1

THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE ❤️CHAPTER 7❤️


Report

THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 7❤️
💛KATE’S POV💛
“Wew naman masyadong pahalata si Master Troy Ah! Sagutin mo na yan Ms. Kate at sinigurado ko sayo ikaw ang magiging pinakamasayang babae sa buong campus!” Hirit ni Patrick.
Feeling ko namumula na ang mga pisngi ko. Kailangan niya pa talagang sabihin yon sa harap ng mga kaibigan niya?
“Bro shut up! Tignan mo si Ms. Kate ang cute niya magblush ayiee! may gusto ka rin sa kaibigan namin ano?” Panunukso naman ni Mark at may malawak itong ngiti sa labi.
“Stop that! Wag niyong siyang asarin. By the way sinong manlilibre sa inyo sa kaibigan ni Kate?” Saad ni Troy sa mga kaibigan niya. Si Mark naman ang unang nagtaas ng kamay.
Napatingin ako kay Cindy Mukhang hindi niya gusto na ito ang manlilibre sa kanya. Feeling ko si Kevin talaga ang gusto niya.
” No need kaya kong bayaran ang sa akin. I have my own money and I’m just like you guys.” Sabi ni Cindy at tsaka ngumiti.
Umalis na kami doon pagkatapos. Nagpupumilit pa nga si Mark na siya na daw ang bahala kay Cindy ngunit hindi ito pumayag. Mukhang in love na ata ang kaibigan ko sa Kevin na yon, iba ang tingin niya eh.
” Whats up Manong Guard.” Bati ni Mark sa guard ng University. Seryoso lang ang mukha nito ngunit ng makita si Troy ay agad niya itong tinanguan at ngumiti.
“Magandang tanghali po sir Troy.” Bati pa nito kay Troy na sinuklian lamang siya ng ngiti.
Di na ko magtataka kilala siya sa buong campus eh. Lalo pa at dala niya ang apelyidong Baltazar. Marami rin kasing naitulong ang mga magulang niya sa University.
“Ayos ka Manong Guard may favoritism ka ha kapag si Troy binabati.”Kunyaring angil ni Mark kaya nagtawanan sila ni Patrick samantalang ang isa nilang kaibigan ay seryoso pa rin. Ako ay napangiti na lang ganun din si Cindy.
“Wag niyo na lang po silang pansinin nababaliw na po ang mga yan.” Seryosong ani ni Troy.Napatigil naman ang mga ito sa pagtawa kaya si Manong Guard naman ang tumawa.
“Ayos lang Sir Troy sanay na po ako sa mga kaibigan niyo.Sino po siya?Girlfriend niyo?” turo pa nito sa akin.
Kaya agad akong napaiwas ng tingin. Napunta na naman sa akin ang atensyon.Pahamak ka Manong Guard. Nanahimik ako eh.
“Soon Kuya, magiging girlfriend ko rin siya at malapit na yon.”Sabi ni Troy at tumingin pa talaga sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
” Yown Ohh! Harap harapan! Walang hiya hiya! Baka lang naman langgamin tayo dito.”Kantyaw ni Patrick. Sinamaan naman siya ng tingin ni Troy. Kaya tumahimik din ito agad pero tumatawa pa rin.
” Kuya joke lang po yun. Wag po kayong maniwala sa kanya. “Sabi ko naman. Nakita ako tingin sa akin ni Troy tila nainis siya sa aking sinabi.
” Ayt wag ganon. Wag dinedeny!Kapag nagalit...


yan Ms.Kate patay tayong lahat.”Si Mark naman ang nang-asar. Nakakaloko silang magkakaibigan.
” Bakit naman po Ma’am Kate? Bagay naman kayo ni Sir Troy Ah. Ayaw niyo po ba sa kanya?”sabi pa ni kuyang Guard.
Parang gusto ko nalang bumuka ang lupa at kainin ako. Na on the spot na tanong ako doon ah! Wala akong maisagot. Ano naman kasing karapatan ko na ayawan si Troy diba?
“OMG kuyang guard masyado na pong personal ang question niyo. Di na po yan masasagot ng best friend ko.” Saad naman ni Cindy. Kaya ngumiti na lamang ito sa akin.
“Ang dali lang naman nung tanong ah bakit di masagot ni Ms. Kate. Ang talino talino niya eh. Mahirap pa nga yung quiz namin ng Math!” Angil ni Mark kaya inirapan siya ni Cindy.
“Hindi naman po sa ayaw ko sa kanya kuyang Guard hindi lang po talaga ako naniniwala na gusto niya ako. Di kami bagay.” Sagot ko para di na sila magtalo talo.
“Kuya alis na kami may klase pa kasi kami mamaya. Babalik din kami agad baka mapagalitan pa kayo.” Si Troy at siya na ang tumapos sa mahabang usapan. Ngumiti na lamang ang guard at pinayagan na kaming umalis.
Sinuggest ni Troy na sa restaurant na lang daw ni Ate Fatima kami kumain at pumayag din ng mga ito at tuwang tuwa pa dahil yun naman daw talaga ang gusto nila.
Nagulat ako nung yayain nung Kevin si Cindy na sa kanya na lang daw sumabay. Kung si Patrick ay tuwang tuwa si Mark naman ay tila naghihimutok. Gusto niya ata ang bestfriend ko.
Ako naman ay inaya ni Troy na kotse niya na lang sumakay. Hindi na lang din ako tumanggi. Siyempre di niya naman hahayaan na sa mga kaibigan niya ako sumabay.
Pero pakiramdam ko inis siya sa akin. Dahil di niya ako pinapansin at sa pagdadrive lang nakalaan ang atensyon niya. Siguro dahil yun sa sinabi ko kanina.
“Troy galit ka?” tanong ko . Ang tanga ko sa part na nagtanong pa ko eh obvious naman ang sagot.Wala man lang siyang imik.
“Hoy bat di ka namamansin” tawag ko pa. Pero di man lang niya ako tinitignan. Ewan ko na pero di ko gusto na ganito siya sa akin.
“Kate can I court you?” Pinansin niya nga ako pero di ko inaasahan na yun ang sasabihin niya. Ang bilis niya naman parang noong nakaraang araw lang noong umamin siya.
“Ha?” Yun lang lumabas sa bibig ko. Sana effective na kunwari di ko narinig ang sinabi niya.
“Don’t pretend. Alam kong narinig mo ang sinabi ko. Gusto kita and I want to prove that to you. Pero sa tingin ko hindi ka papayag kaya di ko na lang pala hihingiin ang permiso mo.” Seryoso niyang ani.
“Teka ano bang sinasabi mo?” kunyari ay naguguluhan kong tanong sa kanya.
“Liligawan kita.” maikling niya sabi.
“Ano? Hindi pwede.” angil ko.
“I’ll do what I want at isa pa kilala naman ako ng magulang mo kaya sigurado akong ayos lang sa kanila na ligawan kita.”


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.