0

The Battered Wife CHAPTER 5


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Tulad ng hiling ko kay Sky , dito siya sa bahay palaging umuuwi.
Pagkatapos kase ng pag-uusap namin noong nakaraan , pinilit ko na lang umakto na parang walang nangyari.
Ginampanan ko ang tungkulin ko bilang asawa.
Pero kahit anong gawin ko para kay Sky , never siyang ngumiti sa akin.
Wala na .. panalo na talaga ang bunso kong kapatid.
Nagdaan na din ang pasko , wala lang normal na araw lang para sa aming mag-asawa.
Mabuti pa nga si Zeny may regalong natanggap mula kay Sky samantalang ako wala.
Mas masakit pa ang sinabi niya sa akin noong pasko.
” Elise , sa bagong taon , nandito si Zeny.Siya ang gusto kong kasama kaya kung pwede habang ng cecelebrate kaming dalawa ng new year ay wag kang magpapakita sa akin.Hindi naman ako makapag stay sa bahay ni Zeny dahil dun sa hiling mo.Baka kase sa oras na mawala ako ng ilang araw dito sa bahay ay hindi mo pirmahan yung mga papel … ”
Ngayon , tanggap ko na …
Wala talaga akong pag-asa sa puso niya.
Lumipas ang oras at mga araw.
Bagong taon na ibig sabihin panibagong buhay.
Kaya kahit napakasakit para sa akin , pakakawalan ko na si Sky mula sa aking pagmamahal sa mismong araw ng bagong taon.
Narito ako ngayon sa aking kwarto , inaayos ang lahat ng gamit ko.
Aalis na ako dahil hindi ko na kaya pa ang mga nakikita at nararamdaman ko.
Palagi kaseng magkayakap sina Sky at Zeny sa labas ng bahay , nag-aantay sila ng mismong oras ng bagong taon.
Dapat ako yung kayakap niya pero hindi.
Napirmahan ko na rin ang Divorce Papers.
Kahit di ko kaya , ginawa ko dahil kailangan.
” Palalayain na kita pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kita mahal.”
Mga salitang nabigkas ko habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap habang nagdiriwang ng bagong taon.
Saglit akong pumunta ng kwarto ni Sky , ibinalik ko na ang wedding ring ko.
Ang mga wedding picture namin ay kinuha ko na rin.Lahat ng bagay na nakaugnay sa akin na naroon sa bahay na iyon ay aking kinuha.
Mayroon din akong nilagay na isang sulat kung saan nakatala ang lahat ng gusto kong sabihin.
At sa huling pagkakataon , muli akong tumingin sa buong bahay.
Konting alaala lamang ang nabuo dito pero malaking parte na ng buhay ko ang okupado nito.
Ang bahay na kung saan naging Mrs.Villafuente ako.
” Mahal na mahal kita Sky … Mahalin mo ang kapatid ko.Sana maging masaya kana sa susunod na yugto ng buhay mo.I Love You ”
At dahan dahan kong kinuha ang mga gamit ko at isinakay sa taxi.
Bagong...


taon lahat ng tao masayang nanunuod ng mga fireworks display.
Pero ako , malungkot na tinitingnan ang lalaking pinakamamahal ko habang kayakap ang bunso kong kapatid.
Walang kamalay malay si Sky na wala na ako sa bahay.
Paalam Sky , hanggang sa muli nating pagkikita.
” Manong tara na po ”
Saad ko sa taxi driver at bago umandar ang taxi ay muli akong sumulyap sa kanila.
” I Love You Dominick Skylar Villafuente.”
Kasabay ng pag-andar ng taxi ay ang hudyat ng pagsisismula ng bagong kwento ng aking buhay na hindi kasama si Sky.
( SKY – POV )
Napakasaya ko dahil kasama ko si Zeny.
Maganda ang mga fireworks na aming nasaksihan.
” Love , nagugutom na ako , pumasok na tayo sa loob ng bahay ”
Malambing na sabi sa akin ni Zeny habang nakayakap pa.
Maraming masasarap na pagkain ang nakahanda sa mesa.Si Elise nga pala ang nagluto ng mga ito.Pero meron lang ako idinagdag na pagkain , yung mga paborito ni Zeny.
” Love , pwede bang puntahan mo si Elise.Sabihin mo sa kanya na sumabay na siyang kumain sa atin.Kapatid ko pa rin kase siya.Gusto ko ding makipag-ayos kay Ate.”
Napatigil ako saglit sa aking pagkain.
” Sigurado ka ba diyan Zeny ? Love , ipinamimigay mo na ba ako ? ”
” Love naman , syempre hindi.Akin ka lang di ba.. gusto ko lang hilingin kay Ate na sana ay hayaan na niya ang relasyon natin.Alam ko naman hindi yun tatanggi dahil lahat ng hinihiling ko ay pinagbibigyan niya.”
Kahit labag sa kalooban ko ay napilitan akong umalis sa tabi ni Zeny para puntahan si Elise.Sabagay, tama si Love mas mapapabilis ang paglaya ko sa kanya kapag nagkausap silang magkapatid.
” Elise , papasok na ako .. hindi naman naka lock ang pinto.”
Turan ko dito ng makailang katok na ako sa pinto ng kanyang kwarto.
Ngunit walang Elise na sumalubong sa akin.
Tahimik ang buong kwarto.Wala din siya sa banyo at sa walking closet.
Kinakabahan na ako.
Wala ang mga damit niya pati na rin lahat ng gamit niya.
” Elise , kung nakikipag-lokohan ka please naman , wag ngayon.Lumabas kana sa tinataguan mo. !! ”
Sigaw ko na alam kong maririnig sa buong bahay.
Agad akong pumunta sa aking kwarto.
Baka kase nagtatago siya.
Pero wala din si Elise.
Tanging isang singsing at sulat lamang ang nakita ko sa aking kama.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni sa akin noon na kapag ibinalik na niya ang singsing ay palalayain na niya ako.
Pero bakit ganon ? Masakit para sa akin ..
Si Elise .
Ang taong kahit kailan ay hindi ako iniwan.Pero ngayon , sinukuan niya ako.
Mali ata ang naging desisyon ko.
TO BE CONTINUED …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.