0

THE MAFIA OBSESSION TWO


Report

Gabing gabi na ng dumating sa kanyang mansion si ralp dahil sa maraming bagay na mabilis nyang inasikaso sa company nya at personal nyang buhay bilang isang kilalang mafia ,sumasabay ang dami ng trabaho sa loob ng company buildings nya ang mga taong nais gumawa ng hindi maganda sakanya maalis lamang sa kinalalagyan nya ,pero ang isang tuso na kagaya ni ralp ay hindi basta basta papasindak ,mabilis nitong nareresolba ang mga balakid sa daraanan nya ,kinakapitan nya ang salitang “papunta ka palang ay pabalik na ako..”
“ralp hijo goodevening ginabi ka?..” bati at tanong sakanya ni melba ,ang kanyang mayordoma
“may inasikaso lamang ho ,nasan ang ibang katulong ,bat kayu ang gumagawa nyan” kunot nuo nyang saad sa matanda na ang tinutukoy ay ang pagdadala ng mga bottled na ginagamit ng kanyang anak na maaaring nilinis ng matanda gayung kayrami nyang mga katulong sa bahay ay ang matandang ito pa talaga ang gumawa ng bagay na iyun
“hijo gabing gabi na ,tyaka ako na ang nagpresinta sa bagay ma ito si marsie ay bc sa anak mong iyak ng iyak, baka hinanahap ang presensya mo ,hala sige puntahan muna para tumahan na ang kawawang bata na iyun..” madaling wika ng ginang
huminga sya ng malalim saka sumunod na sa paglalakad ng matanda ,sabay nilang narating ang silid ni raffy at ng kanyang katulong ,pagpihit ng doorknob ay unang pumasok ang matanda na bahagya pang natigilan kaya tuluyan syang pumasok ,maging sya ay napatda dahil sa naabutan na tagpo kena marsie at raffy ,si marsie ay nakahiga na sa malaking kama malapit sa may kuna ng kanyang anak ,habang si raffy ang anak nya ay nakadapa sa dibdib ng dalaga at parehas na tulog ang dalawa “manang matulog na kayu ,ako na ho diyan.” untag nya sa walang imik na matanda ,nanatili itong nakatitig sa dalawang taong nahihimbing
“para silang magina ,ganyan na ganyan ako sa anak ko noon ,tiyak kong masasanay ang anak mo ralp dahil sa ginawa ni marsie ,hahanap hanapin nya yan ,sana lamang ay mapanindigan nya ang ganyang gawain, nakakaaliw na bata at nagawan pala nya ng paraan para mapatahan at mapatulog ang anak mo..” nakangiting saad nito
maging sya ay hindi makapaniwala dahil sa buong buhay ni raffy ay sya ang nagpapatulog dito dahil kahit na may sarili na itong yaya sya parin ang hinahanap hanap ng kanyang anak lalo na sa gabi kaya nang dumating sya at sabihin sakanya ng matanda na gising at umiiyak palang si raffy ay alam na nyang hinihintay sya ng kanyang anak ngunit sa naabutan ay mukhang hindi nagkamali si hailey sa pagpresenta kay marsie “sige na ho matulog na kayu..” untag nya sa matandang mukhang namatanda na ,bakas parin sa mukha nito ang labis na paghanga
“oh sya maiwan na kita.. matulog kana rin tutal mukhang hindi kana kailangan ng anak mo..” ngiting ngiti nitong ani bago sya nakakalokong tinalikuran
nailing na lamang sya sa iginawi ng matanda ,naglakad sya patungo sa malaking kama kung saan naroon ang dalawa saka mariin pinagmasdan ang napakagandang ayus ng mga ito ,dahil nakaharap sakanya ang mukha ni marsie na walang suot na salamin ay natitigan nya ang napakaganda nitong mukha
,maliit ngunit matangos na ilong ,at ang kisable nitong lips na simula ng matitigan nya kanina ay naging laman na ng isipan nya kahit na nasa pakikipaglaban syà kanina ,ikinalat nya ang paningin at natuon ang pansin nya sa maputing hita nito na halos litaw na litaw nya ,ilang beses syang napalunok dahil doon ,paanong ang isang napakakinis nitong hita ay nakatago lamang sa likod ng mahaba at baduy na pananamit nito ,talaga ngang nanggaling ito sa probinsya ngunit kakaiba dahil halos muslim na ang dating nito sa pagtatago ng sarili nito sa mga malalaking pananamit ,una nyang ginawa ay kinuha si raffy mula sa ibabaw ng dalaga na bahagya pang ikinatigil ng hininga nya dahil tiyak na masasagi nya ang babae ,ngunit dahil sa pagiging maliksi ay madali na lamang nya iyung nagawa ,maingat nya itong dinala sa may kuna...


nito.
“raffy baby… sino ka walang hiya ka..” tulak ni marsie sa likod nya ng balingan nya ito ay nakatalikod at hinahanap ang kung ano
“marsie..” tawag nya sa pangalan ng dalaga ,dahil sa pagtawag nya dito ay mas naalarma ito napansin nyang parang may hinahanap ito sa sidetable ,nang mapansin ang nakagilid na salamin ay kinuha nya iyun agad at ibibigay sana sa kamay nito pero iwinaksi nito iyun ,mabuti na lamang at sa carpet lang ito bumagsak
“ung salamin ko…” nanginginig na tinig ni marsie
tinangkang muling kunin ni ralp ang salamin nito na nasa di kalayuan ,pag dungaw nya upang kuhanin iyun ay ang pagkakamali ni marsie ,kita nyang nasagi ng paa nito ang gilid ng kuna ni raffy kaya padapa sana itong babagsak kung hindi lamang sya naging maagap “hey…its me ralp ,nagpapanic ka masyado..” wika nya dito sa mababang tinig lamang dahil sa pangambang baka magising si ang anak nya ,tumindig naman ang dalaga saka sya tiningala at hinawakan ang mukha nya
“u-ung salamin ko hindi ko mahagilap..” saad nito
dahil sa pagkakalapit ni marsie at sa pagkakatingala nito sakanya ay mas natitigan nya itong mabuti ,ang mga labi nito habang nagsasalita ,at magaganda nitong mga mata kahit na malabo na ayun dito ,iglap lamang ay nabuhay ang buong pagkatao nya ,nanggigigil na mas lalo pa nya itong hinapit na halos gahibla na lamang ang lapit sa mukha nya
“ung salamin ko please ,masakit na mata ko sa liwanag ng ilaw..” bulong ni marsie
napapikit sya ng maamoy ang mabango nitong hininga kahit na galing sa pagtulog ,pangahas nyang inangkin ang mga labi nito na ikinapiksi naman ng dalaga ,halos yakapin na nya ito na lalong naging mapusok
“sir ralp…” malakas na sigaw ni marsie ,umiiyak itong pilit na kumawala sakanya ,doon sya natauhan ,sa pagbitaw nya dito ay ang agaran nitong paglayo paupo itong bumagsak sa carpet at nagsumiksik sa ibabang bahagi ng kama habang umiiling ,lumuluha at yakap yakap ang sarili ,napasabunot sya sa sariling buhok saka tuluyang pinulot ang eyeglasses nito’t lumapit dito ng ilang dipa “marsie ,i’m sorry ,i ‘m sorry nadala ako hindi ko sinasadya..” pikit mata nyang paghingi ng tawad na kahit kailan ay hindi pa nya nagagawa kahit sa pinagsamantalahan nyang si hailey
“sir ralp ,u-ung s-salamin ko po..” punas nito sa luha habang nakaatang ang isang palad nito
inilagay ni ralp ang salamin sa mga kamay ng dalaga saka mabilis na tumayu “i’m sorry” huli nyang saad bago binalingan ang nahihimbing na si raffy ,maging si marsie na ngayun ay nakaupo na sa gilid ng kama ,bago tuluyang tinungo ang pintuan at lumabas ,binuksan nya ang katabing silid ,unti unting tinanggal ang mga kasuotan habang patungo sa loob ng kanyang banyo ,doon ay nagbabad sya sa malamig na tubig ng shower ,napahinto sya at hinarap ang sariling reflection sa wall na yari sa salamin “ano nanamang ginawa mo!” kausap nya sa sarili habang nakadantay ang magkabilaan nyang kamay doon ,ipinikit nya ang kanyang mga mata at muling nailarawan ang maamo at kaakit akit na mukha ni marsie sa balintataw nya ,binubuhay nito ang matinding pagnanasa sa buong katawan nya na tanging si hailey lamang ang nakakagawa dati ,ngayun ay si marsie naman ,hindi nya mawari ,sa dami ng mga babaing handang maghandog ng mga sarili nila sakanya ay wala syang matipuhan ,mga mahihinang babae ,simple ,inosente at walang laban ang laging nagkakapagpabuhay sakanya ,ang tanging nakakaagaw atensyon sa mailap na mga mata nya ,nasuntok nya ang wall dahil sa isiping iyun di hamak na mas bata ang babaing nasa poder nya ngayun kesa kay hailey “ralp control you’re self..” kumbinsi nya sa sarili ,takot syang baka magsumbong ang dalaga kay hailey at kunin ni hailey ang dalaga mula sa kanya sa anak nya ,ngayun pa mukhang gusto na sya ng anak nya ,nagbuga sya ng marahas na hininga bago ipinagpatuloy ang pagligo ,tinatahi ang mga maaaring sabihin bukas para kay marsie upang hindi nito maisipang umalis sa bahay nya ,gagawin nya lahat ng pakiusap wag lamang ito umalis.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.