1

THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 10


Report

“GOOD MORNING SIR ANDRIUS!,” masayang bati ni Gio pagkapasok sa opisina ng boss niya.
“Ano ser? Tumitibok-tibok na ba?,” pag aasar nito sa lalaki.
“Aish, napakaganda talaga ni Micah noh ser. Di malayong maraming magkagusto sa kaniya dito. Lalo na si boss TRIM, ehem, matinik pa naman yun sa babae di malabong maging ‘perfect couple of the year’ sila pagnagkataon,” may aksyong ani pa nito dahilan para mapatigil si Andrius sa pagbabasa ng isang report. Sinamaan niya ng tingin ang sekretarya.
“Joklang hehe,” agad bawi nito.
“Tsked, ” Andrius, sabay tapon nya ng binabasa sa ibabaw ng kaniyang mesa. Wala na siyang ganang magbasa.
Pipikit na sana siya para matulog sandali sa kaniyang swivel chair nang biglang dumating si Micah. Agad siyang napaayos ng upo at nagkunwareng nagbabasa.
“Ayun, natataranta pag anjan na..haha,” natatawang bulong ni Gio.
“Sir, ito na po yung kape niyo,” latag ng babae ng cup of coffee sa harapan ni Andrius.
“Itabi mo na, nawalan na ako nang ganang uminom,” ani ng lalaki nang hindi makatingin sa babae.
“H-ho? Sayang naman po nito,”
“Give it to Gio,” Andrius.
Agad naman itong sinunod ni Micah. Walang nagawa si Gio dahil sinamaan na siya ng tingin ng boss niya.
Dumaan ang saglit na katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Nasa tabi lang si Micah, hindi kumikibo. Si Gio naman pinipilit inuubos ang kapeng binigay sa kaniya ng babae. Habang si Andrius naman ay nagbabasa ng mga report kahit hindi naman niya naiintindihan. Nadidistract kasi siya sa presensya ng babaeng nasa tabi niya. Hanggang sa napagod na siya sa ginagawang pagkukunware at pabalang nang sinara ang mga reports. Agad siyang tumayo at kinuha ang tuxedo sa may sofa.
“Sir, san po kayo pupunta?” Tanong ng sekretarya.
“Bar,” ani nito.
Na-alerto naman agad si Micah dahil hindi niya alam ang gagawin kung susunod ba siya o hindi? Isa ba sa trabaho ng pagiging executive assistant ay ang laging pasunod sa boss niya? Tanong ni Micah sa sarili.
“Let’s go,” Si Andrius, saka naunang lumabas ng opisina
“Pst! Micah, sundan mo na si sir bilis,” Gio, matapos sumimsim ng kape
“H-hah? Kailangan ba akong sumama?,” Turo pa ng babae sa sarili.
“Yup! Yes! Oo!,”
Agad namang nataranta si Micah at dali-daling kinuha ang bag niya. Lumabas siya ng opisina at agad hinabol ang papalayo nang si Andrius. Nakita niya itong pumasok sa elevator. Magsasara na sana ito mabuti na lang naabutan niya.
“Hah! Muntik na yun ah,” hinga ng babae
“Tsked, ” ani ng kaniyang boss habang nakapamulsa. Sila lang dalawa sa loob ng elevator.
“Tsked!,” gaya niya sa expresyon nito.
Liningon siya ni Andrius nang masama. Ngunit biglang nagiba ang expression nito nang makita ang ilang mantsa sa damit ni Micah
“Anong nangyare jan?,” Tanong niya sa dalaga nang hindi ito tinitingnan.
“Ah ito po? Natapunan po nang kape kanina. May nakabangga po kasi akong lalaki nang papalabas sa pinto k—,” mahabang litanya ni...


Micah
“Lalake?,” putol ni Andrius sa sinasabi nito. Sa dinami-dami ng salitang binanggit ni Micah, isang salita lang ang pumasok sa tenga niya. Kunot noo niya itong tiningnan. “Sinong lalaki?,” Napataas na boses na aniya.
Napalunok si Micah. ‘Bakit ba toh nagagalit? Tsk,’ ani sa isip ng babae.
“Yung lalaki p—”
Hindi na natapos ni Micah ang sasabihin dahil bumukas na ang elevator. Sabay silang napatingin ni Andrius doon.
“Ow! You’re here!,” ani ng isang lalaki tapos pumasok sa loob at pumagitna sa kanila ni Andrius. Ito yung lalaking nabangga niya kanina.
Ngumiti siya dito bilang pagbati.
“Sorry talaga kanina. By the way, I’m Trim, you can call me babe if you want,” sabay lahad nito ng kamay at kindat sa harap ng dalaga.
Natawa na lang si Micah dahil sa sinabi nito. Sa huli, tinanggap niya din nang nakangiti ang kamay nito saka nagpakilala.
“Micah.You can call me ‘baby’ if you want,” pagbibiro din babae.. Wala sa katangian ni Micah ngayon ang pagiging maharot, gusto niya lang talagang makipagbiruan sa lalaki.
“Owww nice. Same vibes,!” Trim.
“HAHAHAH—,”
“EHEM!,” Malakas na pagtikhim ni Andrius dahilan para mapatingin sa kaniya ang dalawa.
“Oy Mr. Zapanta! Anjan po pala kayo,” Trim.
“Tsked,” pagmamaldito ng boss
Nang bumukas ang elevator, agad lumabas si Andrius. Malalaking hakbang ang ginawa niya niya dahilan para habulin siya ni Micah. Hindi na nga nagawang makapag-paalam ng dalaga kay Trim dahil sa pagmamadali nitong habulin ang boss niya.
“Sir wait lang!,”
Imbis na pakinggan ito, mas lalong binilisan ni Andrius ang paglalakad hanggang sa umabot ito sa kaniyang mamahaling kotse.
“Whoaa,” manghang sambit ni Micah sa isip.
Nang makapasok si Andrius sa driver seat agad namang pumasok ang babae sa back seat.
“What the f*ck are you doing there? Dito ka sa tabi ko! Nagmumukha akong driver, bilis!,” Galit na utos nito sa kaniya.
Agad namang sumunod si Micah. Aaminin niyang, medyo kinabahan siya dahil sa biglaang pagsigaw nito kanina. Hindi niya mawari kung anong dahilan kumbakit ito nagagalit kahit wala namang siyang ginagawang masama.
Kumabog nang sobrang bilis ang puso niya nang biglang pa-anderin ni Andrius nang sobrang bilis ang kaniyang kotse.
Matalim ang titig nito sa daan. Hindi siya nito kinikibo. Hindi niya alam kung ano nga bang nangyayare dito.
Galit ba toh sa kaniya?
O nagseselos siya kanina?
Charot.
Asyumerang palaka din pala tong si Micah.
“Baka red days ngayon ni Sir,” Bulong ng babae sa sarili at napatango-tango pa. Napangiti siya dahil sa sariling ideya.
Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Andrius. Hindi niya narinig ang sinabi ng babae pero nagtataka siya sa biglang pag ngiti nito habang nakatanaw sa labas
“Tsked, ” singhal ng lalaki.
Mas pinatakbo nya nang mabilis ang kotse dahil sa sobrang inis na nararamdaman.
“Fvck this feeling!,” bulong niya sa sarili habang inaalala ang eksena ni Trim at ni Micah kanina.
Hindi niya alam pero naiinis siya. SOBRA.
TO BE CONTINUE


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.