9

The Story Of Us**Book2**Part4😍😍😍


Report

… Chapter Four 😊😊

“,Stop it !!!!!!!! Im gonna die !! “,Malakas na sigaw ni Jed ng mabilis ng umiikot sa ere ang sinasakyan namin.. Sumakay nga kami sa ferris wheel ! “,,Fuck You!damn You !! “,,Nag finger sign si Jed ng matapat kami sa operator..

Kanina parin ako naalarma,kanina pagsakay namin ramdam ko ng hindi na maganda ang timpla ni Jed,at namumula na sya..tinanong ko pa nga sya kung gusto pa nyang ituloy pa ang pagsakay ngunit sinabe nyang oo kaya naman natuloy kami sa rides.. pero hindi ko naman akalain na ganito ang magiging reaksyon nya!

“,Kuya ! Stop ! “,,Sigaw ko rin ng matapat kami muli sa operator,pero mukhang ginaganahan si kuya manong sa pag ooperate dahil nakangiti pa sya habang lalo pang pinapabilis ang ikot..

Tiningnan ko si Jed,punong puno ng pag aalala,mukhang anumang oras ay mag collapse na sya,at hindi yun maari..

“,Fuck you ! “,Sigaw nyang muli “,hintayin mong makababa ako dito,humanda ka pagbaba ko..”, nanlilisik na yung mga mata ni Jed na nakatingin kay kuya Manong .. hindi nawala ang panlilisik na yun hanggang sa unti unti ng Bumagal ang ikot ng wheel sign na bababa na kami …

Lumapit yung operator sa amin upang itaas ang harang sa kinauupuan namin..pagtaas nun ni kuya manong napatili ako ng malakas ng walang ano anong Sinapak agad ni Jed yung operator ..

“,Gago !! “, Sabi nya at sumugod pa ulit si Jed,galit na galit ..

“,Jed,ano ba..stop it !! “,Sigaw ko at pilit kong nilalayo si Jed dito.. pero pursigido si Jed na nabugbog si Kuya..

Natumba si kuya manong at andami ng nakikiusyoso..Gayunpaman tila walang may gustong umawat ,mukhang nag eenjoy pa nga ang mga nanonood..

“,Tama..na.. Boss “,hinging pagmamakaawa ni kuya Manong..sa pagitan ng mga sakit ng suntok na nagawa sa kanya ni Jed..

Naawa ako kay kuya,ampayat pa naman nya at wala syang laban sa laki ni Jed.. Lumapit ako kay Jed ng tangkain nya ulit na sugurin ang nuoy nakatumba ng si Kuya.. “,,Jed,i said STOP!!”, Malakas kong sigaw.. Tiningnan ako ng masama ni Jed,,natakot ako sa tingin na yun,,alam ko naman na basagulero talaga si Jed,at alam kong sinisikap naman nyang magbago pero.. mukhang hindi nya kayang gawin yun,parang bumalik tuloy ulit yung Jed nuon..bago ko pa sya nakilala.. At ano na naman kayang ikinagagalit nya ngayon??!

Iniwas ni Jed ang tingin sa akin at alam kong ginawa nya yun dahil hindi sya makapaniwalang inawat ko sya..parang lumalabas tuloy na kumampi ako kay Kuya..

Tumalikod si Jed at iniwan ako.. ang sistye,nag walk out na naman .. Mabilis syang naglakad palayo sa lugar na yun,, pinagtitinginan sya ng mga tao at obviously ..puro angry face ang mga ito sa kanya..but knowing Jedrian Santos alam kong wala naman syang paki sa ibang tao..eh wala nga syang paki sa akin at basta nalang ako iniwan sa ere !

“, Jedrian’ Santos !!!! “,Sigaw ko ng mahabol ko sya..hindi nya ako nilingon at nagtuloy tuloy lang syang naglakad..

Nainis ako kaya naman mas binilisan ko rin ang paglalakad upang lampasan sya..Huminto ako ss harap nya ng malampasan ko sya upang harangin sya “,Jed ano ba?kung niyaya mo ako dito para lang tratuhin ng ganito sana lang pala hindi na ako sumama !! “,

Puno ng hinanakit na sabi ko,akala ko pa naman magiging perfect na ang araw na to sa amin..Ginawa namin lahat ng napag usapan,nagtungo kami sa Haunted Mansion..
Nagtayo rin kami na sa kasamaang palad ay maliit na teddy bear lang ang naiuwi namin pero ayos lang sa akin yun basta kasama ko si Jed,tapos nilibre nya ako ulit ng scramble..nanood ng sine ..ginawa namin mga yun kanina bago pa kami sumakay ng ferris wheel..

At buong akala ko magiging perpekto na ang araw na to pero hindi pala.. dahil sinira na naman iyon ni Jed,sinira ng pabago bagong mood nya,,kung alam ko lang na ganito ang mangyayari,sana pala pumasok nalang ako sa school..

“,Sino bang may gusto nito ?!”,huminto si Jed upang sumbatan ako “,,di ba ikaw naman ang may gusto na sumakay tayo dun?wala sa usapan natin na sasakay tayo dun ah ???”,

“,Pero i asked you a million times kung okay lang ba yun sayo..na sumakay tayo,then you said Yes.. kaya wag mo akong sisihin,isa pa kung hindi mo naman pala kayang sumakay sana sinabi mo na ng mas maaga.. nambugbog kapa ng inosente ..”,galit ako sa totoo lang ..

“,Yes..pumayag ako,pero hindi kasali sa pagpayag ko na pigilin ang galit ko sa taong yun..and seriously Daniella?kumakampi kaba sa gagong yun ?muntik na nya akong mapatay ah .. ! “,

“,Pero buhay ka pa naman ! “,Hindi ko alam kung bakit yun yung naisagot ko.. bigla tuloy nagbago ang ekspresyon ng anyo nya..parang.. parang nagmamakaawa naman yung mga mata nya..

“,Pwes magsama kayo nung lalaking yun,kung gusto mo sya na yung boyfriend mo !! “,Naiinis na nilampasan na naman ako ni Jed..iniwan na naman ako….

Well naiinis din akong humabol uli sa kanya,hindi na yata talaga magbabago ang papel ko sa buhay..tega habol nalang nya forever,,Hinarangan ko sya muli ng maabutan ko sya uli..

“,Jed naman..para kang bata eh ..ano ba !!”,..

“,You know what kung bakit ako pumayag sa gusto mo,hah!Ella..its because i want to be your perfect Boyfriend !!!.. “,

Uh..umh !!

PatLang –_——!!!

“,I just wanna be perfect..na kahit labag na sa kalooban ko gagawin ko parin para sayo,kasi gusto kong patunayan sayo kung gaano kita kamahal..pero sorry,hindi ko kayang maging ganuon,kasi ako to eh..si Jed,,hindi ko kayang..hindi ko kayang pumantay sa mga hilig mo at sa mga gusto mong gawin.. im sorry “,

Napuno ako ng guiltyness sa sinabi nyang yun..

Hindi ko mapigilang hindi sya yakapin sa mga narinig ko..i mean,,marami akong hindi naiintindihan sa ugali ni Jed at na guguilty ako dahil hanggang ngayon hindi pa ako nasanay sa kanya..

“,Jed hindi mo naman kaylangang maging perfect Boyfriend..kasi nga wala naman taong perpekto eh.. “,niyakap ko si Jed ng buong puso at mahigpit. .. pero hindi nya tinanggap ang yakap ko na yun.. nagpumiglas sya at itinulak nya ako palayo sa kanya..

Nagtaka ako sa inasal nya,,mukhang galit yata talaga sya ..hmmp!

Mabilis akong iniwasan ni Jed at naglakad patungo sa damuhan.. pinagmasdan ko lamang sya sa ginagawa nya at natutop ko ang aking noo ng biglang…

SUMUKA SI JED ! inilabas nya ang mg sama ng ulo nya kanina..

Iwww..kadiri !

Mukhang talagang nahihilo si Jed dala ng ferris wheel..at mukhang kanina pa nya pinipigil n magsuka dahil makulit ako..

Napangisi ako,,so kaya naman pala hindi nya tinanggap ang yakap ko kanina dahil sa ayaw nyang masuka sa harap ko..

Ohhh..how i Love this Man…

Hindi na tuloy ako makapaghintay na matapos na sya sa pagsusuka para ako na mismo ang hahalik sa kanya .. hehehe !!!

*****
Kyle’s POV ..

“,Oh..

Nagulat ako ng pagpasok ni Jed sa kwarto ay mAy hawak hawak syang ilang bote ng beer,isa duon ay inabot nya sa akin….

“,Ano to??treat mo dahil natalo ako sa pusta??”,binaba ko ang hawak kong gitara dahil sa mga oras na yun ay nag cocompose ako ng isang kanta.. Kinuha ko ang beer at binuksan ito..

“,Yess..of course,umpisa palang naman no match kana “,,umupo si Jed sa sahig sa may tabi ko at binuksan ang pulutan namun..isang pirasong letson manok at bagong lutong maanghang na mani.. ..

“,Hindi ko pa naman kasi sineryosi, naawa naman ako sayo kapag napasagot ko ang jowa mo..baka bigla kang magbigti,ayuko naman nun ..marami ka pang atraso sa akin hindi kapa dapat kunin ni Lord..hahaha !”,

“,Asa ka pa.. umpisa palang ng pusta natin hindi kana mananalo sa akin,”,.

“,Talaga ba?kung nakikita mo lang kung paanu kiligin sa akin si Ella..baka magselos ka”,pang aasar ko pa kahit puro naman kasinungalingan,puro iwas nga ni Ella sa akin eh,,hindi nga sya madaling maagaw.. so,talo ako.. tanggap ko naman yun,nanghihinayang lang ako ..

Sana kasi mas maaga akong nakilala ni Ella keysa kay Jed,edi sana akonang jowa nya ngayon..

Unang beses nagkagusto ako sa isang babae,
Unang beses din akong hindi pinagtuunan ng pansin .alam ko naman na mahal nya si Jed,,pero pinilit ko pa kasi ang sarili ko sa kanya,yun tuloy ..

Medyo na hurt lang naman ako.. alam ko naman na na challenge lang ako sa pustahan namin ni Jed,gusto ko lang naman na asarin si Jed eh.. ang kaso,,i failed.. cause i Fall ! Sa tuwing nakikita ko si Ella..lalo syang gumaganda sa paningin ko,,matalino rin sya at malakas ang appeal nya..sa tuwing nasisilayan ko sya at nakikita kong ngumiti sya..natutunaw ang puso ko sa tuwing ginagawa nya iyon.Sa malas ay hindi pa nya ako nagawaran ng matamis na ngiti na yun dahil palagi lang naman syang naiinis sa tuwing kasama ako…..

At sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Jed..wala akong ibang masabi kundi —–

SANA ALL !!!

***
“,NAtatandaan mo ba yung pusta ko kapag nanalo ako ?? “,

Nakailang bote narin kami ni Jed ng magsalita sya.. sumalpak narin ako sa sahig upang mas maging komportable..

“,,Dont worry .. dahil natalo ako sa pusta,,gagawin ko na.. iiwasan ko na si Ella “,
yun ang pusta ni Jed nuon..na kapag hindi ako nagtagumpay sa pustahan ay iiwasan ko na si Ella at di ko na sya guguluhin..ganun naman ang gagawin ko eh,, pagkatapos kong mapagod sa paghahabol ko kay Ella na sobra ng nakakababa ng pride ko na’realize kong wala naman na akong mapapala..ibabaling ko nalang ang pagtingin ko sa iba.. …

Pero.. nasanay na kasi ako na inaasar sya,so panu ko naman na sya iiwasan ngayon?Ngayon pa na.. gustong gusto ko na sya.. Pero lalaki naman ako kausap kaya sisikapin kong iwasan na sya mula ngayon….

“,Pwede bang. .ibahin ko yung kasunduan na iyon??”,

Seryoso si Jed.. alam ko.. Tiningnan ko ang mga mata nya..bagamat seryoso ay mababasa ang lungkot duon.. “, ano na naman ang hihilingin mo? okay lang sa akin basta hindi imposible ..”,

Lumagok muna sya ng beer at nagpulutan bago sumagot .. “,Pwede mo ba syang Protektahan???”,..

Hindi ko natuloy ang pag inom dahil sa sinabi nya . “,GAGO ! LAsing ka na !! “,

“, Seryoso ako..Kyle ..Pwede mo ba syang Protektahan?yun yung hiling ko … “,

Nagtitigan kami ni Jed..hindi ko sya maintindihan..”,akala ko ba ayaw mo na aali aligid ako kay Ella?tapos hihilingin mo sa akin yan..? baliw kana ba ???”,..

Ngumisi lang si Jed .. at lumagok pa ng lumagok ng alak ,hindi naman nya ako sinagot..

“,Akala ko ba lahat ng hiiing ng mananalo susundin ng matatalo?dont tell me nakalimutan mo na yun ??”,paniniguro nya..

“,Hindi naman ako makakalimutin,,i mean…
Comming from you,alam kong hindi mo gugustuhing pakialaman ka lalo na kung tungkol kay Ella..then why are you giving me that responsibility to pretect her eh kaya mo namang gawin ???? “,,Hindi ulit sya sumagot…
“,Teka.. Jed.. dont tell me,may ibang babae kana????”!

Natawa si Jed sa sinabi ko,then pagkatapos ng tawa na yun..napalitan na naman ng lungkot ang anyo nya ! Shit ! Hindi ako sanay na nakikita si Jed sa ganoong expression..sanay akong magaspang sya sa akin ..bat ganun feeling ko nagmamakaawa sya sa akin??

Napansin ko na ang mga pagbabago ni Jed simula ng manggaling sya sa maynila..ilang beses ko narin sya nakikita na nakatulala tapos mukhang lutang..hindi kaya nag adik na si Jed??

“,Sobrang mahal ko si Ella.. “,,maya mayay gumaralgal na ang tinig ni Jed.. may sumingaw naring luha sa mga mata nya.

Pucha!lasing na si Jed !!

“,I love her .. sobra ! “,,And then..a few minutes later .. namalayan kong pinupunas na nya yung mga luha nya .. ngayon ko lang sya nakitang ganun,,hindi ako sanay..

Kasi dapat ako ang dahilan ng pag iyak nya,!

“,,Mahal ko sya to the point na..alam kong sa huli masasaktan ko lang naman sya .. “,

“,Gago ! Matulog ka na,lasing mo lang yan Jed..”,gusto ko syang suntukin,,kahit naman may galit ako sa kanya..hindi ko maiwasang hindi maapektuhan sa inaasal nya ngayon..

“,...


Please..Kyle.. promise me to protect Ella,please.. im begging You.. “,

Tatlong beses akong kumurap mula sa pagkakatitig sa kanya.. nagmamakaawa ang boses niya.. kahit hindi ko sya maintindihan sa ngayon.. sa inaasal nya ay sumagot nalang ako ng…

“,I Promise… “,…

At sa pagitan ng malungkot nyang anyo ay ang pangiti nya ng marinig nya ang sagot ko..

Pumayag ako oo.. hindi dahil sa hiling ni Jed..
Kundi dahil yun naman talaga ang gusto kong gawin kay Ella.. ang Protektahan sya..at may bonus pang pagmamahal..

***
Ella’s POV..

HINDI KITA MASUSUNDO NGAYON,MAG TRICYCLE KA MUNA..

ILAng beses akong napatitig sa screen ng phone ko at paulit ulit na binabasa ang huling message ni Jed sa akin 3days ago..

Yah..it was three days ago pa at nag ghost na naman si Jed,wala na naman syang paramdam sa akin..

Buong akala ko pa naman kahapon ay may pasurprise na naman si Jed dahil Valentines Day lang naman,akala ko ay nagtitrip lang na naman sya na hindi nya ako itetext pagkatapos ay darating na naman sya dito para sorpresahin ako pero hindi,umasa lang ako sa wala dahil walang Jed na bumati sa akin sa araw pa mismo ng mga puso ! Feeling ko tuloy wala akong boyfriend !!! At ano naman kayang nangyari kay Jed ngayon ???..

..
“,Alam kong late na to pero babatiin parin kita.. Happy Valentine’s.. “,

May isang pirasonng cheap na pulang rosas ang tumapat sa mukha ko..galing yun kay —–!!!

“,Ano na naman to..Kyle??”, sinuntok ko yung pulang rosas na nasa harap ko..

“,Binabati kita..dapat nga masaya ka,,alam mo bang sa dinami dami ng mga babaeng nagbigay sa akin ng roses ay ikaw lang ang pinagbigayan ko ??? “, Maluwang ang pagkakangiti ni Kyle ..

“,Pwede ba Kyle..mainit ang ulo ko ?!”,

“,Wala namang bago.. palagi namang mainit ang ulo mo sa akin eh “,

..
Kung Si Jed ang nagbigay ng rose baka kahit kulay puti pa iyon ay tatanggapin ko agad agad kaya lang ay mula yun kay Kyle..

“,Hulaan ko..LQ kayo ni Jed ?? “,sabi nya..

“, Manghuhula ka na pala ngayon???!asan na nga pala yung magaling mong pinsan hah??!”,

“,Paki ko dun noh.. “,

“,Alam mo sa lahat ng pinsan..ikaw ang pinaka walang kwenta noh !! “,

“,Pogi naman..

“,Ah talaga?saan banda??!!”,.

“,Alam mo sa lahat ng babae ikaw ang pinakamaarte!”,..

“,Maganda naman..

“,Ah talaga?saan banda??

..ah bwisit !! at dahil kapag nasa paligid ko si Kyle..palagi kong nakakalimutan si Jed !!

Feb 29 …

Kaarawan ni Jed !! At wala pa syang paramdam..

Nakatingin ako sa kisame at katulad ng dati ay hinihintay ko parin ang tawag ni Jed..ilang beses kong tinangkang puntahan ang bahay nila pero palagi duong walang tao..hindi rin pumapasok sa school si Jed kaya naman nag aalala na ako.. Si Tita Zia naman ay hindi ko rin naman madatnan sa bahay nila dahil palagi itong wala.. At si Kyle.. wala akong pakialam sa kanya !!!!

Tok tok tok !!!

Awtomatikong napatayo ako mula sa pagkakahiga ng may kumatok,,bumangon ang excitement sa pagkatao ko…i know it was him..

Agad kong binuksan ang pinto —–!!

“,Anong ginagawa mo dito ?!”,dismayadong tanong ko ng makitang hindi si Jed kundi ay si Kyle ang nasa harapan ko..

“,Pinapunta ako dito ni Jed..

“,At kelan ka pa nya naging utusan???!!..

“,Ngayon lang.. pinasundo ka nya sa akin..”,

Naging mapait ang anyo ko sa sinabi ni Kyle,ano daw?pinapasundo ako ni Jed??at kelan pa nya nangayaring ipinagkatiwala nya ako sa iba?Ang sama ng loob ko.. ilang araw kong hindi nakita si Jed at hindi sya nagparamdam,namimiss ko sya ng sobra at alam ko naman isang araw ay darating sya t susulpot dito..pero hindi ko inaasahan na hindi sya kundi ibang tao ang gagawa nito para sa kanya.. birthday nya ngayon at obligsyon kong puntahan sya,, excited nga ako dahil alam kong susunduin nya ako.. Tulad ng Dati..

Yah.. tulad ng Dati .. pero hindi naman paLa!!

“, Birthday ngayon ni Jed .. may handaan sa fraternity house,,halika na.. “,..

Mas lalo akong nasaktan sa sinabi nya..at kelan pa akong naging last priority ni Jed??mukhang mas inisip pa nya ang fraternity at inuna pa yun keysa sa akin?at kelan pa nangyari na duon naghanda si Jed?dati naman nag dedate lang kami sa tuwing birthday nya at sobrang saya naming sumasalubong yun..

Pero bakit ngayon ganito ang mga nangyayari?

Dati sinabi ko sa sarili kong hindi ako pupunta sa ganuong lugar ..pero dahil napakarami kong gustong itanong kay Jed at sobrang miss na miss ko na sya.. ay pumayag na rin ako na pumunta dun .. !!

*****!
Magulo..maingay !

Sinalubong kami ni Kyle na mga lasing na kabataan..mga wild at talaga nga namang tila walang pakialam sa mundo ..pawang mga nakainom..

Malakas ang tugtog at paiba iba ang kulay ng mga pailaw ! Nakakahilo…

Nakakasuka ang mga nakikita ko,,ang lalaswa ng mga suot ng mga babaeng naroon na punong puno ng kolerete ang katawan higit sa lahat ay may mga tattoo pa.. mga mga matitino namang naroon ang itsura subalit mas wild pa keysa sa iba..

Sa ilang sulok ng magulong tahanan na yun ilang kabataan ang nakita kong naghahalikan sa mga gilid gilid..At kinikilabutan ako sa Mga nakikita ko ngayon.. eto ba ang pinagkakaabalahan ni Jed ngayon?ang maki bonding sa mga ganitong uri ng tao?i know wala ako sa posisyon na manghusga kasi hindi ko naman sila kilala kaso hindi ko ma take ang ganuong klaseng eksena..nakakababa..

“,Relax.. “,umakbay si Kyle sa akin..feeling close,,gusto ko sanang tanggalin ang mga kamay nya sa balikat ko kaso di ko na ginawa isa pa makakatulong na nasa tabi ko lang si Kyle ngayon..sa dami ng tao n naroon baka maipit ako at maligaw sa bahay na yun..at hindi yun maari ..

Kaylangan kong makita si Jed ngayon,,hindi para batiin sya ng Happy Birthday kundi ay para tanungin sya ng pagkarami rami..

Sa wakas nakasingit na kami sa nagkakagulong crowd at ng masiguro kong safe na ako ay tinanggal ko ang kamay ni Kyle sa balikat ko..namimihasa eh !

Umirap lang si Kyle sa ginawa ko pagkatapos ay dinala nya ako sa harap ng nakasarang pintuan..Base sa nakasulat sa taas mukhang VIP room iyon.. at alam king naroon sa loob nun si Jed .. .

Dahil excited akong makita si Jed ako na mismo ang nagbukas ng pinto na yun .. Nakabukas naman iyon kaya naman hindi ako nahirapan ng itulak ko iyon —–

Then !!! Pagbukas ko.. tumambad sa akin ang isang grupo ng kababaihan at kalalakihan na maingay sa loob..

Kilala ko ang isa na naroon,,it was Jake ..ang pinsan nina Jed at Kyle,,.. but then hindi sya ang ipinunta ko duon kundi ay si Jed….

And speaking of Jed..

Hinanap sya ng mga mata ko sa kabuuan ng kwarto na yun at nagtagumpay naman akong makita sya..

Para Lang … Masorpresa !!!!!

It was him ! My boyfriend .. !!

Para akong nabuhusan ng nagyeyelong tubig ng makita ko si Jed..

MAY KAHALIKANG IBANG BABAE ! TAPOS NAKAPATONG PA YUNG BABAE SA KANDUNGAN NI JED???

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko sa nasaksihang iyon..Namalayan kong tumulo na pala ang luha ko.. hindi ako makapaniwala,,i came here kasi nag aalala ako kay Jed tapos ito ang bubungad sa akin?Napaka unforgettable moment naman to para sa akin?
Dapat si Jed ang isusurprise ko eh,pero bakit ako pa itong mas na surprise ngayon.??

“,Ella..im..im so—-“, apologetic na humarap sa akin si Kyle ..mukhang hindi din nya inaasahan ang nasaksihan namin..

Umaatras ako..gusto kong umalis na sa lugar na iyon,,para hindi ako makita ni Jed na nag abala pa akong pumunta dun,habang di pa nya napapansin na naroon ako dahil mukhang ng eenjoy pa naman sya sa ginagawa nya ..

Gusto kong umalis duon upang lalo ng hindi mapahiya ..upang hindi na lalong madurog ang puso ko dahil sa nakikita.. kasee.. ANG SAKIT SAKIT NA !!

Pakiramdam ko,parang vase na nahulog sa sahig ang puso ko at nabasag yun at nagpira piraso..at hindi na yun mabubuo ng kahit na sino…

Tama ! aalis na ako sa lugar na to..kung saan hindi welcome ang mga katulad ko !!!

“Ella !!!!!!!! “,

Bago ako mabilis na tumalikod pinunasan ko muna ang mga luha ko..then narinig ko na ang malakas ng tinig ni Jed..

Sinikap kong hindi iyon pansinin at nagmadali akong naglakad.. pero hinabol ako ni Jed at ng maabutan nya ako ay hinawakan nya ang kamay ko at pilit na pinaharap nya ako sa kanya..

Pero dahil samot saring pakiramdam ang lumulukob sa aking ngayon at sa sobrang sama ng loob ko kay Jed ay hindi ko namalayang isang malakas na sampal ang napakawalan ko sa pag mumukha ni Jed !

Napakalakas nun subalit walang binatbat sa sakit na nararamdaman ko ngayon…well kulang pa nga yun and he deserved it !!!..

Namula ang Mukha ni Jed dahil sa sampal na iyon ..nakita kong nanggalaiti si Jed dahil sa ginawa ko..maaring nagulat din sya,

Sa dalawang taon namin ni Jed ito ang unang pagkakataon na nasampal ko sya..kasi ito lang din ang pagkakataong nahuli ko sya,,or baka matagal na nya akong niloloko Ngayon ko lang nalaman ito ???

Pakiramdam ko hihimatayin na ako sa sobrang sakit na pinagdadaanan ko..

“,,Ella..it was just a dare !! “,Paliwanag ni Jed,,..

Pero sarado na ang utak ko sa mga paliwanag nya,nasaktan na nya ako at hindi ko sya mapapatawad !!

“,Ganu katagal mo na akong niloloko,Jed??”,tuluyan ng nalaglag ang luha ko..

“,Pucha naman oh Ella ..sabi ko sayo Dare lang yun !! “,

“,Pucha ka rin Jed ! Alam mong may Gf ka,,na araw araw nag aantay sayo,ng paramdam mo,nag aalala sayo..na naghihintay ng bulaklak na manggagaling sayo nuong Valentine’s day ..
Na nababaliw na sa kakaisip kong ano ng ginagawa mo tapos heto!ito ang makikita ko dito? pucha!hindi ko to deserve Jed !!!gago ka!
“,Andami ko pa sanang hinanakit na gustong sabihin kay Jed pero hindi gumagana ang utak ko sa mga oras na to…

Pagkatapos nakita ko si Kyle..and hes blue eyes!nakamasid lamang sa amin !..

Dahil nasasaktan ako at wala akong magawa dahil hindi ko naman ito teritoyo at napakarami ng mga mata ang nakapukol sa amin ay gustong gusto ko ng maglaho !! Nahagip din ng mga mata ko ang babaeng kahalikan nya kanina at gustong gusto ko ng kalmutin ang mukha nya.. Akin lang si Jed ! Anong karapatan nyang halikan sya??

Gusto kong sugurin ang babaeng yun pero naisip ko..wala akong mapapala kapag ginawa ko yun..ipapahiya ko lang lalo ang sarili ko,,,

Pero may naisip akong best revenge para kay Jed,para maging quits na kami sa pananakit nya sa akin..

Matapang kong hinarap si Jed at pinunas ang natitirang luha sa mga mata ko..tsaka na ako iiyak mamaya kapag nasa apartment na ako,, hwag muna dito..at kaylangan kong bawiin ang bandera ko .. !! Gaganti ako!

“,You said dare lang yung nakita ko kanina diba?”,nakipaglaban ako ng titigan kay Jed “,then.. I DARE KYLE TO KISS ME !!! “,Kahit medyo kinakabahan ay deklara ko,nakita ko kung paanu nagdilim ang anyo ni Jed sa sinabi ko..

Bago pa sya nakapagsalita,,taas noo akong lumapit sa naguguluhang si Kyle..

Whoah….

Malakas ang pintig ng puso ko habang papalapit kay Kyle pero wala na tong atrasan!

Para makaganti ako kay Jed !

Hinatak ko si Kyle palapit sa akin and then——!

Kung heaven ang hatid sa akin ng mga labi ni Jed..

Impyerno naman ang naramdaman ko sa mga labi ni Kyle.. Nagbabaga ,,mainit !!

Sinalubing ni Kyle ang mga labi ko na tila nuon paan ay gustong gusto ko na nyang hagkan..

Wala sa plano ko yun,pero dahil naiinis ako at galit ako ..hindi ako nagreklamo ng hawakan ni Kyle ang beywang ko upang mapalapit dito at mas lalo pang dumiin ang halikan namin !!!

Hell !! .. parang demonyong ayaw ko ng matapos ang halikang iyon !!

And..

Happy Birthday Jed ! πŸŽ‰πŸŽŠ!!!!
Sana nag eenjoy ka sa nakikita mo !! ..kung saan dahil sa ginawa mo,,unti unti mo akomg binabago ;;!!!!

….

Goodnight..muah😘😘😘😘😘..

.. pa’comment kung gusto nyo pa haha!


9 Comments

  1. omg ka excite naman Ang kwento.bka may taning na ang buhay ni jed kaya Niya binibigay Kay kyle.pls pls pls next na agad

  2. team kyleπŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ˜›πŸ˜›πŸ˜›

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.