0

The Battered Wife CHAPTER 23


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ZENY – POV )
Gumawa ako ng paraan para makausap si Franco.
At hindi naman ako nabigo.
Kasalukuyan kaming nag-iisip ng paraan kung paano namin magagawang pagsamahin sa isang lugar sina ate Elise at Dominick.
” Sa tingin mo Franco masusunod yung mga plano natin ? ”
” Oo naman Zeny . Si Bella pa eh hanggang ngayon naman mahal pa rin niya si Dominick.”
Balak ko kaseng lagyan ng pangpatulog ang tubig na inumin ni Dominick.
Para sa ganon ay pansamantala itong mawalan ng malay pagkatapos ay si Franco naman ang magsasabi kay Ate Elise na nabangga ito at hindi oa nagkakamalay.
” Lord sana naman gumana na ang lahat ng ginagawa namin.”
( FRANCO – POV )
Pumunta na ako sa bahay na tinutuluyan ni Bella.
Pero bago ako pumasok ay Tinawagan ko si Zeny para alamin kung nagawa na ba niya ang dapat gawin kay Dominick.
” Ok na kaya bilisan mo baka magkamalay siya bigla.”
Ako naman itong nataranta.
Naging si kupido na ako ngayon.
” Bella nasaan ka ? may importante akong sasabihin sayo ”
Sigaw ko mula palang sa labas ng kanyang bahay.
” Franco bakit ka ba sumisigaw ? ”
” Bella si Dominick naaksidente.Nasa hospital siya ngayon malapit dito at hindi pa nagkakamalay.”
” Sabihin mo nagbibiro ka lang Franco ”
” Bella hindi ito joke.Nabalitaan ko kase sa isa kong kaibigan.”
Tulad ng inaasahan ko ay namutla ito.
Agad siyang tumakbo papunta sa kanyang kwarto.
Pagbalik ay dala na nito ang kanyang cellphone at wallet.
” Franco , ikaw ba muna ang bahala dito sa bahay ko ha.”
Mabilis siyang umalis at naghanap ng taxi na kanyang masasakyan.
Tinawagan ko naman ulit si Zeny.
” Nakaalis na si Bella , papunta na siya dyan?Siguraduhin mong ayos itong plano mo kung hindi lagot ka sa akin.”
” Salamat sa tulong mo Franco.Hindi aantayin ko lang si Ate Elise.”
Dapat ay ilang minuto lang ay nandun na si Bella dahil hindi naman kalayuan ang hospiyal mula dito sa kanyang bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatawag ulit sa akin si Zeny kaya nagpagpasyahan kong puntahan sila sa hospital.
” Zeny , ano na ? Wala ka nang naging balita.”
” Franco , yun na nga ang problema eh.Wala pa si Ate.”
” Anong wala ? Eh malapit lang ang hospital na ito kaya minuto lang makakatating na siya.”
Bago pa makapagsalita si Zeny ay napatingin kami sa mga taong nagkakagulo sa emergency room.
” Ah kawawa naman yung taxi driver at yung babae.”
” Yung babae nga ang daming dugo na nawala pero bago siya mawalan ng malay nasabi nya ang isang pangalan ng lalaki … ”
” Ay oo narinig ko yun .. Sky ata yung pangalan nung lalaki . Siguro boyfriend na yun.”
Agad kaming pumunta ni Zeny sa emergency room.
Ay doon namin nakumpirma na tama ang sinasabi nung mga babae.
Si Bella naaksidente.
Hindi sana ito mangyayari kung hindi namin naisip ang ganong klase ng plano.
Puno ng dugo ang suot nitong damit.
Hindi namin akalain na...


sa kagustuhan naming maayos ang relasyon nila ni Dominick ay aabot sa ganito.
” Ma’am , Sir … pasensya na po kayo bawal kayo dito sa loob.”
Pinapabas kami nung nurse na nag-aasikaso kay Bella.
Si Zeny walang tigil sa kaiiyak.
” Ako na naman ang dahilan kung bakit napahamak si Ate.”
” Zeny anong ginagawa ko dito ? ”
Napatingin kami sa lalaking nagsalita.
Si Dominick.
Nagkamalay na pala ulit siya.
” Oh Franco , pati ikaw nandito din.Anong ginagawa natin dito ? Tsaka bakit ako nakahiga kanina doon eh wala naman akong sakit ? ”
Agad lumapit si Zeny kay Dominick at niyakap ito.
” Dominick Sorry kung nagawa ko na namang ilagay sa kapamahakan ang buhay ni Ate ”
” Teka Zeny anong sinasabi mo ? Ate mo ? Wala naman dito si Elise.”
Sa oras na ito ay ako na ang sumagot sa kanyang tanong.
” Nilagyan ni Zeny ng pangpatulog ang inumin mong tubig kanina at nawalan ka ng malay.Dinala ka niya dito samantalang ako ay sinabi ko kay Bella na naaksidente ka at hindi pa nagkakamalay.Ginawa lang namin yun para magkaayos at magkausap kayong dalawa . Hindi namin akalain na maaaksidente siya.”
Agad na nanlisik ng mata sa akin si Dominick .
At itinulak ng bahagya si Zeny mula sa yakap nito sa kanya.
” Anong sinasabi nyo ? Naaksidente si Elise dahil dyan sa plano nyo .. Nasaan nya ? ”
Bigla namang lumabas mula sa emergeny room ang isang doctor.
Napatingin kaming lahat doon.
” Excuse po,Sino po kaya ang kamag-anak ng pasyenteng si Arabella Elise Vergara.Yun po kase ang pangalan na nakita namin sa i.d ng babaeng naaksidente kani-kanina lang.”
Mabilis na sumagot si Dominick.
” Anong nangyari kay Elise doc ? , soon to be boyfriend niya ako.”
” Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa nangyaring aksidente.At ito rin ang naging dahilan para ma-comatose siya.”
” Gigising din naman siya agad doc di ba ? ”
Umiiyak na tanong ni Dominick.
Maging kami ni Zeny hindi makapaniwala sa inabot ng plano namin.
” Hindi ko agad iyan masasagot.Dahil may mga pagkakataong natatagalan ang isang pasyente na muling magkamalay.Maaaring umabot ito ng ilang araw,buwan o taon.Kapag hindi pa umayos ang lagay maaaring tuluyan siyang mawala.”
Lumapit siya kay Zeny.
At malakas niya itong sinampal.
Pinagtitinginan na kami tuloy ng mga tao.
” Nang dahil sa inyo napahamak ang babaeng mahal ko.Ayoko sa lahat ay pinapangunahan ako.May sarili akong plano para sa aming dalawa pero anong ginawa nyo sinira nyo ang plano ko.Kapag may nangyaring masama kay Elise , sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak nyong dalawa.”
Sunod niya akong nilapitan at sinuntok niya ako.
” Ikaw , isa ka sa dahilan kung bakit nasira ang relasyon namin.Kung hindi mo siya hinalikan nung araw na iyon hindi ko magagawang iwanan nalangng basta si Elise.At kung hindi ko siya iniwan ay hindi nyo maiisip ang plano nyong ito.Walana kayong nagawang tama.”
Wala paring tigil sa kaiiyak si Dominick.
Kahit na pinagbawalan siya ng mga nurse na pumasok sa emergency room ay wala silang nagawa.
( TO BE CONTINUED … )


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.