1

THE DISTANCE BETWEEN US


Report

THE DISTANCE BETWEEN US
—PROLOGUE—
(JASMINE’s POV)
Hindi mapakali, tumatagaktak ang pawis at ang mabilis na pagtibok ng aking puso ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap ang feeling gwapo na guardiang ito.
“Bawal kang pumasok dito, bawal ang duwende.” natatawang saad niya.
‘Manong ha, nakakailan ka na. Napipikon na ako sa’yo.’ saad ko sa aking isipan.
-___-
“Manong guard naman, hindi po ako nakikipagbiruan. At saka hindi rin ako duwende, sadyang higante lang kayo.” wika ko na nakapag-paseryoso sa ekspresyon ng mukha nito na tila ba ay napikon rin.
“Bawal ang hindi tao dito.” pinanlakihan ko naman ito ng mata ng dahil sa sinabi niya.
“Sa ganda kong ‘to, ano pong akala niyo sa akin? Hayop?” sarkastikong saad ko.
“Tumpak! O—”
“Hayop sa kagandahan?” saad ko kasabay ng pag-flip hair.
Akala niyo papatalo ako. Tsk.
WALA SA BUKABULARYO KO ANG SALITANG ”TALO”.
“Basta! Ang mahalaga, hindi ka p’wedeng pumasok.” pagmamatigas niya.
“Manong guarddd! Pleaseeeee!” pamimilit ko habang sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.
Kapag sasabayan ko pa ang pang-aasar nito, baka pareho lang mag-init ang aming ulo at baka mapa-away pa ako.
“Hindi ka p’wedeng pumasok, ba’t ba ang kulit mo?” naiinis niyang sabi habang galit na nakatingin sa akin.
“Doon nga po ako magt-trabaho, ‘yong may ari po ng pinakamalaking bahay diyan sa subdivision ay ‘yong magiging amo ko.” ani ko habang sinusubukan siyang kumbinsihin na papasukin ako, pero wala talagang epekto.
“Ikaw? Magiging Yaya ng mga Severino? kukuha sila ng yaya na katulad mo? Mukhang budol budol.” natatawang saad niya.
Nag-init naman ang dugo ko nang marinig ko ang sinabi nito at napangisi.
Budol-budol pala ah.
-___-
Ang aga-aga manong guard, naninira ka ng araw. Humanda ka.
“Babantayan ko po ‘yong anak nila, hindi ‘yong buong angkan.” sarkastikong saad ko dito at nginitian siya.
That smile is really a “sarcasm” one.
“Oh, sige. Sabi mo e.” huling imik ni Manong sa akin.
“Kuya, ano po ba, papasukin niyo na ako!” pagrereklamo ngunit umakto itong parang wala naririnig.
‘Ahhh, gano’n pala. Sige, humanda ka sa akin.’ saad ko sa aking isipan at natanaw ko naman ang isang kotse na papasok din dito sa subdivision.
Hinigpitan ko ang paghawak sa dalawa kong maleta at inipon ang lahat ng lakas ko at sabay sa pagbukas nitong harang na malaking gate para makapasok ang kotse ay tumakbo na rin ako papasok.
Prrrrttt*
Rinig kong pagpito nito ngunit hindi ko rin ito pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.
“Unang araw palang ako dito, mayroon na agad gulo.” pagrereklamo ko habang patuloy sa pagtakbo.
“A-asan na ba ‘yong m-malaking bahay dito?” hinihingal kong usal.
“Hoy! budol-budol, tumigil ka!” rinig kong sigaw ni manong guard.
Paktay na ‘pag nahuli tayo!
Huminto ako sa harap ng nakita kong malaki at magandang bahay.
“Baka ito na ‘yon. 2001, Severino Family.”
Pagbasa ko.
Wahhh! Finally, Ito na nga ‘yong bahay na ‘yon!
Magd-doorbell palang ako ng may pumigil sa akin at hinigit ang braso ko.
“Huli kang budol-budol ka!”
“Anong gagawin mo diyan ha?!” tanong ni Manong guard habang tumatagaktak ang pawis sa kaniyang mukha.
“Jusko, Manong. Kahit tanungin niyo pa po ‘yong may-ari nitong bahay. Ako ‘yong magbabantay sa anak nila, bakit po ba ayaw niyong maniwala?” iritadong saad ko pero pinilit ko pa rin na kumalma muna.
“Sino? Kay...


Sir Terence? nagpapatawa ka ba, bata? Paano mo ‘yon babantayan, hindi ako naniniwala na kailangan niya pa pala ng bantay na budol-budol na katulad mo.” nanlaki ang mata ko rito at napanganga kasabay ng mabilis na pag-irap sa kaniya.
Bakit niya ba ako tinatawag na budol-budol?!
Nagulat rin ako ng bigla itong mag-english.
“Well mannered person, organized person, a boy who came from a wealthy family.”
Nuks naman kay Manong, hindi guitarist, hindi dancerist, hindi singerist pero englisherist.
“Oh ano? Gulat ka ‘no?” sambit niya at saka tumawa.
“Naisaulo ko na kung paano ilarawan si Sir Terence ng mga tao–almost perfect na nga e, tapos gwapo rin siya kaya ngayon naniniwala na ako na Yaya ka niya, hindi naman kapani-paniwala at mas magugulat naman ako kapag sinabi mong ikaw ‘yong Jowa.” tawang-tawa siya sa sarili niya at sa pagkapilyo ng kaniyang ugali.
Pero hindi na ako natutuwa, kaonti nalang ma-i-gigisa ko na ito ng buhay.
“Nagbibiro lang ako, masiyado rin atang seryoso buhay mo.” pilyong wika niya.
“Oh siya sige, magd-doorbell ka na. Sigurado ako wala ka pang isang buwan dito, uuwi ka na rin sa inyo.” pangiti-ngiti niyang sambit na nagpakunot sa aking noo.
“Bakit naman po?” kyuryos na tanong ko.
“Malalaman mo rin.”
“Naku, manong. Pa-intense ka pa.” wika ko rito nang biglang may nagbukas ng gate.
Isang babae na parang kasing-edad ko lang.
Mahaba ang buhok.
Mamahalin ang suot na damit.
Maganda ang tindig.
Maganda ang hubog ng katawan–at syempre, malalaman mo talaga na mayaman.
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at pinagtaasan ng kilay. “Who are you?” masungit na tanong niya.
Sa tuno ng kaniyang boses ay malalaman mo na agad na masama ang ugali nito.
“Ma’am nagpumilit po na pumasok e.” sabi ni manong guard na ngayon ay may bakas ng kaba sa boses.
“Oh, Yaya.” saad niya at bahagyang natawa.
Pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.
Inirapan ako nito bago nilagpasan at sumakay sa kotse niya.
“Anong problema nun? napakasungit.” sambit ko.
Pagkaalis ng masungit na babae ay may isa pang lumabas mula sa loob ng malaking bahay.
“Oh, nandito ka na pala hija.” Saad ng isang matandang babae.
Isa rin siguro siya sa mga kasambahay dito dahil sa damit niya.
“Ako na ang bahala sa kaniya, salamat.” ani niya kay manong guard kaya naman umalis na rin ito.
“Ako nga pala si Flora, isa sa mga kasambahay dito. Manang Flora nalang ang itawag mo sa akin.” wika niya na siya ko namang nginitian.
Pumasok na kami sa loob ng bahay habang tinutulungan ako ni Manang Flora na buhatin ang mga gamit ko.
Nang makapasok ako, masasabi kong hindi lang ito basta bahay, kundi isang mansyon.
Nakakamangha.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay, walang ganito sa probinsya.
“Magdahan-dahan ka sa mga gamit ha.” pagpapaalala ni manang dahil mukhang mamahalin ang mga gamit na nandito, nakakatakot hawakan dahil baka mabasag ko.
Patuloy lang ako sa pagtingin sa paligid nang may nahagip ang mata ko.
Isang lalake na naka-upo sa couch habang may hawak na libro at may kape sa harapan niya habang seryosong nakatingin sa akin.
“Si Sir Terence, ang gwapo at masungit mong amo.” wika ni Manang Flora mula sa aking likuran.
–END OF PROLOGUE–


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.