0

THE GANGSTER REVENGE CHAPTER 3


Report

JILLIANE POV
UMAGA. Maganda ang gising ko dahil ang sarap ng tulog ko. Sobrang comfy nitong kwartong tinulugan ko. Guest room lang daw ito pero grabe parang kwarto na ng nakatira dito. Ilan nga ba ang nakatira dito? Si Maximo lng naman ang nakilala ko kagabi. Imposible naman yatang wala ng ibang nakatira sa pagkalaki-laking mansion na’to. Saka ano kaya niya si Max candy? Nasaan ang parents niya? O kaya may mga kapatid kaya siya? Pinsan? Pamangkin? Tita, Tito? Hays. Nakaka-curious din ang gwapong hambog na ‘yun. Saka teka, hindi ko pa pala alam ang pangalan niya!
“You’re still here?”
“Ay pangalan-ano ba! Basta basta ka nalang namamasok ng kwarto. Paano kung nakahubad ako dito?” Reklamo ko sa hambog na basta nalang bumungad sa pinto ng kwarto.
“The last time I checked, this is my mansion and i have the f**king rights to this.”
I pouted my lip. Ang aga aga nagmumura. Nag-aral kaya ‘to ng religion o kaya manners? Nakaka-turn off siya ha! Pasalamat siya, gwapo siya. “Oo na, sa’yo na! ‘kinakanya ko ba? Saka kakagising ko lang. Grabe ka naman.”
“Go home.” Aniya.
Nag-twinkle-twinkle ang mata ko. Kailangan ko siyang gamitan ng charms ko. “You know what? Kagabi, pagdating palang natin dito s amansyon mo, iba na ‘yung pakiramdam ko. There’s a strange feeling here..” tinuro ko ang puso ko. “Pakiramdam ko, this is my home. Ang gaan sa feeling and parang ayoko ng umalis. Ang paligid, ang amoy, ang mga tao..”
“Cut it out. Stop that crap woman.”
Panira naman ‘to. Umayos ako ng upo sa kama saka tumikhim. “Eh, pwede bang..”
“What?!”
“AMPUNIN MO NA AKO PLEASE! PRETTY PLEASE!” biglang sigaw ko. Crossed fingers and mapungay ang mata kong nakatingin sa kanya.
“WHAT THE F**K!”
Sumigaw na ako pero mas malakas pa rin ang sigaw niya. Ang hilig pa sa word na ‘f**k’. Eww! Gross. Iba ang naiisip ko sa word na ‘yan.
“Please na. Kahit ilang lingo lang or months. Promise, I’ll be good. Papakabait ako saka aaminin ko, hindi ko kayang linisin ang buong mansion mo kasi ang laki laki, isa pa mukhanamang napakalinis eh. Iba nalang. Kahit maging personal assistant or alalay, okay lang. Hindi ako hihingi ng sweldo, basta patirahin mo lang ako at pakainin. Pretty please?”
He sighed with frustrations. “No. F**king no. You may leave.”
Akma na siyang aalis nang tumayo ako sa kama pero pinagsisihan ko agad na tumayo pa ako. Pababa na ako ng sumabit sa paa ko ang kumot at at inaasahan ko na ang kissing scene namin ng sahig. Mariin akong nakapikit at hinihintay ang moment of truth, pero pakiradam ko bigla akong lumutang. Pero hindi! May brasong nakapulupot sa katawan ko kaya napamulat ako ng mata.
Muntik na akong mahimatay ng sumalubong sa mukha ko ang mukha ng hambog. Sobrang lapit. God! Why so handsome!
“Clumsy. Tch.”
Nakatitig pa ako sa mukha niya. Nanuyot na ang lalamunan ko. Pero nang ma-realize kong napapatagal na ang pagtitig ko sa kanya ay agad akong umayos ng tayo at lumayo sa kanya. Grabe! Bakit may after effect ‘yung paghawak niya sa katawan ko? Feeling ko nakapulupot pa rin ang malalaki niyang maskels at ma-tattoo na braso sa’ken.
“Eh, sige na. Patirahin mo na ako dito.”
“Why should I? You’re not related to me. You’re a stranger.” He said.
Naiintindihan ko naman siya pero ‘di naman ako masamang tao eh. Kailangan ko lang talaga ng matutuluyan-or in other word, matataguan. Ayoko munang mahanap ako ng pamilya ko. Gusto ko munang makawala sa kanila at ayoko muna silang makita.
“Kailangan ko lang talaga. Gagawin ko lahat ng iu-utos mo. Please? Alila, katulong, slave o kahit girlfriend, pwede ako!” sabi ko. Grabe, handaa akong i-offer ang lahat sa kanya. Bukod sa mukha naman siyang mabuting tao, nararamdaman kong wala siyang gagawing masama sa’ken kahit tumira ako dito sa mansion niya. Mabuti na dito. Kung dito ako tatago, hidni ako makikita ng pamilya ko kahit maghire pa sila ng investigators.
“Alila, katulong..madami ako niyan. Slave? Uso pa ba ‘yun ngayon? Tch. And girlfriend. Are you f**king serious? I don’t need a girlfriend.”
“E’di..asawa? He-he..”
“WHAT THE F**K!”
Bago pa man siya nakasigaw, natakpan ko na ng mga kamay ko ang tainga ko. Alam ko na agad kung sisigaw siya based sa reactions niya. Nag-aalok lang naman ako ng pwede kong gampanan sa kanya para patirahin niya ako dito eh.
“Sige na. Pumayag ka na. Kahit anong role pwede ako. Kahit pa…pa-role. He-he! Joke lang!”
“Kung ikaw kaya ang isabit ko sa bintana at gawing parol? You’re getting into my nerves woman.” Seryosong sabi niya.
“Oh, nakukulitan ka nap ala sa’ken, pumayag ka na kasi para ‘di na kita kulitin. Pretty please?”
“Get out of my house. Or else I will call the security.” Banta niya. Hala!
“Okay aalis sa house mo. Now na.” Sabi ko pero nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanya.
“WHAT?”
“Ano? Naka-alis na ako sa house mo!” sabi ko.
“You’re still here. Don’t make me wait.”
“You told me, get out of your house. Eh, mansion ‘to. Kaya bakit ako lalabas? Eh sa house mo’ko pinapalabas at hindi sa mansyon.” Ngumiti ako ng nakakaloko.
He puckered his lips and glared at me. “WOMAN, I’M PISSED OFF!”
“Eeeeeehhh! Kasi nga patirahin mo na ako dito. Ilang please pa ba ang kailangan kong sabihin? Gusto mo bang sumayaw ako? Kumanta? Mag-acting? Mag-acrobat? Mag-jumping rope o ano? Tumapak sa asin! Kahit ano, basta patirahin mo lang ako dito.”
He sighed heavily. Matalim ang tingin niya sa’ken habang nakahawak sa sentdo niya. He touch the bridge of his nose and looked at me dangerously.
“F**K! FINE!”
Namilog ang mata ko. Napapayag ko siya? Patitirahin na niya ako dito? “WAAAA! Thank you! Don’t worry, ‘di ka magsisisi. Lahat ng ipag-uutos mo, susundin ko. Hindi ako magpi-feeling...


prinsesa dito sa mansion mo promise!”
“We will talk later. Prepare yourself and make it sure you can deal with me.”
Umalis na siya at naiwan ako dito sa kwarto. Deal with him? Ano kaya ‘yung ipapagawa niya sa’ken kapalit ng pagtira ko dito? Nakahinga ako ng maluwag. At last, may matitirahan ako pansamantala habang nagtatago sa pamilya ko. So..this is the start of a lovely day sa mansion ng hambog. Itatanong kop ala ang pangalan niya mamaya.
____________
XKING POV
F**k it. Napapayag na naman ko ngmaingay na babaeng ‘yun. Damn it. She’s really noisy and annoying. Siya lang ang babaeng hindi ko kilala pero nakakausap ako. Hindi ako ang klase ng tao na mahilig mmansin o makipag-usap sa mga taong walang kinalaman a buhay ko. But that woman? F**k. Nagiging madaldal ako.
When she said please, when she twinkles her eyes, when she pouted her lips, when she sounds so needy..d*mn it! I cant say no! What’s going on with me? Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkaroon ng effect sa’ken ang babae.
For me, girls are just my f**king doll. They are my entertainers. Napupunan nila ang pangangailangan ko bilang lalaki but there’s no effect here. Somewhere here in my chest. But that woman named Jilliane. I admit, she has effect on me and i cant figure it out.
Pareho ng naramdaman ko nang una kong makilala ang bababeng una kong minahal. I don’t know how it happened dahil magkaibang-magkaiba sila ng ugali. The first one is a devil girl and now, a childish girl. Ang layo ng pagkakaiba. But they have the same effect on me at first sight. F**k. I can’t believe this.
Once upon a time, I met a devil woman who captured my heart. I loved her. And I can do everything for her. I like her attitudes even if it’s negative.
Yeah, believe me, she’s a devil. But reality strikes and f**k, she loves other man. At first, I can’t accept it and I want HER only for me but then, days passed, and I realized that I need to let go of her.
Why? Because I know she will be happy with the man she loves. And the last thing I want to do for her is to make her happy. Even if t hurts. So there, I moved on. Because I already accepted the fact that we’re not meant for each other.
Now, I’m full again. I recovered from my broken hearted days. For now, my priority is my gang. And specially my plan-plan for killing people who’s on my list without using my bare hands. I have my ways..other ways to kill them. And that’s for them to find out.
______________
JILLIANE POV
Kalalabas ko lang ng kwarto ko. Yee! Kwarto ko. May diin ang ‘ko’. Kasi dito na ako titira sa mansion ng hambog eh. Nasaan kaya ‘yun? Mukhang umalis siya kasi kanina nakabihis siya eh. Pero naka-all-black. Maglalamay kaya siya? O color of the day lang talaga ang black?
Ngayong titira na ako dito, obligasyon kong alamin ang tungkol sa hambog na ‘yun. Syempre para kahit papaano ay may alam ako about sa kanya. Pangalan nga, ‘di ko pa alam. Dapat pala bumili ako ng slambook! Pasasagutan ko sa kanya. Parang nakaka-excite isipin. Kaso naiisip ko din, baka ihampas niya s amukha ko ang slambook. Ha-ha! Nakaka-curious ang pagkatao niya. Kasi nasa mundo din naman ako ng mayayamang tao, pero hindi ko siya kilala. Never ko siyag nakikita sa malalaking events. Eh ang yaman yaman niya-o ng pamilya niya. Ano kayang business nila?Siguro businessman ‘yung hambog na ‘yun.
Hay..
Napatigil ako dito sa may hagdan. Umupo ako at naghalumbaba. Pag iniisip ko ;yung hambog na ‘yun, daig ko pa ang nagde-daydream. Ideal man ko talaga siya except sa ugali eh. Gusto ko ‘yung mabait, maalaga, malambing tapos maginoo kahit medyo bastos. He-he! Para kasing wala ang mga ugaling gusto ko sa kanya. Napakasungit niya, palaging seryoso, palaging nakakunot ang noo. Plantsahin ko kaya ang noo niya?
Pero bakit ko ba iniisip pala ‘yun? Hindi naman mahalaga kung hindi siya ang ideal man ko pagdating sa ugali eh. Basta ba…may ABS siya. Kyaaaa! For sure meron kasi katawan palang niya, porksteak na! Mukha palang niya, kanin na. At ang halik niya, pwede ng tubig! Whooo! Pinagpapantasyahan ko ang hambog na ‘yun ah
“Thinking of me? Huh?”
“Ay hambog-hilig mo talaga manggulat eh ‘no? Saan ka galing?” tanong ko saka tumayo na.
“The last time I checked, you’re not my mother to ask me like that.”
Sumimangot ako. Malamang ‘di ako ang nanay niya. Like duh virgin pa kaya ako. Paano ko siya ipapanganak diba? Utak din, hambog! Aish.
“We’ll talk at the library. Follow me.”
Huh?
“AW-F**K! Bakit mo ako hinampas? Woman!”
Nag-peace sign ako sa kanya. “Sabi mo kasi, Palo me. Ayan, I palo you. He-he.”
“F**K! ARE YOU FUCKING DEAF? I SAID FOLLOW ME! SUMUNOD KA SA’KEN, D*MN IT!”
Okay. Tapos na ang matinding sermon galing sa hambog. Ang sakit sa tainga non ah. Makapagbulsa nga lagi ng bulak pantakip sa tainga.
Nauna na siyang umakyat sa taas. Sumunod nalang ako. Ano kayang pag-uusapan namin. Nakaka-thrill. Mainit pa man din ang ulo ng hambog. At mainit na din ang pakiramdam ko. Geez! Kailagan ko nga palang magpasama sa kanya sa mall para mamili ng mga damit at gamit na kailangan ko.
May pera naman ako kaso kelangan kong magpasama sa kotse niya kasi ‘di naman ako marunong mag-commute. Kagabi ko pa suot ‘tong damit ko at ang sout kong tsinelas ay nakita ko lang don sa guest room na tinulugan ko.
Pumasok na siya sa tingin ko ay library. Sumunod ako sa loob at nagulat ako sa nakita ko.
WHAT THE..
[END OF CHAPTER 3]✔


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.