0

The Choosen ONE Continuation of Chapter Disi Syete Again💞


Report

Binalot ang buong pagkatao ng galit at poot ng mabalitaan kong pinatay si Mr.Kang.
At lalo itong umalab ng tumawag si Boris kanina at sinabi ang tungkol dito.
At pag ganito ang punto ng sarili ko.Ang gusto ko pag sinabi kong bawal ay bawal talaga.
“Thri ………..”mahinang tawag ng kung sino sa may pintuan ko.Nakatalikod ako at aaminin ko sobra talaga akong nagalit sa pangahas na pumasok sa kwarto ko.Gayong binilin ko naman or kahit hindi ko na nga sabihin basta alam nilang galit ako ay hindi na sila pumapasok.
Apat na putok ang pinakawalan ko ng oras na iyon na hindi man lang muna kinilala ang pumasok.
Napatili pa ito at ng akma ko pa sanang kakalabitin ang gantilyo ng baril ko ay halos mabitiwan ko ito ng makilala ko kung sino ang nasa pintuan.
Yes,she is,ang babaeng nagpapagulo sa isipan ko gabi gabi.
Kitang kita ko kung gaaano namutla ng husto si Nadeline.Parang kulay bond paper ang mukha na halos ata ng dugo sa...


mukha ay tumakas.
Buti na lang at di ko pinatamaan.
“Shit!!!mura ko habang madaling lumapit sa dalaga na hanggang ngayon ay parang istatwa na di nakagalaw.
“I’m so……….”di ko na natuloy ang balak kong pagsosorry dahil bigla na lang itong nahimatay buti nasalo ko.
Panay ang sermon ko sa sarili ko habang palakad lakad sa harapan ng kama ng dalaga.Natakot ko talaga sya ng husto.
What if kung tinamaan ko sya.
What if kung di ko naisip na patamaan lamang ang gilid?
Argghh hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“Nawalan lang sya ng malay iho”.
Wika ni Manang Isang pagkatapos ayusin ang higaan ni Nadeline.
Di na ako umimik at pinagmasdan na lamang ang dalagang walang malay.
Umalis na rin si Manang Isang.
Lumapit ako sa kama nito.Tsaka dahan dahang umupo sa gilid ng kama.
“I’m sorry for what I have done lately”.
Bulong ko habang hinahaplos ang kanyang bilogang pisngi.
Napakaganda nya.
Para syang anghel na walang bahid ng karahasan ang mukha.
Nakakaakit pag tinititigan ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.