0

The Battered Wife CHAPTER 10


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( FRANCO – POV )
Masakit para sa akin na makitang umiiyak ulit si Bella dahil kay Sky.
Bakit kase ang lalaking iyon ang natutunan niyang mahalin.Dapat pala simula pa noong unang araw na makita ko si Bella ay niligawan ko na agad siya.Kaya ngayon na hiwalay na silang dalawa , hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na sa akin mapunta ang atensyon ni Bella.
” Franco , bakit ganon sa akin si Sky ? ”
Tanong sa akin ni Bella habang umiiyak …
” Bella , wag mo na siyang isipan pa.Masakit para sa akin na makitang umiiyak ang babaeng mahal ko .. ”
Napatigil siya sa pag-iyak dahil sa salitang binitawan ko.
” Anong ibig mong sabihin Franco ? ”
” Simula nung naging magkaibigan kami ni Sky , doon kita unang nakita.Sabi ko agad sa sarili ko , ikaw yung babaeng mamahalin ko bukod kay mama.Kaso , wala akong lakas ng loob para magtapat sayo ng nararamdaman ko.Batid ko naman na si Sky ang gusto mo.Hanggang sa ikinasal kayo , wala na tuloy akong nagawa.Pero nung nag-apply ka sa kompanya ko bilang secretary ko , hindi na ako nagdalawang isip pa na tanggihan ka.Sa paglipas ng panahon, naging malapit tayo sa isa’t-isa at nakwento mo sa akin na naghiwalay na kayo ni Sky.Doon palang sa puntong iyon naisip ko na ito na ang tamang oras para ligawan ka.Bella , mahal kita at handa akong maghintay gaano man yun katagal.Hindi ako katulad ni Sky na itatapon ka lang na parang basura.Babae ka , dapat minamahal hindi sinasaktan.Alam kong masyado akong mabilis pero Bella , maaari mo ba akong bigyan ng pagkakataong ligawan ka ? ”
( ELISE / BELLA – POV )
Hindi ako agad nakaimik dahil sa mga sinabi ni Franco sa akin.Naisip ko tuloy , kung siya ba ang lalaking minahal ko ay tuluyan ko nang makakamit ang pagmamahal na matagal ko ng gusto ?
Kung bibigyan ko ng pagkakataon si Franco , paano si Sky ?
Alam ko sa sarili ko na hindi madali na basta nalang kalimutan ang nakaraan.
” Franco , salamat dahil mahal mo ako.Pero hindi pa ako handang magpapasok ng ibang tao sa puso ko.Sana maintindihan mo ako.”
” Ok lang yun sa akin Bella.Pero hindi ako susuko ,...


maghihintay pa rin ako na sabihin mo sa akin isang araw na handa ka na … ganon kita kamahal ”
Ngayon , naiintindihan ko na ang mga sinasabi sa akin ng mga katrabaho ko tungkol sa mga naoobserbahan nilang kilos ni Franco para sa akin.
” Sana huwag kang magbago Franco.Kahit na tinanggihan ko muna ang mga sinasabi mo … ”
” Wait Bella , sinabi mo na ” tinanggihan ko muna ” , so ibig sabihin nun ay may pag-asa ako kahit kaunti.Salamat Bella ”
” Ayan ka na naman Franco eh , sobra na naman ang iniisip mo ”
” Akala ko pa naman , pinapatawa lang kita Bella.Pero hindi biro , mag-aantay ako.Pero hindi ko na hahayaan pang makalapit sa’yo si Sky , mula ngayon , babantayan na kita palagi dahil ayokong nasasaktan ka.”
” Pero paano ang samahan nyo Franco ? Hindi ba parang magkapatid na ang turingan nyo ayon sa kwento mo sa akin.Ako pa ang magiging dahilan ng gulo sa pagitan nyong dalawa.”
” Bella , iyan ang iwasan mong isipin.Kung maging kaaway ko man si Sky , hindi ikaw ang may kasalanan.Saka na nga natin isipin ang mga problemang yan , nagugutom na kase ako. ”
Tiningnan ko ng masama si Franco.Nandun na yung moment eh tapos sasabihin niyang gutom siya.Siya yung tipo ng takng hindi nabubusog.
” Franco , puro pagkain nalang nasa isip mo eh. ”
” Mali ka diyan Bella .. ”
” Paano akong nagkamali eh sa lahat ng oras pagkain ang nasa isip mo ”
” My Bella , bukod sa pagkain ay ikaw ang nasa isip at puso ko.Kaya I Love You ”
Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa sinabi niya.
” Oy Kinikilig ka ano … basta Bella sabihin mo sa akin kung kelan ka na handang tanggapin ang pag-ibig ko … ”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay bigla niya akong hinalikan sa aking noo at niyakap.
Yumakap din ako sa kanya at sa hindi ko inaasahang pagkakataon , sa likod ni Franco ay nakita ko ang isang makisig na lalaking malungkot na nakatingin sa amin.
Si Sky , sinundan niya kami.
Malungkot ang kanyang mga mata …
Bakit siya ganon , hindi ba’t meron na siyang Zeny ?
Bakit parang nasasaktan siya ngayon ?
To be continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.