0

THE MAFIA OBSESSION SIX


Report

Ilang araw hindi umuwi si ralp sa mansion diman aminin ni marsie ay namimis na nya ang lalaki ,kahiy sana hindi sila magpansinan basta makita lamang nya ito ay ayus na ayus na sakanya ,napatayu sya mula sa pagkakaupo sa sofa ng makarinig ng ugong ng sasakyan ,kaagad nyang binuhat si raffy at tinahak nila ang veranda sa pagaakalang si ralp ito.. laglag balikat sya ng makilala ang kotse nila hailey kasama nito ang mapapangasawa nito ngunit tanging si hailey lamang ang lumabas pagdakay muling umandar ang kotse ng mga ito at tuluyang umalis palabas “magandang umaga po miss hailey.” Bati nya sa amo na mukhang matamlay ang itchura
“Walang maganda sa umaga marsie ,mejo masama kasi ang pakiramdam ko.. halika ka doon tayu sa loob may sasabihin ako sayu.” Nakangiti na at umaliwalas ng saad nito sakanya ,ito narin ang humila sakanya papasok sa sala at pilit syang pinaupo bago kinuha si raffy sa kandungan nya
“Ano ho ba un miss hailey?” Excited nyang tanong dito
“Kukunin kita bilang maid of honor ko sana pumayag ka” mapungay ang mga matang pakiusap nito
“Ho..pero wala po akong alam tungkol sa mga ganyan..” ani nya dito
“Wala ka namang ibang gagawin kundi ang maglakad lamang , tyaka tuturuan ka, sige naman na pumayag kana oh”
“Pero ho!”
“Nandito ka pala hailey hindi kaman lang nagpasabi na bibisita ka ,ikaw naman marsie bakit hindi mo manlang sinabi saakin na nandito pala si hailey ,dimu manlang ako ininform” may bahid galit nitong hayag sakanila
“Hwag mo syang pagalitan ralp dahil kinausap ko sya agad kaya hindi na nya nasabi sayu ang pagdating ko.. tyaka bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot ah.” Galit na ring hayag ni hailey
Nagsalpukan ng maaanghang na salita at sumbatan ang dalawa ,maging ang pagkuha ni hailey sakanya bilang abay ay ikinagagalit na ni ralp “wag na po kayung magaway miss hailey sir raffy pakiusap po ,sige na ho pumapayag na po ako sa nais nyu miss hailey.. pasensya na po dahil nagaaway pa kayu ng dahil saakin..” nahihiya nyang pagitan sa dalawa
“Thank u marsie..” masayang wika ni hailey habang si ralp ay tinalikuran sila at tuluyan lg pumasok sa kabahayan na tila nagagalit
Sa paglipas ng oras ay nilaro lamang nila at tinuruan si raffy ng maginoong mga salita hanggang sa magpakuha si hailey ng meryenda at agad syang pumasok upang maghanda sa kusina
“Hindi mo manlang sinabi saakin na meron si hailey.” Baritonong tinig mula sa likuran ni marsie na halos ikatigas ng kanyang likod dahil sa malamig nitong pananalita
“Hindi ko po alam na nakauwi na po pala kayu sir ralp pasensya na po.” Saad nya habang kunway nagpeprepare palang
“Bakit ka pumayag sa imbitasyon nya ,alam mong may alaga ka!” Muli nitong tanong sakanya
Lalong nanigas ang likod ni marsie dahil nakadikit na halos sa likod nya si ralp ,bukod doon ay ramdam na nya ang mainit nitong hininga sa. May bandang batok nya ,napapikit sya ng tuluyang maramdaman ang labi nito doon “s-sir ralp...


please!” Pakiusap nya dito ,nagulat pa sya ng bigla syang paharapin ni ralp at tinitigan
“Please what? Magsalita ka!” Nangaakit ang boses nitong bulong sa mukha nya “dapat hindi mo tinanggap ang hiling ni hailey dahil ayokong naroon ka marsie ,dapat dito kalang ,dapat hindi ka pumayag..” diin nitong sambit
Bigla syang nakaramdam ng tapang dahil sa pananalita ng amo “ang totoo nyan gusto ko talaga ang alok ni miss hailey ,gustong gusto kong mag abay.. gusto kong makakilala ng ibang tao para naman maitaas ko ang aking self defence masama puba..” tigas nyang titig dito
“Baka makakilala ng ibang lalaki kamo! ,hwag mong bilugin ang ulo ko dahil alam kong madali kang makuha, ako ang nauna sayo kaya walang ibang lalaki ang pwedeng umangkin at humawak sayu kundi ako lang… ako lang marsie..naiintindihan mo” nanlilisik ang mga matang hayag nito sakanya ,nagulat na lamang sya ng bigla syang pangkuhin ni ralp at dahil patungo sa itaas dahil tinatahak nila ngayun ang matarik na hagdanan
“Ralp anu ba ibaba moko hayup ka..” di na nya napigilang ihayag at wala syang pakialam kahit ikagalit pa nito ang paraan ng pananalita nya
,hindi sya nito pinakinggan at basta nalang ipinasok sa loob ng silid nito saka siniil ng halik ,sinubukan nyang magpumiglas at tumakas mula dito ngunit hindi nya magawa dahil sa laki nito ,”ralp…” tawag nya sa pangalan nito sa paraang tila ungol yata ay hindi na nya alam..
“Akin ka marsie ,walang ibang makikinabang sayu kundi ako!!” Ungol ni ralp sa pagitan ng kanilang halikan ,at muli’y mayroon nanamang nangyare sakanila ,habang nakahiga sa kama ay bigla nyang naalala si hailey at raffy kaya bigla syang napabangon pero mas nauna ng magbihis at lumabas ng walang anumang salitang namutawi sa bibig ni ralp kundi katahimikan ,naiwan syang magisa matapos gamitin ng lalaki ay basta nalang iiwan ,umagos ang luha mula sa mga mata nya umiyak sya ng umiyak dahil sa sobrang sama ng loob nya kay ralp..,pagkatapos umiyak ay huminga sya ng malalim saka lumabas na matapos makapagbihis ,sa ibaba ay naabutan nyang nagsusumbatan nanaman si hailey at ralp tungkol nanaman sakanya
“Ayu kalang ba talaga dito marsie ung totoo trinatrato karin ba ng maatus dito ni ralp?” Diretsahang tanong ni hailey sakanya
Nagbaba ng paningin si marsie ,nahihiya sya kay hailey dahil matagal syang nakabalik “miss hailey pasensya na po k-kung hindi ako agad nakabalik m-may….m-may kwan kasi!!” Di sya makapag isip ng idadahilan kaya napapikit na lamang sya
“May ipinagawa ako sakanya… ipinalinis saglit kaya hindi sya nakabalik kaagad..” pagpapatuloy ni ralp sa mga sasabihin nya kaya mejo nakahinga sya ng maluwag
Kita nya kung paano irapan ni hailey si ralp at hinila na sya nito pabalik sa sala upang ituloy ang masayang paglalaro kay raffy. Hanggang sa dumating na si bruno sinusundo na nito si hailey ,bago nagpaalam pauwi ang magnobyo ay binilinan pa sya ni hailey na magiingat at tumawag agad dito incase of emergency kahit anong oras o araw ay susunduin sya nito kapag nagkaproblema daw.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.