0

The Battered Wife CHAPTER 4


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
” Love , mag-iingat ka dito ha … kapag may problema tawagan mo nalang ako.”
Pagpapaalam ko kay Zeny pagkatapos ko siyang ihatid sa kanyang tinutuluyan.
By the way , nakabalik na kami ng Pilipinas.
Hindi rin alam ni Elise na pauwi na ako ng bahay namin.
Kahit papaano ay naaalala ko naman siya habang nasa ibang bansa ako kaya binilhan ko rin siya ng pasalubong.
Sa loob ng isang buwan na hindi ako nakauwi sa bahay na ito ay marami ng nabago.Mas gumanda ang itsura nito.Sigurado akong si Elise ang nag design nito kase mayroon siyang talento sa pagde-design.
” Elise ”
Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang natutulog sa sofa habang katabi ang maraming papel na para sa kanyang trabaho.
Tiningnan niya ako ng mabuti.
” Sky … sabi ko na nga ba babalik ka , hindi mo talaga ako matitiis … ”
” Bumalik lang ako dito para manirahan ng konting panahon , oh eto pasalubong mo baka sabihin mo kase makasarili ako.”
Sabay abot ng isang paper bag.
Paakyat na sana ako ng hagdan ng may makalimutan akong ibigay kay Elise.
” Eto pa .. sana pirmahan mo agad ”
( ELISE – POV )
May inabot siya sa aking isang paper bag.Tuwang-tuwa ako dahil hindi niya ako nakalimutan.Pero ang lahat ng saya na nararamdaman ko ng oras na iyon ay parang bulang naglaho ng bumalik muli siya sa aking harapan.
” Eto pa .. sana pirmahan mi agad ”
Mga salitang alam ko na ang ibig sabihin kahit hindi ko na tingnan pa ang envelope na binigay niya.
Divorce Papers.
Desidido talaga siya na balewalain ako … Hindi na niya inisip pa ang mga nararamdaman ko.Wala naman akong ginawang masama sa kanya , minahal ko lang siya pero bakit ganito ang binabalik niya sa akin.
Akala ko sa oras na umuwi siya ay maaayos ko ang lahat pero hindi pala.
” Sky … kahit minsan ba minahal mo ako ? ”
Buong tapang akong nagtanong kahit alam kong...


masasaktan ako sa kanyang isasagot.
” Elise , wag kang tanga .. alam mo naman na kahit kailan hindi kina minahal at hindi kita mamahalin.”
” Sky sorry kung makulit ako pero sana pagbigyan mo ako sa hihilingin ko sa’yo … pangako pagkatapos ng hiling ko , malaya kana ”
” Ano naman ang hiling mo ? Sabihin mo agad para naman makapag ready ako sa araw na hihiwalayan mo na ako.Alam kong masaya ang araw na iyon.Araw ng kalayaan … ”
” Gusto ko sanang bigyan ko ako ng konting panahon para makasama ka , makita ka at marinig ang boses mo.Gusto kong maranasan yung buhay na mayroon akong asawa.Sky , sa oras na palalayain na kita , ibabalik ko sa dati ang lahat.At itong wedding ring , ibabalik ko sa iyo.Bahala ka kung itatapon or ibebenta mo.Gusto ko ring ipangako mo sa akin ngayon pa lang na kahit kailan hindi mo sasaktan ang bunso kong kapatid.Mahalin mo siya ng lubos.Bumuo kayo ng sarili nyong pamilya.Pero sa ngayon , habang nandito pa ako sa tabi mo , ako muna ang unahin mo.Mahal kita pero hindi mo ako mahal.I’m sorry hindi ko kase napigilan ang puso ko na magmahal sa isang katulad mo.”
Pagkatapos kong bigkasin ang mga salitang iyon ay umalis agad ako sa kanyang harapan at nagkulong sa aking kwarto.
( SKY – POV )
Tiningnan ko ng mabuti si Elise habang papalayo siya sa akin.
Ngayon ko lang siya nakitang ganyan , malungkot at walang kulay ang mga tingin niya sa akin.Sobra ko na pala siyang nasasaktan.
Masakit para sa akin na makita siyang umiiyak.
At alam kong ako ang dahilan nun.
Pero anong gagawin ko , hindi ko siya mahal dahil si Zeny ang gusto ko.
First love ko si Zeny samantalang si Elise ay kaibigan ko lang.
Hindi ko naman kasalanan kung mas nagustuhan ko ang kanyang bunsong kapatid.
” Elise , makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa iyo ng tapat ”
Bigkas ko na lamang sa malamig na hangin at ako ay naglakad na patungo sa akin kwarto.
To be Continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.