0

The Battered Wife CHAPTER 12


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป ๐ŸŒป๐ŸŒป๐ŸŒป
( SKY – POV )
” Zeny , tingnan mo ang ginawa mo , mas lalo mong sinaktan si Elise ! ”
Hindi ko napigilan ang sarili kong magalit kay Zeny.
” Dominick sorry.Hindi ko alam na nasa likod mo si Ate.”
” Anong hindi mo alam ? Ang sabihin mo talagang plano mo yun para lalong magalit sa akin si Elise.”
” Maniwala ka naman sa akin Dominick , pupuntahan ko si Ate para magpaliwanag.”
” Wag mo na yang gawin dahil kahit anong sabihin mo sa kanya hindi siya maniniwala , Sagutin mo nalang ang tanong ko , paano at sino ang nakabuntis sa iyo ” Sigurado naman na hindi sa akin ang batang yan dahil simula ng umalis ka ng bansang ito ay hindi kana nagparamdam sa akin.”
” Dominick , bukod sa trabaho ko umalis ako ng bansang ito para mag-isip.Alam kong ako ang dahilan ng hiwalayan nyo ni Ate.Alam kong masakit para sa kanya ang palayain ka.Ang ipaubaya ka sa akin.At ngayon , bumalik ako para ayusin ang lahat ng sinira ko.Makikipaghiwalay na ako sayo.Lalayuan na kita.At tungkol sa batang nasa sinapupunan ko , Hindi ko alam kung sinong nakabuntis sa akin , lasing ako ng gabing iyon.”
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi sa akin ni Zeny.
” At talagang dito pa kayo naglalandian sa bahay namin.Hayop ka Dominick , sinaktan mo na naman si Bella.Umiiyak na naman siya ng dahil sa’yo ”
Bigla nalang ako sinuntok ni Franco.
” Pinatuloy kita dito sa bahay namin ng maayos tapos ganito ang igaganti mo ! Dominick , ito ang tandaan mo simula sa araw na ito kalimutan mo ng kaibigan mo ako at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit pa kay Bella.”
Umiiyak na si Zeny habang inaawat kami ni Franco.
Hindi ko na nagawang pang gumanti ng suntok .
Hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng biglang may mga guard na lumapit sakin.
” Sir , pasensya na po pero umalis na kayo dito dahil nanggugulo kayo ”
” Pasensya na po sa gulong nagawa namin , aalis nalang po kami. ”
Si Zeny na ang nagsalita dahil pinagtitinginan na kami ng mga bisita dito.
Lumapit naman sa amin ang mama ni Franco.
” Hindi ko akalaing magagawa mong paiyakin na naman si Bella.Nagtiwala ako sa’yo Dominick pero anong ginawa mo ? Sinira mo din ang party ko.Patawad pero umalis na kayo ng girlfriend mo sa bahay ko at huwag ng bumalik pa kahit kailan.”
” Tita Sorry ”
Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat.
Lalong lalo na kay Elise.
Sinamahan kami ng mga gwardya patungo sa aming kotse.
Kahit buntis si Zeny ay siya na ang nag drive dahil alam niyang hindi ko magagawang magmaneho ng maayos ngayon.
Huli na ng ma-realize kong mahal ko si Elise.
” Dominick , pangako aayusin ko ang lahat ng ito.Pero sa ngayon kailangan mo munang magpagaling dahil may sugat ang mukha mo sa pagkakasuntok sa’yo … ”
” Wag mo muna akong kausapin Zeny , baka sayo ko ibaling ang galit ko.”
( ELISE / BELLA – POV )
Papunta ako sa likod ng bahay nina Franco.
May daan kase dito patungo sa kanilang banyo.
Pero sana pala hindi na ako dumaan pa dito , narinig ko kaseng nag-uusap sina Sky at ang bunso kong kapatid...


na si Zeny.
At hindi ko matanggap ang mga narinig ko.
” Buntis ka Zeny ? ”
Hindi ko na napigilan pang hindi umiyak.
Buntis ang kapatid ko at wala itong ibang karelasyon kundi si Sky.
Narinig ko pang tinawag ako ni Sky pero hindi na ako lumingon pabalik.
Ang tanging gusto ko lang ay makalayo sa kanilang dalawa.
” Oh Bella anong nangyari sa iyo , bakit ka umiiyak ? ”
Tanong sa akin ni Franco ng makita niya ako.
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya at sinabing …
” Narinig kong nag-uusap sina Sky at Zeny … Franco , buntis ang kapatid ko. ”
” Ano ? Ginawa yun ng ex husband mo ?
Napatingin kami pareho ni Bella sa nagsalita.
Si Mama.
” Mama , ikaw ba muna ang bahala kay Bella ”
” Teka lang Franco saan ka pupunta ? ”
Narinig ko pang nagtatanong si Bella pero sa puntong ito ay wala ng makakapigil sa akin sa gagawin ko kay Sky.
Kulang pa ang ginawa kong suntok para sa kanya.
Ngayon , pangako ko sa sarili ko mas hihigpitan ko ang pagbabantay kay Bella at sisiguraduhin kong magsisisi siya sa mga kasalanang ginawa niya.
” Franco , tama na ”
” Bella , tumigil ka na sa kaiiyak mo.Pangako ko sayo hindi kita pababayaan ”
Handa akong kalabanin si Sky.
Kapalit man nun ay ang samahan naming dalawa.
” Franco , maraming salamat dahil palagi kang nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng karamay.”
” Wag mong intindihin yun Bella.Mahal kita.Kahit ano kaya kong gawin para sa’yo , magpahinga ka muna .. alam kong masama ang pakiramdam mo , babantayan kita.”
” Sasamahan mo ako dito sa kwarto ? Baka may gawin ka sa akin ha .. ”
” Wala akong gagawing masama sa’yo Bella … may respeto ako sa babaeng katulad mo.Sige na , matulog ka muna … I Love You Bella … ”
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Bella.
” Anak , pwede ba kitang makausap ? ”
Si Papa Austin pala …
” Nabalita ko ang away na nangyari kanina , kaya pala wala akong naabutang party ng mama mo , Siya ba ang babaeng matagal mo ng sinasabi ?
” Opo pa … sobra akong nasasaktan kapag nakikita ko siyang umiiyak.Kung noon ko pa sana sinabi sa kanya na mahal ko siya , hindi siya iiyak dahil kay Sky.”
” Anak , hindi sa kinakampihan ko si Sky.Pero siguro kaya niya nagawang saktan ang magandang babaeng ito ay masyado siyang nabulag sa pagmamahal niya sa bunsong kapatid ni Bella.Pilit niyang itinatatak sa kanyang isipan na yung isang babae ang mundo niya.Kaya anak , susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo.Basta mag-ingat ka lang sa lahat ng ginagawa mo.”
” Handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Bella kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito.”
Ngumiti nalang si Papa sa akin at lumabas na siya ng kwarto.
Kumuha ako ng isang upuan at nilagay ito sa tabi ng kama kung saan ay kasalukuyang natutulog si Bella at dahan dahan kong hinawakan ang kanyang kamay.
” Matutulog na ako Bella … Sana sa paggising mo , makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo.Patawad dahil wala ako nung mga panahong sinasaktan kani Sky.”
At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman …
To Be Continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.