0

The Story Of Us**Book2**Part9πŸ˜˜πŸ˜˜β€οΈπŸ’•


Report

“..Hindi mo ba talaga ako kayang bigyan ng pansin??!..kahit pagtingin lang nman ibigay mo sa akin, kahit wag mo na akong mahalin”,

Nakahanda na si Ella para mag walk out ngunit natigilan sya sa sinabing yun ni Kyle..alas onse na ng gabi ng Huminto ang motor ni Kyle sa apartment nya..wala syang balak na harapin ito ,para ano?para manggulo na naman?kaya mas pinili nyang wag nalang sana itong labasin kaso sumisigaw ito sa labas,at dahil ayaw nya ng eskandalo ay minabuti nalang nyang harapin ito.. but then paglapit nya naamoy agad nya ang amoy alak sa katawan nito..

“,Kyle lasing ka.. umuwi kana !! “,

“,Hindi ako lasing,Ella..nakainom lang,,kilala pa nga kita eh,i know you kahit nakapikit pa ako,,only because kilala ka ng puso ko .. “,

Napaatras ako ng unti unting lumapit si Kyle sa akin.. hindi ko gusto ang anyo nya ngayon, pakiramdam ko ibang Kyle ang kaharap ko ngayon,at natatakot ako..

Alam ko na dati na may pagtingin sya,palagi naman nyang pinapahalata sa akin yun eh at hindi ako tanga para hindi magets ang mga yun..pero,dati ko ng nilinaw sa sarili ko na hanggang kaybigan lang kami dapat ni Kyle,na kung sakaling magpumilit pa syang pumasok sa buhay ko ay hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong isukli sa kanya..ayuko nga sa mga taong may koneksyon kay Jed..

At hindi ko napaghandaan ang pag amin nya ngayon,or dala narin siguro ng kalasingan..maybe,maybe ganun nga ..

“,,Hindi mo ba talaga kaya?hindi mo ba talaga kayang titigan man lang ako katulad ng paraan ng pagtitig mo kay Jed??kahit kaylan ba sa tuwing lumalapit ako sayo wala kabang kakaibang nararamdaman?.. “,

Awww ! Tumama ang likod ni Ella sa pader dahil wala na syang aatrasan pa,sa isang iglap nacorner na sya ni Kyle..

Subalit hindi na ako nakatiis sa mga sinasabi nya,lalo na ang idamay pa nya si Jed sa usaoan namin..

“,,Kyle pwede ba..wag mong idamay si Jed dito??..

“,,Bakit?dahil ba sa apektado ka? apektado ka parin sa kanya? pucha naman Ella,ilang bwan na ang nakakaraan mula ng umalis sya at iniwan ka nya ..hanggang ngaun paba mahal mo pa sya???!!;;”,

Oo ! Gusto ko sanang isigaw sa pagmumukhA nya..kaso mas pinili ko na lamang manahimik dahil baka maging mas komplikado pa ang lahat,baka mas lalo pang lumala at magwala pa sya..

“,Antagal na nun Ella,bakit dimo bigyan ng chance ang sarili mo na makawala sa ala ala nya?alam mo bang madaming gustong magmahal sayo ..pero nababaliw ka parin sa isang taong hindi makita ang halaga mo..”,

Nasaktan ako sa sinabi nyang yun,but then ayuko iyong ipahalata..taas noo ko syang tiningnan sa mga mata,,kahit naiilang ako sa blue eyes nya.. “,wala kang alam Kyle..wala kang alam.. “,,sinikap kong pakalmahin ang boses ko dahil anumang oras gagaralgal na ito,

Biglang natigilan si Kyle at mas naging nakakakaba yun para sa akin,sanay akong nakikitang jolly sya at energetic pero sa mga sandaling ito ay hindi ko na kayang tingnan ang mga mata nyang punong puno ng lungkot..ayuko nun hindi ako sanay..

“,Ang sakit sakit pala kapag.. pangalawa ka lang sa taong lagi mong inuuna.. “,naging malamyos ang tinig nya at mas lalo kong iniwas ang paningin sa kanya..Nararamdaman ko ang matinding pain sa pagkatao nya,nais kong Humingi ng tawad pero paanu ba?saan ako mag uumpisa??..

Bigla tuloy akong na stuck between “i dont wanna feel that type of hurt again”but..”,I wanna feel that type of love again.. Pero,kung sakaling magmamahal man ako muli,, sisiguruhin kong hindi sa mga oras na to,hindi sa pagkakataong ito at higit sa lahat,hindi sa taong ito..hindi pa handa ang puso ko..

..tama na muna,stop na muna,buong akala ko sa loob ng ilang buwan akala ko wala na lahat ng sakit,,akala ko naiyak ko na lahat,kaso hindi pala eh..kasi andun parin antagal ko lang dineny sa sarili ko,kung hindi pa nagtatapat sa akin ngayon si Kyle hindi ko pa mlalaman na hindi p pala talaga ako nakamove on..πŸ˜₯πŸ˜₯😒

…..—-++

Sinikap ko parin pumasok kinabukasan kahit na alam kung makikita ko pa ulit si Kyle sa klase.. pagkatapos ng pangyayari kagabi na parang nireject ko sya ay hindi ko na alam kung panu sya haharapin..

Dahan dahan akong pumasok sa loob at inipon ko ang lakas ng loob ko,alam kong mkikita ko sya sa loob gayunpaman kaylangan hindi ako naapektuhan pag nakita ko sya..

At tama nga ako sa hinala ko dahil naroon na ai Kyle,nasa dulo na nga sya ng room.. Napakagatlabi ako dahil mukhang malabong maiwasan ko sya dahil malapit lang naman sa tabi nya ang mga bakanteng upuan..

Nagtungo ako ruon at dumaan pa ako sa harap nya,may kauasap sya nuong babae at mukhang masaya sila dahil rinig na rinig ko ang halakhakan nila..masakit yun sa tenga para sa akin at naiinis ako, idagdag pa sa inis ko na hindi manlang nya ako tinapunan ng tingin gayung dumaan na ako sa harap nya..masakit,
feeling ko nasaksaka ako at hindi ko alam kung panu ako makakabawi..

Nasanay akong sya yung unang pumapansin sa akin pagpasok ko,nasanay akong kinukulit nya ako kapag hindi ko sya pinapansin at nasanay akong tinitigan nya ako palagi pero bakit ngayon iba na???..hindi ko maintindihan ang sarili ko,binabalewala nya ako!

Hindi ko alam kung gaanu na sila katagal nag uusap nung babae,at parang may mainit sa pakiramdam ko sa isiping may ibang kausap ai Kyle kaya di na ako nakatiis at nilapitan ko na sya .. “, Kyle iniiwasan mo ba ako ?!”,alam kong wala ako sa posisyon na magtanong ng ganun sa kanya hindi ko lang talaga mapigiLan pa..at kung umaasta sya ng ganuon dahil sa nangyari kagabi pwes hindi yun nakakatuwa!

Tiningnan ako ni Kyle.. umirap pa sya sa akin,”, binabalewala mo ako..tapos itatanong mo kung bakit umiiwas akon??? “,Pailing iling na sagot nya sa akin.. Nakonsensya naman ako,ganun naba ako ka harsh sa mga sinabi ko sa kanya kagabi para sabihin nya to ngayon sa akin?..ansama ko na ba?gusto ko sana syang makausap dahil mas magandang makausap sya ngayon na matino sya keysa kagabi na nakainom sya..gusto kong ipaliwanag sa kanya ng mas malinaw dahil mukhang hindi naman nya ako maintindihan kagabee..pero hindi kk yun nagawa ng dumating ang proof namin sa literature..

****
Kundi ko mahal ang pagsusulat,nakakaboring sana sa akin ang subject na ito,idagdag pa ang isipin ang kakaibang Kyle na nasa tapat ko lang.. mataman din syang nakikinig kay prof..

Ng mga oras na yun tinutuloy namin yung dati pa nyang nilelecture.. yung tungkol sa best selling novel ngayon na pinag uusapan sa Pinas na may pamagat na “My Past and My Present Love.. ” maromansang novela at ilang beses ko...


narin yung nabasa… Maganda ang istorya nun at sa sobrang ganda naiisip ko pa nga minsan na ako yung main character na babae..

“, Mr.De’Asis..since mukhang seryoso ka naman sa mga oras na to maari kabang magbigay ng mga katangian ni Leonora sa kwento natin ngayon???..”,

Bussy ako sa pagkakagat ng ballpen ng sabihin yun ni prof..tumingin ako kay Kyle duda akong maitatawid nya ang pinapagawa sa kanya ni Prof sa kanya,hindi nga ako siguradong nabasa narin nya ang kwento…

“,Selfish si Leonora..

Dumiin ang tingin ko sa kanya,si Leonora ang bidang babae sa istorya na mas pinipili na makipagbalikan sa dati nyang kasintahan at iniwan ang bago nyang karelasyon..

“,,Selfish sya to the point na nakuha pa nyang balikan yun dati nya keysa sa taong mas nagpasaya sa kanya ngayon,selfish sya kasi kahit na pinaramdam pa sa kanya ni William na mahal na mahal sya nito ay mas pinili parin niya si Arthuro ..at hindi lang sya selfish kundi ay tanga pa sya dahil niloko na nga sya ni William pero mas pinili parin nya sya.. “,

Bravo.. sabi ni Prof..sa totoo lang ganuon naman talaga umikot yung kwento,at totoo naman yun,ang hindi ko lang matakenay yung tila ba may pinapatamaan si Kyle sa sinasabi nya..or guni guni ko lang??tsaka diko rin nagustuhan ang kakasabi niya ng selfish kay Leonora,,hindi sya selfish kasi..nagmahal lang sya at nagkataong mas mahal nya si William keysa kay Arthuro..

“,,Any opinion pa?miss Abelarda,ano pang masasabi mo kay Leonora?..”,

Bigla akong tumayo ng tawagin ako,ito na ang oras ko para mag shine..

“,Masasbi ko base sa naramdaman ko nung binasa ko yung novel ay..hindi naman selfish si Leonora.. ”

Napa ooh ang mga kaklase namin,,ramdam ko rin na nakamasid sa akin si Kyle..

“,Hindi sya selfish,,nagmahal lang sya..hindi kayang ibigay ni Arthuro ang pagmamahal na gusto ni Leonora kaya nung nagbalik si William hindi na sila nakapagpigil at ipinaglaban na nila ang pagmamahalan nila..at hindi kahit kaylaman minahal ni Leonora si Arthuro..”,

“,Panu nya mamahalin kung itinali nya yung pagmamahal nya kay William?”,biglang tumayo si Kyle at sinagot ako…”, kahit madaming ginawa si Arthuro kay Leonora at kahit sinamba pa sya nito ay hindi parin sya minahal ni Leonor dahik hindi nagkaroon ng pagkakataon na tinanggap ni Leonor ang pag ibig nya..Ang dapat na nagkatuluyan sa huli ay si Arthuro at Leonora ,mas kaylangan ni Leonora si Arthuro habang si William wala namang ginawa kundi saktan sya ng paulit ulit pero ang tangang si Leonora..mas pinili parin si William..! Ganun ang mangyayari kapag yung taong mas mahal ka ipinagtabuyan mo… “,

Very well said,Kyle..bakit parang may pinapatamaan sya??

“,Tama lang na nagkatuluyan si William at Leonor.. “,, sagot ko,bigla syang tumingin sa akin,ipaglalaban ko ang team William noh”,kasi nga mas lamang ang nagmamahalan mas maganda ang ending..kung nagkatuluyan sila ni Arthuro baka hindi din maging masaya kasi one sided love lang yung pagmamahalan nila,si Arthuro lang ang nagmamahal..kaya,,dapat sa una palang si Arthuro dapat dumistansya na sya kasi alam nyang may mahal na iba si Leonora..kasi may mga bagay na di na pwedeng ipilit pa.. “,

“,,Meeroon! “,Sigaw ni Kyle at pinagtitinginan na nila kami,”,.may mga bagay na pwede pang ipilit,kaso may mga taong ayaw nun,may mga taong nasaktan lang ay di na muling nagtiwala..pwede pa sanang ipilit,kaso hindi ginusto ni Leonora..kasi nga selfish sya !! “,

“,HINDI SELFISH SI LEONORA NAGKATAON LANG NA WALA SYANG NARARAMDAMAN KAY ARTHURO .. “!”,banat ko,may diin yun..

“,Talaga ba,Ella?!”,dumiin din ang tingin sa akin ni Kyle..hindi ko na alam kung ano na naman ba ang pinaglalaban nya,bakit pakiramdam ko off topic na ang pinag uusapan namin?”,,ganyan karin ba?parang si Leonora?..na kahit na may taong handang magmahal sayo ay hindi mo binibigyang halaga dahil sa umaasa ka parin na tulad ni William ay bumalik si Jed ????…

Napatanga lang ako.. ganun naba kasama ang loob sa akin ni Kyle para banggitin pa ang pangalan ni Jed sa klase?higit sa lahat..bat kylangan nya akong icompare kay Leonora??..

“,Cut..!”,kundi pa muling nagsalita si Prof ay hindi pa kami matatauhan..

Tila ako isang kandilang nauupos na naupo, ganun din naman si Kyle,at naramdaman ko ang matalim na titig nya mula sa aking likuran..

***
CHApter Nine..

Nasa mall ako dahil naisip kong bumili naman ng mga bago kong damit,ang luluma na kasi eh..sinadyang dagdagan nina mama ang allowance ko upang sa ganuon ay makabili naman ako ng gusto ko..

Nasa womens wear ako at may mga ilang blouse narin akong napili..ang tanging dapat ko nalang gawin ngyon ay ang isukat ito..

Hinanap ko ang fitting room at ng makita ay tinungo ko iyon..malapit na sana ako duon ng may biglang may isang kamay na humatak sa akin papasok..

Titili sana ako dahil sa gulat pero may kamay na tumakip sa bibig ko..

Nanlaki ang mga mata ko ,si Jake ang may takip sa bibig ko ngayon..?Anong ginagawa nya sa lugar ng mga babaeM??at sa fitting room pa talaga..

“, Shhhssh.. “, impit na anas ni Jake ng mahalata nyang balak kong magpumiglas..
“,,Tsaka na ako magpapaliwanag..”,bulong nya..

Pawis na pawis si Jake ng mga oras na to at halatang tense na tense ito,wait?hindi kaya namboboso si Jake dito??..o kaya naman gunawa ng milagro kaya pawis na pawis …ayy sabi na nga ba manyak din ang isang to eh ..

“,Sure kabang si Jake yung nakita mo kanina?”,

Tinig yun ng dalawang babae sa labas..kung ano anong espikulasyon ko kanina sa kung anong gingawa ni Jake sa lugar na bawal dapat ang lalaki subalit maliwanagan lang ako base sa nag uusap sa labas..may tinataguan si Jake???.

“,Oo..sure ako na dito ko sya nakita..”,

“,Ano namang gagawin mo kapag nakita mo sya dito??”,..

“,Pag nakita ko sya,magpapabuntis na ako sa kanya..sayang din ang lahi nya..”,

Kundi lang nakatakip ang bibig ko ng kamay ni Jake baka napahalakhak na ako bigla dahil sa narinig..pero pinipigil ko yun dahil ayuko namang dahil sa akin ay mahuli nila ang binata.

At ng masigurong wala na ang dalawa at nakalayo na ay binaba na ni Jake ang kamay nya.. pasimple pa nyang pinunas yun sa pantalon nya..

Hmmpm! napasimangot ako,ang arte naman nito..

“, Thanks .. “,sabi nya pero wala naman ako masyadong ginawa,wala lang yun sa akin..*,”,bilang pasasalamat ihahatid kita,hintayin kita sa labas???..”,

Hindi na ako nakasagot ng magpatiuna na syang lumabas.. natulala muna ako hbang nakaharap sa may kalakihang salamin ng bigla ulit isinungaw ng pintuan ang ulo ni Jake..ngulat ako,mga stage four haha..

May nakalimutan kaya syang sabihin?

“,Ella..Panganib kaba???

Ha..enebey.. “,Ba..bakit???!”,

“,Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita kita.. “,

Shutangg inaaaa!! Gusto ko syang sipain palabas dahil sa kakornihan nya..

Hhhhhhahahahahaja..

Yun lang muna inaantok na ako 😍🀭😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.