1

The Broken Wife Chapter 23


Report

Serenity
Kinabukasan ay pati si Ryder ay pwede nang makalabas at nagpapasalamat ako na ayos na ang kanyang pakiramdam. Habang chinecheck-up siya ng doctor ay dumating sina Mama at Mama Estrella kasama sina Papa at Papa Fernando.
“You’re good to go kid,” sabi ng doctor at pumalakpak naman si Ryder.
“Thanks doc,” sabi ko na lang at lumabas na siya ng kwarto.
“Hays. Buti naman at maayos na ang apo namin,” simula ni Mama Estrella. “Iha si Ryker pala? Hindi ko pa siya nakikita ni minsan ah. Busy pa rin ba siya?” Tumango na lang ako.
Naalala ko tuloy iyong pinag-usapan namin kagabi ni Ryker pero hindi ko naman pwedeng sabihin ito sa kanila. Ayoko kasing magalit sila kay Ryker kaya nanatili akong tahimik na lang. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang aking anak. Habang inaayos ko ang gamit ni Ryder ay pumasok si Ryder at lahat kami ay napatingin sa kanya.
“Iho!” bati ni Mama Estrella sa kanya.
Agad naman siyang humalik sa pisngi ng kanyang ina pati sabl aking ina ay gano’n din. Pagkatapos ay nagmano siya sa kanina Papa at Papa Ferdinand. Lumapit siya sa amin ng kanyang anak at saka binigyan ako ng halik sa aking noo at ginulo ang buhok ni Ryder.
“I’ve got great news. Nakahanap na kami ng donor para kay Ryleigh.” Rinig ko ang pagsinghap nila Mama at ako naman ay natuwa sa balita ni Ryker.
“Talaga?” tanong ko sa kanya sabay napatingin siya sa akin at tumango.
“That’s great news!” masayang sambit ni Mama at ngumiti naman si Ryker.
“Bukas ay inaasahan naming darating ang puso para kay Ryleigh para maoperahan na siya agad.” Napangiti ako at napatingin sa aking anak na si Ryder dahil pati siya ay masaya sa kanyang nalaman.
“Kanino raw galing iyong puso?” tanong ko.
“It came from a child who has a brain tumor. Hindi niya nakayanan iyong operasyon kaya bumigay ang katawan niya. Sabi naman ng mga magulang nito ay bilin daw ng bata na kung sakaling mamatay siya ay gusto niyang makatulong sa iba kaya gusto nitong i-donate lahat ng pwedeng mai-donate niya,” paliwanag ni Ryker.
“Lahat?” gulat kong tanong.
Tumango si Ryker. “Yup! Liver, heart, eyes and every internal organ na pwedeng i-donate ay binigay ng kanyang mga magulang.”
Nakaramdam naman ako ng awa sa mga magulang nito lalo na sa bata. Kung sakaling anak ko iyon at gano’n ang kahilingan nito ay hindi ko yata kayang gawin na ipamigay ang bawat parte ng aking anak sa iba. Sana kung nasaan man ang batang iyon ay nasa langit na siya.
“Uuwi na kayo ngayon ‘di ba?” Napatingin ako kay Ryker sa tanong niya at agad na tumango.
Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang sabay ilinapit ang kanyang bibig sa aking tenga sabay may ibinulong sa akin.
“Remember what we’ ve talked about yesterday, my love. Go straight home, and no talking to men.” Agad naman akong napatango sa kanyang sinabi at tipid na napangiti. “Ma, Pa, I’ll go ahead. Marami pa po akong gagawin lalo na sa prepasyon para sa operasyon ni Ryleigh bukas.”
Nagpaalam na ito at makahulugang tumingin sa akin bago ito lumabas. Napahinga naman ako ng malalim at agad na napangiti sa aking anak. Nang maayos na ang gamit niya at nabayaran na lahat ng aming bill ay binisita namin si Ryleigh na abalang kumakain at nakita kong si Maria naman ngayon ang nagbabantay sa kanya. Sinabi niya na nagsasalitan silang dalawa ni Linda ng pagbabantay dito. Kumpara sa dati ko siyang nakita ay medyo lumakas na siya ngayon.
“Mama! Ryder! Where’s Papa?” tanong niya.
“Busy si Papa pero alam mo anak bukas na bukas ay magiging okay ka na.” Hindi man niya maintindihan ang ibig kong sabihin ay ngumiti naman siya.
“I can go play again tomorrow Mama?” Tumango ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Yehey! I can play again with you Ryder.”
“Yehey! I will be waiting for you sis.” Mahina naman akong natawa sa kanilang dalawa.
Pagkatapos nito ay sinabihan ko si Ryleigh na babalik ako sa hospital bukas. Hawak kamay kaming sabay na naghintay ni Ryder ng taxi sa labas ng hospital. Hindi na muna ako nagmaneho dahil medyo takot pa ako pagkatapos ng nangyaring aksidente. Umuwi na kami ni Ryder at aaminin kong nakahinga ako ng maluwag pag-alis namin ng hospital. Halos isang buwan na yata kaming pabalik-balik dito at sobrang stressful pala ang manatili rito. Excited na rin akong makauwi dahil hindi ko na maaamoy ang amoy ng hospital.
Pagdating namin ay naabutan pa namin si Linda na nagdidilig ng mga halaman. Binati niya kami at mabilis kaming pumasok sa bahay. Halos mapangiti ako nang makita kong muli ang aming bahay. Agad ko namang tinext si Ryker na nakauwi na kami at agad naman siyang nag-reply. Pagkabasa ko ng kanyang text ay akmang papasok na sana ako...


ng aming bahay nang may sabihin si Linda sa akin.
“Ay Ma’am tamang-tama ho may dumating ho kayong package riyan. Ako na ho ang nagtanggap dahil ang sabi naman ho ay ibigay ko na lang daw sa inyo.” Nagpasalamat ako kay Linda at nagtaka naman ako kung kanino galing ito gayong wala pa naman akong ino-order.
Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko nga ang isang malaking box na pula at wala man lang itong label. Agad na tumako si Ryder papunta sa kanyang kwarto samantalang ako ay agad kong kinuha ito. Kinalog ko pa nga ito dahil ang laki-laki ng box pero sobrang gaan naman nito na akala mo ay walang laman. Hindi ko na muna ito binuksan at nagpalit na muna ako ng aking damit pambahay. Akmang bababa na ako nang pukawin ni Ryder ang aking pansin.
“Mommy, please help me change. I can’t remove my clothes.” Hinging tulong sa akin ni Ryder at agad ko naman siyang linapitan.
Natawa pa ako nang makita ko siyang halos nasa kalahati na ng kanyang katawan ang kanyang shirt pero hindi na niya ito mahila pataas dahil sa maiksi pa lang ang kanyang mga braso.
“Anak bakit naman kasi excited kang magpalit e alam mo naman na ang baby mo pa lang? Your arms are still short.” Pinisil ko ang pisngi niya at agad siyang sumimangot.
“You’re mean.” Natawa naman ako at agad ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi na kanya namang ikinatawa. “Kasi gusto ko nang maglaro e naiinitan na po ako.” Inalis ko na ang kanyang damit at saka pinahid ito sa kanyang katawan dahil pinagpapawisan na siya.
Agad ko namang siyang pinalitan at saka sinunod ang kanyang pants. Nang matapos ay dumiretso na siya sa kanyang mga laruan at naglaro na ng nga kotse niya. Pupunta na sana ako sa aking kwarto nang maalala ko iyong package na dumating. Kaya naman agad akong pumanhik sa baba at saka kinuha iyong kahon sa salas. Binuksan ko na muna iyong TV para naman hindi boring dito sa loob ng bahay.
Pagkatapos ay binalikan ko ang kahon at saka umupo sa harapan nito. Unti-unti kong binuksan ang kahon dahil mukhang linagyan ng napakaraming tape ang kahon na akala mo ay babasagin ang nasa loob nito e ang gaan-gaan naman. Nang mabuksan ko ang kahon ay sinilip ko kung ano ang nasa loob at halos mapatalon ako nang makita kung ano ang laman ng kahon. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at halos magtaasan ang aking mga balahibo sa aking nakita. Yinakap ko ang aking sarili at agad na lumayo rito dahil hindi ko na alam kung ano ang aking mararamdaman nang mga oras na iyon.
Sa sobrang takot at kaba ay agad kong tinawag si Linda dahil nandidiri ako sa aking nakikita. Hindi ko na kayang tignan pa ito kaya naman hindi ko na lang ito tinignan ulit at sinigurado kong malayo ako rito.
“Ma’am bakit ho?” tanong ni Linda nang pagpasok niya. Agad ko namang tinuro ang kahon na hindi tumitingin at gano’n na lang ang gulat niya nang makita ang laman ng kahon. “Ay Diyos ko po! Ano iyan? Nakakadiri!”
“H-Hindi ko ho alam,” sabi ko sa nanginginig na mga boses.
Agad na tinawag ni Linda ang part-time gardener na si Kuya Robert at agad na nagpatulong na alisin na ang kahon sa bahay namin. Agad namang kinuha ito ni Kuya Robert at tinanong niya rin kami kung saan namin ito nakuha. Sabay kaming umiling ni Linda dahil wala rin namang nakaaalam ni isa sa amin kung saan ito nanggaling. Pag-alis ni Kuya Robert ay nagtinginan kaming dalawa ni Linda at halata ang takot at pangamba sa aming mga mukha.
“Diyos ko, sino naman ho ang magbibigay sa inyo ng gano’ng regalo?” takot na sambit ni Linda.
“Hindi niyo ho ba nakita o tinanong kung kanino raw ito galing o kung sino ang nagbigay nito?” Umiling siya at lukubin ako ng kaba.
“H-Hindi ko na ho natanong Ma’am e. Rider lang naman din po siya ng nasabing express kaya malamang ay hindi niya rin ho ito alam.” Huminga ako ng malalim at sinabi ko kay Linda na kung pwede ay linisan niya iyong banda kung saan ko ilinapag ang kahon.
Agad ko namang tinawagan si Ryker pero nagri-ring lang ang kanyang cellphone. Malamang ay abala ito lalo na at nalalapit na ang operasyon ni Ryleigh bukas. Sa sobrang pag-aalala ay agad ko na lang siyang tinext para makita niya ito kapag hindi na siya busy. Nakagat ko naman ang aking hinalalaki at nasapo ang aking ulo sabay napaupo sa kama. Sino naman ang magpapadala ng gano’ng kadiring bagay sa akin? Ngayon lang ako nakakuha nito lalo na noong nagpakita siya kaya isang tao lang din ang nasa isip ko na pwedeng gumawa nito. Laila.
– Sorry natagalan. Para po sa mga naghihintay ng update. 😁


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.