0

The Battered Wife CHAPTER 14


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Nandito na kami sa tapat ng bahay ng aking mga magulang.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa oras na ito.
” Franco , kinakabahan na ako … ”
” Alisin mo sa isip mo ang pangamba na iyan.Wag kang mag-alala hindi ako aalis sa tabi mo.”
Pinagbuksan kami ng gate ng mga katulong dito sa bahay.
” Ma’am Elise , nakabalik ka na po pala ”
” Mga isang linggo na po Manang .. ”
Hindi ko agad napansin na mayroon palang party dito sa bahay.
Kahit nga si Franco , halatang nagtataka sa mga nakikita niya.
” Excuse po manang , anong meron at may party dito sa bahay ? ”
” Ma’am Elise hindi nyo po ba alam na engagement party ng kapatid mong si Zeny ? ”
Tila pansamatalang tumigil ang mundo ko sa mga narinig ko.
Si Zeny ikakasal na at ang alam ko lang na karelasyon nito ay si Sky.
” Anak ? ”
Narinig ko ang boses ni Papa.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at yumakap na agad ako sa kanya.
” Elise mabuti at bumalik ka na.Matagal ka na naming hinahanap ng mama mo.”
” Papa , sorry kung lumayo ako sa inyo.”
” Wala kang kasalanan Anak.Alam kong nasaktan ka ng lubos sa mga nangyari noon.Halika , puntahan natin ang mama mo.Sino nga pala itong kasama mo ? ”
” Magandang araw po . Franco Miller po boss at kaibigan ni Bella.”
” Franco ? ikaw yung kaibigan ni Dominick ? ”
” Noon po yun pero may pinag-awayan po kami ”
Bago pa tuluyang humaba ang usapan nina Franco at ng Papa ko ay nagsalita na ako.
” Pa , tama ba ang nabalita ko na engagement party ni Zeny ngayon ? ”
” Anak , patawarin mo ako, tara na sa loob.”
Hindi ako nakakuha ng matinong sagot mula kay Papa.
Parang hindi ko gusto ang mga mangyayari ngayon.
” Good morning everyone , welcome to Zeny Vergara and Dominick Skylar Villafuente wedding reception.My name is James and I have the pleasure of being your Emcee for today’s celebration.I’d like everyone to stand and formally welcome Mr.and Mrs.Villafuente ”
Narinig koang bulungan ng mga bisita.
” Di ba siya yung asawa ni Elise , yung panganay nilang anak ? ”
” Hala , bakit yung bunso naman ang pakakasalan niya ? ”
” Iba na talaga ang henerasyon ngayon , talagang magkapatid pa ”
Iba’t-ibang kumento pa ang narinig ko.
” Papa , sana pala hindi nalang ako nagpakita pa sa inyo kung ito lang din naman ang maaabutan ko.”
” Anak patawarin mo kami.Buntis ang kapatid mo at kailangan siyang panagutan ni Dominick.”
” Elise ? Totoo nga ang sinabi ni Manang na nandito ka ”
Si mama ..
Umiiyak siyang yumakap sa akin.
” Bitawan mo ako Mama.”
” Anak , hindi ka ba masaya na nakita mo ulit kami ? ”
” Tinatanong mo pa ako Mama , sa tingin mo sino ang magiging masaya kung ito ang madadatnan ko sa bahay nyo.Engagement party ng kapatid ko at ng ex-husband ko.Ako nga dapat ang magsosorpresa sa inyo sa pagbabalik ko pero kabaligtaran ang nangyari.Pasensya na po kung wala akong...


respeto sa inyo sa pagkakataong ito pero sobra na kase ang mga sakit na nararamdaman ko sa pamilyang ito.”
Pinagtitinginan na din kami ng mga bisita.
Si Franco , mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa amin sina Sky at Zeny.
” Ate patawarin mo ako sa mga kasalanang nagawa ko sayo.”
” Patawad ? Bakit Zeny , sa tingin mo ba magagawang mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagsabi mo ng salitang patawad.Hindi di ba ! Alam mo , sa lahat ng pagkakataon bilang Ate mo palagi akong nagpaparaya.Oo hinayaan ko ang relasyon nyo ni Sky kahit na mag-asawa pa kami noon pero ngayon gusto mo na siyang asawahin,sobra na talaga ang ginagawa mo , ibang iba ka sa Zeny na kilala ko noon , malandi ka na ngayon ! ”
” Umalis kana dito Elise.Simula sa araw na ito wala na kong anak na katulad mo ! ”
Sigaw sa akin ni Mama.
at Bigla nalang akong sinampal ni Zeny.
” Ikaw ang sumosobra Ate.Kahit kelan hindi kita pinagsalitaan ng masakit na salita.Oo marami akong kasalanan pero hindi naman ata tama na sabihan mo agad ako ng malandi dahil hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko.”
” Zeny , dinudugo ka ”
Tarantang sabi ni Sky.
At galit itong tumingin sa akin.
” Kapag may nangyaring masama sa bata , ikaw ang mananagot tandaan mo yan ! ”
” Pare sobra kana ”
Susuntukin na sana ni Franco si Sky pero inawat ko agad sila.
” Alagaan mong mabuti ang kapatid ko at ang anak nyo.Pangako , hindi na ako magpapakita pa sa inyong lahat.Franco , tara na ”
Pinilit kong itigil ang aking pag-iyak habang binabagtas namin ang daan paalis ng bahay ng aking magulang.
( SKY – POV )
Agad naming dinala sa Hospital si Zeny pagkatapos ng insidente.
Naging ligtas naman silang mag-ina.
Hindi ko naman talaga gustong singhalan si Elise.Kung tutuusin nga , dapat unang kita ko palang sa kanya kanina ay niyakap ko na siya.
” Dominick , kamusta ang anak at apo ko ? ”
Tanong sa akin ng ina ni Zeny.
” Maayos na po silang dalawa Tita.”
” Patawarin mo sana si Elise , dahil kase sa kanya kaya nasira ang party nyo kanina.”
” Tita , wala pong kasalanan si Elise.Dapat nga po walang engagement party ang nangyari kanina.”
” Bakit mo naman sinasabi yan ? ”
” Hindi po ako ang tunay na ama ng batang dinadala ni Zeny.At tungkol sa bagay na ito , mabuting ang anak nyo na ang kauspin nyo.Sana po Tita hindi kayo nagsalita ng masakit kay Elise kanina.”
” Totoo ba ang mga sinasabi mo o niloloko mo lang ako ? ”
” Maniwala po kayo sa akin Tita.Pagkatapos umalis ni Elise sa bansang ito hindi nagtagal umalis din si Zeny.Simula nun ay wala na kaming komonikasyon sa isa’t-isa .Pagkatapos , bumalik siya ng bansa para sabihing buntis siya.Kailangan ko po munang hanapin si Elise , kailangan kong magpaliwanag sa kanya.”
Hindi ko na narinig ng klaro ang mga sinagot sa akin ng ina ni Zeny.
Umalis agad ako ng hospital.
Ang tanong ,
Saan ko naman hahanapin si Elise ?
( TO BE CONTINUED … )


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.