kapatid na kausap. Sanay ako na tanging sarili ko lang ang nagco-comfort sa ‘kin.
‘Di ko alam kung epekto ba ‘to ng no internet connection or what. Sa condo kasi na tinutuluyan ko, sa tuwing malungkot ako ay nilulunod ko lang ang sarili ko sa panonood ng k-dramas, vlogs, at humorous movies.
Pero ngayon, hindi ko magagawa ‘yon dahil nasa quarantine area ako. Ngayon ko lang mas lalong naramdaman kung gaano kalungkot ang buhay mayroon ako.
My father is a mayor while my mother is a maid. My mother died after giving birth of me. Oo, namatay siya sa panganganak sa ‘kin. I have three siblings and they were all older than me. At sa aming magkakapatid, ako lang ang anak sa labas.
Mababait naman ang mga kapatid ko kahit alam nilang anak lang ako sa labas. Pumayag sila na bilhan ako ni daddy ng condo unit. Palagi rin nila akong kinukumusta, sila nga ang nagsabi sa ‘kin na magpa-check-up dahil nag-aalala sila sa ‘kin.
Napakaswerte ko sa mga kapatid ko kaso minalas naman ako sa naging stepmother ko. Hate na hate ako ng stepmom ko dahil ako ang naging bunga ng ginawang pagtataksil ni dad sa kaniya.
Ilang beses niya akong sinaktan, both physical and emotional. Kaya naman sa edad kong ten years old ay humiwalay na ako ng tirahan sa kanila. Twenty three years old na ako ngayon kaya more than thirteen years na rin akong namumuhay ng mag-isa.
At sa thirteen years na mag-isa ako, kinaya ko lahat ng kalungkutan, lahat ng anxiety and depression na naranasan ko. I fight them all alone. At ngayon, ganun rin ang ginagawa ko. Tahimik akong umiyak nang umiyak. Hanggang sa nakatulog ako.
– F I R S T D A Y –
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ito ang unang araw ko rito sa quarantine facility. Nakita kong maga ang aking mga mata marahil sa pag-iyak ko kagabi. Kumain na ako at naligo.
After kong maligo ay wala na akong magawa. Nagsisimula na naman akong ma-bored. Nasanay kasi akong abala araw-araw kaya ‘di ako sanay na walang ginagawa hayst.
Pinagmasdan ko na lamang ang paligid at sa aking pagmamasid, may napansin akong kakaiba sa kanang bahagi ng wall. Nilapitan ko ito at hindi nga ako nagkakamali. Mayroong maliit na space sa baba ng wall na pwedeng daanan ng mga bagay na maninipis gaya ng papel. Gawa lang kasi sa plywood ang wall.
I’m wondering tuloy kung may tao rin ba sa kabilang room. Kaya naman mahina kong kinalabog ang dingding. Just to test if may tao ba sa kabila. Nagulat naman ako nang bigla ring may kumalabog sa kabila which means, may tao rin sa kabilang room na kagaya ko rin sigurong bored na bored na rin.
“Hmmm m-may tao ba diyan?” I asked.
Clarification lang, baka naman kasi multo pala ang nasa kabilang room at pinaglalaruan ako.
Matagal bago siya sumagot.
“Yeah,”tipid niyang sagot.
Hmm mukhang lalaki ang nasa kabilang room.
“Uhmm ilang days mo na rito?”
Malinaw naman naming naririnig ang isa’t-isa dahil plywood nga lang ang pagitan namin.
“First day.”
“Oh, same pala tayo…bored ka na rin ‘no? Badtrip kasi dahil walang wifi. Okay na sana e.”
“Yes, I’m bored but not because of wifi. What I want is to get out of here argh!”bakas sa boses niya ang inis.
Hmm hindi pala siya into wifi pero same kami na gusto na ring umalis rito.
“Ano nga pala name mo?”
Matagal bago siya muling sumagot.
“Just call me EA.”
“Hmm okay, EA. Ako naman si Nadaleiah, Nadia for short.”
“Cute name.”
Automatic naman akong napangiti sa sinabi niya. Actually ‘di lang name ko ang cute, pati din ako. Char.
“You’re a girl, right?”tanong niya.
“Yes. And lalaki ka naman, ‘di ba?”
“Yeah.”
Napatango-tango ako. Halata naman sa boses.
“How old are you?”tanong niya muli.
Isang tanong na lang, iisipin ko na talagang interesado siya sa ‘kin. Haha charot again.
“I’m twenty three. How about you?”
“Twenty eight.”
“Ahh may asawa ka na siguro’t mga anak, ‘no?”seryoso kong tanong pero nagulat ako nang tumawa siya.
Grabe talaga ang tawa niya na pati ako ay natawa na lang rin. Ano bang nakakatawa sa tinanong ko? Eh baka naman talaga may pamilya na siya na main reason kung bakit gusto niya nang umalis rito.
Pero in fairness, ang sarap pakinggan ng tawa niya. Iyon kasi ang klase ng tawa na alam mo talagang totoo. At parang ang tagal na mula noong huli siyang tumawa ng ganoon.
“Hahaha well, thank you for making me laugh. It’s been a while since the last time someone made me laugh like that. And to answer your query, I don’t have wife and kids yet. Even girlfriend, I don’t have one.”
“Oh? Totoo? Kahit girlfriend wala ka rin?”
The way he talks and communicate with me, I know he’s a great man. Boses pa lang niya, gwapo na. Halata ring matalino siya at may mabuting puso kaya I’m really surprised nang sabihin niyang wala pa siyang girlfriend.
“To be honest, I’m not interested in women. I feel like I don’t trust any woman now. But I like to have kids though. But it seems like fate is making fun of me. Halos kasi ng babaeng nakilala ko ay manloloko. They weren’t contented. They always cheat as if it made them gorgeous. They’re disgusting, really. That’s why I don’t want to be with any woman anymore.”
“Ahh ang pait naman pala ng naging love life mo. Pero para sabihin ko sa ‘yo, hindi naman lahat ng babae ganoon e. Katulad niyo rin naman kaming mga babae. May mga lalaki rin namang manloloko at cheater. May faithful din naman. Ganoon din sa babae. May cheater pero mayroon rin namang faithful.”
“Yeah, you have a point though. I’m just unlucky when it comes to women.”
Marami pa kaming pinag-usapan ni EA hanggang sa dumating na ang lunch namin. Nalaman ko ring isa pala siyang architect. Hindi daw dapat siya rito magqua-quarantine dahil may rest house naman siya para doon mag-quarantine kaso wrong timing dahil under construction pa ang rest house niya.
No choice siya kundi rito mag-quarantine. Pero katulad rin naman ng room ko ang room niya na kompleto na at malinis pa.
After naming kumain ng lunch ay nag-usap na naman kami. Very thankful talaga ako na nandiyan si EA para burahin ang boredom ko. Kung wala siya, baka namatay na ‘ko sa sobrang bored. Magaan kasing kausap si EA. May sense of humor din siya at may kwenta kausap.
“Do you want me to sing a song for you?”
Nagulat ako sa tanong niya. Omg, don’t tell me singer din siya?
“Marunong ka ding kumanta?”
“Hmm yeah. Just a little bit.”
“Yieee sige nga, kantahan mo nga ako.”
“Wait.”
Narinig kong tumayo siya at lumakad papalayo pero pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik rin siya agad.
Nagulat ulit ako nang marinig ang tunog ng gitara. Halaaa ibigsabihin may dala siyang gitara sa quarantine room niya?
Bawat pagkumpas niya ng gitara ay napakasarap pakinggan. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay nang sambitin niya ang unang lyrics ng kantang kakantahin niya.
“I met you in the dark, you lit me up. You made me feel as though I was enough. We dance the night away, we drank too much. I held your hair back when you were throwing up~”
Napakamalumanay ng pagkanta niya. Ang sarap sa tainga. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
“Then you smiled over your shoulder for a minute, I was stone cold sober. I pulled you closer to my chest. And you ask me to stay over. I said, I already told you I think that you should get some rest~”
“I knew I loved you then but you’d never know ’cause I played it cool when I was scared of letting go....


I knew I needed you but I never showed. But I wanna stay with you until we’re grey and old. Just say you won’t let go, just say you won’t let go~”
Napakaganda ng boses niya. His soothing voice makes my heart at peace. Every lyric he utters, it’s really fantastic and calming. Hindi nakakasawang pakinggan ang napakaganda niyang boses.
Nang matapos siyang kumanta ay hindi ko napigilang pumalakpak. Ang galing niya!
“Wow! Napakaganda naman ng boses mo! Sana all!”
“Thanks.”
Humirit pa ako ng isang kanta sa kaniya na pinagbigyan niya naman. Hindi talaga nakakasawa ang boses niya. Ang sarap ulit-uliting pakinggan.
Pagsapit ng gabi, bago kami matulog ni EA ay kinantahan niya muli ako. Pagkatapos niya akong kantahan ay may sinabi siya na ikinataka ko.
“I want to give you something, Nadia. Please read it before sleeping. Good night and sweet dreams.”
Nagulat ako nang may lumabas na papel sa ilalim ng dingding kung nasaan ako. It’s a yellow paper with butterflies design on it. Sa space na nasa ilalim ng dingding niya pinadaan ang papel na binigay niya sa ‘kin.
Curious ko naman itong pinulot at binasa ang nakasulat rito.
Truly there is sunshine after the storm.
Heavy loads can be relieved.
And you made me feel that.
Nadia, thank you so much.
Kinda weird, but yeah.
You are a star.
On darkness you shine.
Under the valleys you reign.
Iyan ang nakasulat sa papel na binigay niya. Kahit papa’no naiintindihan ko naman ang ibang ibigsabihin nito pero may part na hindi ko maintindihan.
Hmm ano kaya ibigsabihin nito??
Umakyat na ako sa higaan ko at muling tinitigan ang sulat. Hindi talaga ako makakatulog nito hangga’t hindi nage-gets ang ibigsabihin ng sulat na ito.
Inabot ako ng madaling araw bago na-realize ang ibigsabihin nito. Nabuo ko kasi ang words na ‘thank you’ nang pagsa-samahin ko ang bawat unang letra kada linya. T-H-A-N-K-Y-O-U. His letter means thanksgiving.
I think he’s thanking me for saving him from boredness that kills him little by little. Well, I want to thank him as well for doing the same thing to me. He saved me from anxiety and sadness.
– S E C O N D D A Y –
Pagsapit ng umaga ay binigyan ko rin siya ng papel. At ang nakasulat sa papel na binigay ko ay ‘thank you too’. Plain na thank you too lang hehe hindi kagaya niya na may pa-poem pang nalalaman. Wala naman kasi akong brilliant mind tulad niya hehe.
Just like what happened yesterday, ganun din ang ginawa namin today. And pagsapit ng gabi, pagkatapos niya akong kantahan ay binigyan niya na naman ako ng panibagong papel. Color blue naman ito at may desinyong bulaklak.
You’re like a flower. You bloom. You’re precious. You’re worthy. You’re lovely.
Halos mapunit ang aking labi dahil sa napakalaki kong ngiti. Sino ba naman kasing hindi kikiligin sa sinulat niya.
Ano ba naman ‘to si EA! Pa-fall masyado. Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino ba talaga siya at kung ano ang hitsura niya.
Third day, fourth day, fifth day until twelfth day passed at ganun ang naging routine namin ni EA. Hanggang sa sumapit ang ikalabintatlong araw namin rito sa quarantine facility.
Me and EA exchanged letters for thirteen days hanggang sa hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nahulog sa kaniya. I fell in love with him without seeing his face. I fell for him not because of his face but because of his heart.
I fell in love with his soothing voice, with his pieces of letters and poems, with his wisdom, and with his character. I fell in love with his soul and not with his physical appearance.
Sa nakalipas na labindalawang araw, puro poems and letters ang binibigay sa ‘kin ni EA. Pero nagtaka ako dahil ngayong ikalabintatlong araw, hindi poem or letter ang binigay niya. It’s a drawing. At ang papel na ginuhitan niya ay kulay pula na may desinyong mga puso.
Okay lang naman sa’kin na drawing ang binigay niya instead of poems and letters kaso ang pinagtataka ko ay dahil hindi ko ma-gets ang ginuhit niya.
He draw an eye, yes, as in isang mata. He also draw a lovebird and an umbrella. And in the bottom of the three drawings, gumuhit siya ng dalawang mata na nakapikit at nasa loob ito ng isang box.
Labis talaga ang curiosity ko sa binigay niyang drawing kaya naman napagpasyahan kong tanungin siya kinabukasan kung ano ang ibigsabihin ng ginuhit niya.
– F O U R T E E N T H D A Y –
Ngayong araw na ang last day namin rito sa quarantine facility. Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite dahil sa wakas, makikita at makikilala ko na kung sino ba talaga si EA at kung ano ang hitsura niya.
Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong lumapit sa dingding at marahan itong tinapik.
“EA! EA! Gising na diyan!”
Ilang beses kong kinalabog ang dingding pero wala man lang siyang naging sagot.
“EA! EA! Hoy! Gising na! Ano ba ibigsabihin nitong ginuhit mo? Explain mo naman sa ‘kin, oh! Buong magdamag kong sinubukan intindihin ito pero ‘di ko talaga ma-gets. Kaya please, bumangon ka na diyan. Explain mo sa ‘kin meaning nito.”
Nagtaka ako dahil wala pa rin siyang naging sagot. Kaya naman hindi ako tumigil sa pagkausap sa kaniya kahit wala siyang naging sagot sa mga sinasabi ko.
Hanggang sa mayroong nagsalita mula sa pintuan na labis kong ikinagulat.
“Ano pong ginagawa niyo diyan, Miss Marquez?”nagtatakang tanong ng nurse.
Dumating na pala ang breakfast ko for this day.
Agad naman akong tumayo.
“Ahh w-wala.”
Lumapit ako sa kaniya para kunin ang breakfast ko nang muli siyang magsalita.
“Kausap niyo po ba ang nasa kabilang room, Miss Marquez?”
Nagulat ako sa sinabi. Mukhang kanina pa siya nandito at pinanood lang akong kausapin si EA sa kabilang room.
“A-ah oo. Kilala mo ba siya? Bakit parang wala na siya diyan?”
Pansin ko kasi kanina pa na parang walang tao sa kabila. Kung nandiyan kasi si EA, malamang kanina niya pa ako kinausap.
“Balita ko po, wala na raw ‘yong nag-quarantine diyan.”
“Ha? Ba’t naman daw? Nasaan na siya kung ganoon?”
“Di ko po alam e. Itatanong ko na lang po sa iba baka alam nila.”
“Ah s-sige. Salamat.”
Umalis na ang nurse at naiwan naman akong nagtataka. Nasaan na si EA?
Buong araw akong hindi mapakali. Hindi ko alam pero kinakabahan ako na ewan. Siguro dahil sa pinaghalong excitement, curiosity at tuwa dahil aalis na ako rito bukas na bukas din. Makakalabas na ako sa kwartong ito na nagsilbing hawla ko sa loob ng labing-apat na araw.
Maaga pa kinabukasan ay lumabas na ako sa quarantine facility. Agad akong tumungo sa nurse’s station at tinanong ang mga nurse doon kung anong nangyari kay EA at kung nasaan na siya ngayon.
“EA po? Wala kaming kilalang EA miss e.”
“Ha? Pero ‘yon ang name na sinabi niya sa ‘kin. Siya ‘yong guy na katabi lang ng quarantine room ko.”
Bakit di nila kilala si EA? Baka naman hindi EA ang name niya sa list nila.
“Wala pong EA na name dito sa ‘min pero nandito po kung sino ‘yong katabi mong room. His name is Enriego Alfeo and he’s an architect.”
“Siya nga! Siya nga si EA! Enriego Alfeo in short is EA. Nasaan na siya ngayon, nurse?! Pwede ko bang malaman kung nasaan na siya?!”
Makikita ko na rin sa wakas ang lalaking pina-ibig ako sa loob lamang ng ilang araw.
“According po dito sa report namin, nagkaroon po ng complications si mister Alfeo. At kahapon lamang po, sinugod po siya rito sa hospital. Sa kasamaang palad, binawian po siya ng buhay.”
Para akong na-estatwa sa narinig. A-ano? B-binawian ng buhay? I-ibigsabihin, wala na siya? As in…p-patay na siya?! Patay na ang lalaking inibig ko nang hindi ko pa nakikita?!
Bago pa man magsimulang tumulo ang aking mga luha dahil sa labis na sakit, may binigay ang nurse sa ‘kin na isang papel na purong puti. No designs and all.
“Bago po siya binawian ng buhay, binigay niya po ito sa akin at sinabi niyang ibigay ko raw ito sa babaeng nasa katabi niyang room. And I think, kayo po ang tinutukoy niya. Sinabi niya rin po na iyan daw ang ibigsabihin ng drawing na binigay niya sa ‘yo.”
Kahit hinang-hina na ako, nagawa ko pa ring kunin ang papel sa kamay ng nurse.
“S-salamat.”
After that, tumakbo na ako papalabas ng hospital. Tumungo ako sa pinakamalapit na park kung saan wala masyadong tao.
Binasa ko ang nakasulat sa papel at doon na ako napaiyak nang labis.
I love you even though I haven’t seen you yet.
Iyan ang nakasulat sa papel. Iyan pala ang ibigsabihin ng ginuhit niya. Eye means ‘I’, lovebird means ‘love’ and umbrella means ‘U’ which is the first letter of that word.
Ang dalawang mata naman na nakapikit at nasa loob ng isang box means he haven’t see me yet because we are in different rooms.
Sunod-sunod na lamang na tumulo ang aking mga luha dahil sa aking mga naisip.
“I love you too, EA!!!”
Iyak ako nang iyak pagkatapos isigaw iyon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit dahil akala ko makikita ko na siya. Akala ko makakasama ko na siya. Akala ko makakabuo na kami ng love story na may happy ending paglabas namin sa quarantine facility.
Kaso akala lang pala ang lahat ng iyon.
Minahal ko si EA nang hindi ko man lang siya nakita. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya, kung gaano kaganda ang ngiti niya at kung gaano kagwapo ang mukha niya. I love him without seeing his face. I love him without feeling his hugs. I love him without caressing his face. And I love him without kissing his lips.
In those two rooms, four corners of each room and between that wooden wall, EA and I fell into each other. At that quarantine facility, I fell for a man I had never met. And in that quarantine facility, nabuo ang untold love story naming dalawa during the Covid-19 pandemic.
“I am Nadaleiah Marquez and this is my untold love story during the Covid-19 pandemic.”
The End.

A/N: This story is purely fictional and only a product of my imagination. I hope you enjoyed reading it <333 Comment your reaction pls hehe. Don't worry, I'm accepting criticism. originally written by: Ana Ruth WP Account: EighnaVieso Ctto of the pic. YOUR READ, REACTION, COMMENT AND SHARE IS HIGHLY APPRECIATED 🙂 ‼️DON'T U EVER TRY TO PLAGIARIZE MY STORY COZ IT'S A CRIME IF I CAUGHT YOU PLAGIARIZING MY ORIGINAL WORK‼️ Thank you for reading. Lovelots~


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.