0

The Broken Wife Chapter 20


Report

Serenity
Kahit na nagkaroon kami ng tampuhan ni Ryker kahapon ay ipinalangin ko na sana ay hindi na siya galit sa akin. Nagpalitan kami ng mga salita kahapon dahil sa galit namin sa isa’t isa kaya hihingi ako ng tawad sa kanya. Alam ko na mali na pagbintangan ko siya gayon hindi rin naman niya ginusto ang nangyari. Handa na akong umalis ng bahay at nakita ko pang naglilinis na si Linda at Maria ng bahay. Balak ko ring isama si Ryder ngayon para naman sana ay makita niya ang kambal niya.
“Ma’am, Ma’am Serenity!” Napatingin ako kay Maria na papalapit sa akin at parang nag-aalala siya. “Huwag na lang ho kayong tumuloy ngayon Ma’am.”
Nagtataka akong napatingin sa kanya. “Bakit naman Maria? Bibisitahin ko lang sana iyong anak ko sa hospital. Isasama ko na rin si Ryder dahil baka nami-miss na niya ang kambal niya.”
“I can see Ryleigh already!” masayang sambit ng aking anak na lalaki.
“K-Kasi ho Ma’am kabilin-bilinan ho ni Sir sa amin na huwag daw ho kayong palabasin. Kami ho kasi ang mananagot kapag pinayagan namin kayong lumabas.” Hindi ako naniwala sa kanya kaya naman umiling ako.
“Ano? Hindi naman siguro gagawin ni Ryker iyon sa akin, Maria. Isa pa ano naman ang dahilan niya kung bakit hindi niya ako papayagan na bumisita ng hospital?” tanong ko.
Nagtinginan silang dalawa ni Linda at nginitian naman ako ni Linda sabay lumapit sa akin.
“Sige na ho Ma’am pumunta na ho kayo sa hospital. Baka ho kasi hahanapin kayo ng anak niyo oras na magising siya.” Napasinghap naman si Maria kay Linda at nakita kong siniko niya ito.
Nagtataka man ako sa inaasal nilang dalawa ay tumuloy pa rin ako. Masaya akong sumakay ng aking kotse at saka isinuot ang seatbelt ni Ryder.
“Are you excited to see Ryleigh anak?” Tumango naman siya at ginulo ko ang buhok niya.
Nagmaneho ako papunta sa hospital at pagdating ko roon ay agad kaming pumasok dito. Pagsakay namin ni Ryder ng elevator ay pasara na sana ang pinto nito pero may mga kamay na pumigil dito at ilinuwa nito si Darwin. Agad naman siyang pumasok at pagkakita sa akin ay ngumiti siya.
“Serenity! You look beautiful,” puri niya sa akin sabay napatingin sa aking anak. “Teka sino itong batang kasama mo?” tanong niya.
“Siya iyong isang anak namin ni Ryker. Fraternal twins kasi kaya isang lalaki at isang babae.” Napangiti siya at agad namang nagtago ang aking anak sa aking likuran. “Pasensya ka na hindi kasi siya sanay masyado na makihalubilo kaya mahiyain siya.”
“Ayos lang. Gwapo ng anak mo ah kamukhang-kamukha ni Ryker.”
Pagtigil ng elevator ay nagbukas ito at laking gulat ko nang nandoon si Ryker na naghihintay kasama ang ilang empleyado ng hospital. Mukhang may meeting ang mga ito dahil naka-suit and tie si Ryker.
“Papa!” sigaw ni Ryder pero hindi siya pinansin ni Ryker at nanatiling nakatingin sa aming dalawa ni Darwin.
Kinakabahan akong ngumiti sa kanya at saka nagpaalam kay Darwin. Hinila ko si Ryder palabas ng elevator hanggang sa magsara ito at hindi sumakay sila Ryker.
“Sir?” pukaw ng isang empleyado ni Ryker sa kanya.
“Please go ahead. I need to talk with my wife.” Agad namang tumango ang mga ito at nauna na ngang sumakay sa elevator.
Nang kaming tatlo na lang ang naiwan ay napatitig siya sa akin pero agad na napatingin siya kay Ryder. Lumuhod siya upang magpantay sila at saka yinakap ang aking anak pero ako ay parang hindi man lang siya natuwa na nandito ako.
“How’s my boy?” tanong niya.
“I’m here to see my little sister. Kumusta na po siya Papa?” Ngumiti si Ryker.
“Ayos lang si Ryleigh. Do you want to see her?” Mabilis na tumango si Ryder at naglakad kami papunta sa kwarto ni Ryleigh.
Nauna nang naglakad si Ryder at masayang binabati ang kanyang mga nakasasalubong samantalang tinabihan naman ako ni Ryker. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako bigla sa kanya.
“Hindi ka ba talaga marunong umintindi ng isang salita?” tanong niya sa akin. “Hindi ba ang sabi ko ay huwag ka nang pupunta rito at si Linda na lang ang magbabantay?”
“Ryker naman anak ko rin naman si Ryleigh. Nag-aalala ako para sa kalagayan niya kaya hindi naman pwede na hindi ako pupunta.” Hinawakan niya ako sa aking braso at nakaramdam ako bigla ng sakit mula rito.
“Nag-aalala o baka gusto mo lang makita ang Darwin na iyon? Bakit magkasama kayo kanina sa elevator? Hindi mo rin ba kayang layuan ang lalaking iyon?” Kita ko na ang galit sa kanyang mga mata.
“Ryker nasasaktan ako at saka nasa gitna tayo ng daan,” bulong ko sa kanya.
Agad niya akong binitawan at halos haplosin ko ang aking braso na hawak niya kanina dahil sobrang sakit nito. Pinipigilan ko ang maiyak dahil baka bigla kaming makita ni Ryder.
“Isang oras Serenity at uuwi ka na. Tatawagan ko na lang si Linda para siya ang magbantay kay Ryleigh.” Umalis na siya at nauna nang maglakad. Hindi man lang niya ako pinagpaliwanag man lang.
Huminga ako ng ilang beses habang hawak ko pa rin ang brasong pinisil niya. Gusto kong maglupasay at umiyak para sabihin sa kanyang wala namang namamagitan sa amin ni Darwin e. Hindi ko naman mapipigilan na hindi siya kausapin dahil baka sabihin ay suplada ako.
Sumunod ako sa kwarto ni Ryleigh at agad kong nakita si Ryder na kinakausap ang kanyang kambal habang kalong naman siya ni Ryker. Napatingin sa akin si Ryker at hindi man lang niya ako nginitian. Hindi ba niya ako na-miss gayong ilang araw na niya akong hindi hinahalikan. Umupo ako sa kabilang gilid ni Ryleigh at saka pinagmasdan ang aking anak. Nagiging okay naman na ang kulay niya kaso hindi ko man lang siya naabutan na gising.
Inabot ko ang kamay niya at saka ilinapit ito sa aking pisngi. Sana anak gumaling ka na please para naman hindi na nagagalit ang Papa mo sa akin. Gusto na kitang ilabas dito sa hospital para makapaglaro tayong tatlo ulit ng kambal mo. Miss na miss ka na ni Mama anak.
“Wala pa rin ba tayong nahahanap na heart donor para kay Ryleigh?” tanong ko kay Ryker na matamang nakatitig sa akin. Umiling lang siya at binalik ko ang tingin ko sa aming anak.
“Mama, I want to eat ice cream,” reklamo ni Ryder at saka umalis sa pagkakakalong kay Ryker. Lumapit siya sa akin at saka naglalambing na yinakap ako.
“Sige kapag natapos tayo rito kay Ryleigh bili tayo ng ice cream okay? Ano’ng gusto mong flavor?” tanong ko.
“Hmmm, gusto ko po iyong ice cream sa mall iyong kay Kuya Dennis po.” Napalunok ako nang magbanggit si Ryder ng pangalan ng lalaki.
“Dennis?” tanong bigla ni Ryker. Sabi ko na nga ba magtatanong nanaman siya e. Agad namang napatingin si Ryder kay Ryker. “Sino si Dennis?”
“Iyong nagtitinda po ng ice cream sa mall. Palagi niya po kaming binibigyan ng free ice cream kasi sabi niya ang ganda...


raw po ni Mama,” sagot ni Ryder. Masamang napatingin si Ryker sa akin pero agad akong umiwas ng tingin.
“Baby, hindi naman free lagi iyon. Minsan lang naman iyon kasi kasama natin si Ryleigh noon ‘di ba?” Anak please huwag mo nang pagalitin ang tatay mo. Seloso siya masyado kaya tumigil ka na.
“Hmmm, opo.” Nakahinga naman ako ng maluwag. “Pero sabi ni Kuya Dennis sa amin ni Ryleigh crush ka raw po niya. Kaso sabi ko sa kanya may gwapo akong Papa kaya hindi mo siya ipagpapalit sa kanya.”
Imbes na matawa ako sa sinabi ni Ryder ay mas lalo lang akong kinakabahan.
“Son, don’t worry because Dennis won’t be seeing your mother again.” Napalingon kami kay Ryker at bigla akong napalunok. “Ako na ang sasama sa iyo palagi na bibili ng ice cream sa Dennis na iyon, okay?”
“Yehey!” Lumapit naman si Ryder sa kanya at agad na nagpakalong.
Paglipas ng isang oras ay dumating nga si Linda at may mga dala na siyang bag at kung anu-ano pa.
“Ryder, stay here for a while. I need to talk with your mom.” Tumango naman ang aking anak nang hawakan ni Ryker ang aking kamay at hinila ako palabas ng kwarto ni Ryleigh.
Sobrang bilis niyang maglakad na tumatakbo na akong nakasunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil sumakay kami ng elevator paakyat. Pagdating namin doon ay pumasok kami sa isang maluwang na opisina at saka isinara ito.
“R-Ryker,” kinakabahang sabi ko.
“Sino pa?” Nagtataka akong napatingin sa kanya. “Sino pa ang inaakit mo ha? Si Darwin, si Dennis meron pa ba akong hindi kilala?”
“Ryker hindi naman namin sinasadya na pumunta sa Dennis na iyon. Nagkataon lang naman kasi na doon palagi ang gustong puntahan noon nila Ryder.” Ipinalo niya ang kanyang kamay sa lamesa at napatalon ako sa gulat.
“Gagawin mo pang dahilan ang mga anak natin para lang diyan sa kalandian mo!” Napamaang ako sa kanya.
“Malandi?! Hindi ako malandi Ryker! Masyado ka lang nagseselos kaya akala mo ay pumapatol na ako sa iba!” sigaw ko sa kanya. “Ryker naman hindi ko maiiwasang makihalubilo sa lahat ng mga lalaking makikita ko pero hindi naman ibig sabihin nun na ipagpapalit kita e.” Naiiyak na ako sa kanya. “Ang liit-liit na bagay pinapalaki mo kasi Ryker. Masyado ka nang kinakain ng selos mo.”
“Bakit? Hindi naman ito lalaki kung sumunod ka lang sa ipinangako mo sa akin. Alam mo na ayaw na ayaw kong nakikipag-usap ka sa iba! Nangako ka sa akin Serenity! Kahit tatlong taon pa lang ang nakalipas ay iyon ang pinanghawakan ko!” Lumuha na ako.
“Pero hindi ko nga kayang iwasan lahat ng lalaking makikita ko Ryker! Hindi naman kita ipagpapalit e dahil mahal kita! Ikaw ang asawa ko!” Naluluha kong sabi sa kanya. “Ryker please maniwala ka naman sa akin. Hindi kita linuluko.”
Napailing siya at bigla na lang akong iniwan sa kanyang opisina. Naiwan akong umiiyak dito dahil kahit ano’ng pagpapaliwanag ang gawin ko ay hindi siya naniniwala sa akin. Huminga ako ng malalim at agad na napapikit sa sobrang sama ng aking loob. Nasaan na? Nasaan na iyong Ryker na sobrang lambing at sweet sa akin? Sobra na siyang nagseselos na halos awayin na niya ako. Imbes na pagmamahal ang maramdaman ko mula sa kanya ay takot at kaba na dahil tuwing malalaman niya na may kinakausap akong iba ay nagagalit na siya agad.
Paglipas ng ilang minuto ay huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili bago ako lumabas sa opisina ni Ryker. Hindi ko na siya makita kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ni Ryleigh upang sunduin si Ryder. Iuuwi ko na lang siya para wala nang masabi si Ryker. Pagdating ko roon ay nagtatakang napatingin sa akin si Linda.
“Ma’am ayos ka lang ho ba? Si Sir Ryker ho?” Umiling ako at pinipigilan ko ang umiyak.
“Uhm, may kailangan siyang asikasuhin Linda kaya hindi na siya nakasabay sa akin.” Hinawakan ko ang kamay ni Ryder at napatingin sa kanya. “Iuuwi ko na ho si Ryder para naman ho may kasama roon si Maria.”
“Mag-iingat kayo. Huwag kang mag-alala dahil babantayan ko ng mabuti si Ryleigh.” Tumango ako sabay nagpasalamat.
“Mama, hindi na ba tayo bibili ng ice cream?” malungkot na tanong ni Ryder sa akin pagdating namin sa aming kotse.
“Hindi na muna anak kasi masama ang pakiramdam ni Mama.” Sumimangot naman si Ryder at tumahimik na.
Nang magmamaneho na ako ay narinig kong humihikbi si Ryder ng tahimik. Naawa naman ako sa kanya bigla. Hindi ko dapat idamay ang anak namin sa away namin ni Ryker. Kaya imbes na umuwi ay dumiretso kami sa mall na biglang ikinatuwa niya.
“Mama, thank you. Uwi na po tayo nito pagkatapos.” Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tumango.
Katulad nga ng gusto ni Ryder ay pumunta kami roon sa Kuya Dennis niya na gusto niyang pagbilhan ng ice cream. Kaso nang magbabayad na ako ay napansin kong wala akong dalang pera dahil hindi pa ako nakapagwi-withdraw.
“Ma’am okay lang po libre na lang iyong ice cream niyo,” sabi ni Dennis sa akin.
“Sigurado ka ba? Hindi naman nakakahiya sa iyo na palagi mo na lang kaming linilibre.” Ngumiti naman siya.
“Ayos lang ho iyon sa akin.” Nagpasalamat ako sa kanya at hinila na si Ryder pabalik para makauwi na kami.
Masayang kumakain ng ice cream si Ryder nang sinimulan ko nang paandarin ang makina ng sasakyan. Paglabas namin ng mall ay nagmaneho na ako at saka nagpatugtog ng mahina sa radyo. Naka-red light pa lang naman kaya naman tumingin-tingin na muna ako sa kapaligiran. Nang mag-green na ay agad kong tinapakan ang aking gas pero hindi pa lang kami nakalalayo ay nakarinig na lang ako ng sigawan sa ibang tao. Hindi ko alam pero nanggagaling ito sa aking kapaligiran.
Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at sumasakit ang aking buong katawan. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay namalayan ko na lang na nakabaliktad na ang aming sasakyan. Agad kong hinanap ang aking anak na may dugo sa kanyang ulo at hawak pa nito ang ice cream na binili namin. Agad akong kinabahan at inabot siya dahil wala na siyang malay. Naluha ako sa itsura niya at sumigaw ako ng tulong pero hindi ko alam kung naririnig ba nila ako.
“Ryder, anak,” tawag ko sa aking anak.
Doon ko lang napagtanto na naaksidente kami. Kung papaano ay hindi ko alam dahil wala akong maalala bago kami naaksidente. Agad kong pinakiramdaman ang aking anak at natutuwa ako na ligtas siya at mukhang galos lang ang natamo niya. Bigla akong inubo nang makaramdam ako ng pagkahilo at pinilit kong imulat ang aking mga mata. Pakiusap tulungan ninyo ako bulong ko sa aking utak. Unti-unti na akong nawawalan ng ulirat pero bago ko maipikit ang aking mga mata ay nakita kong may mga taong lumapit sa akin.
Guys pasensya na hindi ako nakapag-update kahapon super busy kasi ako. Ito na po ung Chapter 20.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.