0

The Battered Wife CHAPTER 2


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
Unang araw namin ngayon bilang mag-asawa kaya minabuti kong gumising ng maaga para paglutuan ko ng masarap na almusal si Sky.Alam ko naman kung ano ang paborito niyang pagkain kaya iyon ang lulutuin ko.Nagmadali ako sa aking ginagawa ng marinig kong nagbukas na ang pinto ng kanyang kwarto.
” Good Morning Sky … nakahanda na ang almusal , tara na kumain na tayo … ”
” Elise , kahit kailan hindi ako kakain ng luto mo.Malay ko ba kung nilagyan mo yan ng lason.Kakain ako sa labas kasama si Zeny.Bahala ka sa buhay mo ! ”
” Sky , mahal kita kaya kahit kailan hindi ko lalagyan ng lason ang pagkain mo.”
” Kahit ano pa ang sabihin mo Elise wala ka ng magagawa.Parang awa mo na wag mong sirain ang araw ko ! ”
” Si Zeny na naman ? Sky , asawa mo na ako siya pa rin ang uunahin mo ? ”
” Bakit Elise sa tingin mo porket asawa na kita kakalimutan ko si Zeny ? Hindi.Dahil siya lang ang mahal ko ! ”
Magsasalita pa sana ako kaso umalis na siya.Napatingin na lang ako sa mga pagkain na inihanda ko at umiyak.Y
Bakit palaging si Zeny ang nakakakuha ng atensyon niya.
Ako yung nasa tabi ni Sky pero ibang babae ang nasa kanyang isip.
( SKY – POV )
Nasira tuloy ang araw ko dahil nakita at narinig ko na naman si Elise.Sa totoo lang mahal ko...


naman siya pero hanggang kaibigan lang.Pero yung konting pagmamahal na iyon ay malapit na ding mawala dahil napapalitan na ng galit.
Dahil kase kay Elise kaya hindi ko magagawa yung plano ko kasama si Zeny.
Kaya ngayon , eto ako nagmamadali dahil late na ako sa usapan namin ni Zeny.Sabay kase kami palaging kumain.Nawawala ang galit na nararamdaman ko kapag kasama ko si Zeny kaya mas gusto ko siyang pakasalan pero hindi ko yun magagawa agad dahil sa letseng pagmamahal na sinasabi ni Elise.
” Love , sorry I’m late … may peste lang kase akong kinausap. ”
” okay lang yun Dominick , alam ko kung sinong peste ang sinasabi mo.Ang importante , nandito ka sa tabi ko.Hindi mo naman ako ipagpapalit di ba ?? ”
” Kahit kailan hindi kita ipagpapalit Love , ikaw lang ang babaeng mamahalin ko.Si Elise , aantayin ko lang na siya na mismo ang sumuko para sa ganon ay magkaroon na tayo ng magandang buhay.Kaya I Love You Zeny my Love ”
( ELISE – POV )
Buong akala ko ay magiging masaya ang araw na ito pero hindi.Dahil kita ng dalawang mata ko ang mga ngiting ibinibigay ni Sky sa babaeng iyon.Ang mga ngiting kahit minsan ay hindi niya inialay sa akin.
Pagkaalis kase ni Sky sa aming bahay ay mabilis akong gumayak para sundan siya.Alam kong masasaktan na naman ako sa makikita ko pero kakayanin ko.
Alam kong darating din ang araw na mamahalin ako ni Sky.
To be continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.