0

The 4 L’s of Basil


Report

PROLOGUE

“Basil, mahal din kita!” nakangiti n’yang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko.

Nabibingi ang tenga ko sa lakas ng kabog sa dibdib ko. Yung mga mata ko nakatitig lang sa mga mapupula niyang labi.

“P’wede ba kitang halikan?” tanong ko sa kanya habang nakahawak sa bewang n’ya.

“Kahit anong gusto mo,” malambing n’yang sabi. Pinalupot n’ya ang mga braso nya sa leeg ko. Mapanukso ang mga tingin n’ya at nakaka-akit ang mga ngiti n’ya.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at agad s’yang hinalikan.

“Basil!” Naramdaman ko na umaalog ang katawan ko.

“Basil tanghali na!” sigaw ng nanay ko habang ginigising ako sa pagkakatulog ko.

“Bakit nakasimangot ka ng ganiyan sa akin?” pagtataka n’ya.

Ang ganda na ng panaginip ko!

Pagkahilamos ay dumiretso ako sa kusina....


Naaabutan kong nakapalumbaba sa counter ang babaeng laman ng panaginip ko habang abala sa cellphone n’ya.

“Good Morning!” nakangiti kong sabi. Tiningnan n’ya lang ako ng mabilis at binigyan ng ngiti.

Ganito kami araw-araw. Isang dekada na kaming magkasama pero kahit kailan hindi kami nagkaroon ng normal na usapan.

Smalltalk na, short-talk pa.

Para s’yang bituin. Mahirap abutin at hanggang tingin lang, pero hindi mo pagsasawaan pangarapin at masdan.

S’ya si Layla, ang prinsesa ng pamilya Ramos at ang amo ng nanay ko.

“Kyahhh Ang Ganda promise yieee meron part na umiyak ako at tumawa mag isa dahil sa story na ito”
-Frances Ann Manaois (FB comments)

Comment below if u want me to post more chapters


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.