20

TADHANA


Report

Ako nga pala si Myka uumpisahan ko ang akong story nung ako ay College, isa akong HRM, tatlo kaming magkakaibigan si Fern, Abby, at ako.

Matagal na kong may gusto sa isa naming ka schoolmate na si Marlon. hanggang isang araw inaya ako ni Abby na maki sit in sa classroom nya laking gulat ko nung nakita ko si Marlon sa classroom nila. oo classmate nya si Marlon pero hindi alam ni Abby na may gusto ko kay Marlon mapaglihim kasi ako pag dating sa mga nagugustuhan ko

sa Classroom
Me: Abby pwede ba lagi na ko maki sit in dito
Abby: Oo naman okey naman sa professor namin atleast eto may dagdag kaalaman

hindi ko pinapansin ang sinasabi ni Abby dahil nakatitig ako non kay Marlon. tinanong ako ni Abby non kung bakit natutulala ko pag dumarating si Marlon sa klase. sabi ko lang baka nagkakamali lang sya.

hanggang isang araw sinabi sakin ni Abby na may gustong magpalakad ng panliligaw sakin tinanong ko si Abby kung sino laking gulat ko na si Marlon un.

Grabe gusto ko magtititile sa tuwa nung nalaman ko un. pero pinipigilan ko ayoko ipakita sa isang lalaki na may gusto ko sa kanya, baka kasi mag take advantage pagnalam,

idedescribe ko lang ang sarili ko Matangkad ako maputi petite at kahit papaano may itsura naman ako, ang gusto ng karamihan sakin ay ang aking mata, si Marlon naman ay may kamukhang artista yon ay si Geoff Eigenmann feeling ko tuloy ako na si Carla Abellana

agad kaming nagkapalagayan ng loob ni Marlon nagkapalitan ng number, chat sa fb, lagi din kami nagkikita pag campus pag vacant ko at vacant din nya nagkakasama kami kwetuhan dito kwentuhan don, hindi naman namamalayan ang oras 2hours naming vacant ay parang 15mns lang samin, masaya sya kasama. sasagutin ko na sana si Marlon non, hanggang isang araw galit na galit si Abby na lumapit sakin

Abby: Myka!
Me. oh bakit?
Abby: wag mo na lalapita si Marlon oh kakausapin!
Me: hah? bakit?
Abby: basta wag na Myka
Me: eh bakit nga?!
Abby: basta malalaman mo din.

nagulat ako sa pinagsasabi ng aking kaibigan na si Abby. pero malaking palaisipan kung bakit?

hanggang sa hindi na nagttxt sakin si Marlon, blinock nya din ako sa mga social media accounts nya, halos tatlong bwan nanligaw sakin si Marlon non. nagiisip ako kung ano ang nangyari, panay tanong sa isip ko bakit at ano ang aking nagawa?

sa tatlong bwan na yon minahal ko na si Marlon kaya lang nung sasabihin ko na sakanya ang salitang OO sinasagot na kita tyaka naman sya nawala

hanggang sa isang araw nakita ko si Marlon na may kasamang babae sya si Rica.

si Rica ay isa sa mga kabarkada ni Marlon. nakita ko na magkaholding hands sila kasama ang mga barkada nila.

Agad kong kinausap si Abby. at tinanong ko si Abby kung gf ni Marlon si Rica. agad na sumagot si Abby na “oo” gf nya nga si Rica tinanong ko si Abby kung papaano nangyari yon e tatlong bwan nanliligaw sakin si Marlon.

Sinabi ni Abby na nagkausap nga sila ni Marlon, at sinabi nito, na si Rica ang nanligaw sa kanya. sa pagiinuman nilang barkada ay may nangyari sa kanila. nalaman ni Rica na nililigawan ako ni Marlon, kaya gumawa raw ng paraan si Rica na maging sila ni Marlon

Agad akong nanlumo, napaiyak ako dahil mahal ko na si Marlon.
sa aking pagiyak sabay dating naman si Fern sila na ng boyfriend nyang si Fredie.

Matalik na magkaibigan si Fredie at si Marlon dahil nga sila na ng kaibigan kong si Fern ay naging kaibigan ko din Fredie.

kay Fredie ko nalaman na mahal parin ako ni Marlon kahit sila na ni Rica. nalaman ko din na panay ang kwento ni Marlon kay Rica tungkol sakin. nalaman ko din kay Fredie na si Rica ang namblock sakin sa FB at si Rica rin ang nagpalit ng contact number ni Marlon.

gusto kong iwasan si Marlon na at magmove on, wala naman ako karapatang magalit dahil hindi naman naging kami. pero hindi ko pala maiiwasan kasi pereho kaming HRM.

hanggang sa isang araw sa minor subject kinagulat ko na clasmate ko sya. nung una hindi kami magkatabi hanggang sa sinabi ng among professor na magkakaron ng sitting plan.

tadhana nga naman magkalapit lang kami ng surname. pinapagitnaan lang ako ni Fredie at ni Marlon nong mga oras na un. nung una...


ay hindi nya ko pinapansin lagi si Fredie ang kausap ko hanggang sa hindi rin nagtagal nagkausap rin kami. syempre habang magkausap kami napaka sama ng tingin samin ni Rica.

dito ko nalaman na takot si Marlon kay Rica habang magkausap kasi kami ni marlon sa tuwing titingin sya ay hihinto si Marlon ng pagkakausap sakin.

Merong pa ngang time vacant ko non biglang dumating si Marlon nagkakwentuhan kami ng matagal ng hindi namin namamalayan ang oras. biglang dumating ang kanyang mga barkada sabay sabi nila na “oh marlon akala ko ba uuwi ka na? andito ka lang pala sige ka susumbong ka namin kay Rica” dali dali umuwi si Marlon non.

lumipas ang bwan at mga araw si Marlon parin ang laman ng puso ko, nagkaron ako ng boyfriend non at ang purpose ko lang ay ang magmove on

napaka sama ko, pero un din ang nakikita kong paraan para tigilan na din ako ni Marlon, Nagkakainitan na rin kasi kami ni Rica, pano ba naman panay ang kwento ni Marlon tungkol sakin kay Rica, kaya kahit na magkakasalubong kami ni Rica ay panay panay ang parinig nya sakin.

Lumipas ang taon at kami ay naka graduate na, feeling ko hanggang dito na lang kmi ni Marlon

isang taon din ang tinagal ng boyfriend ko si Sam at doon natutunan ko din syang mahalin pero hindi ganon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya, kahit papaano marunong ako magcontrol sansarili ko, hanggang isang araw nalaman kong tatlo kaming pinagsasabay sabay ng aking boyfriend na si Sam. agad akong nakipaghiwalay dahil ayoko ng lokohan

tatlong taon din ang lumipas at ako ay nagtrabaho sa isang bangko sa makati. maayos naman ang lahat ng bigalang may nag add sakin sa socila media account ko, laking gulat ko na si Marlon yun.

knwento nya sakin na wala na sila ni Rica, sinabi nya sakin na may nakabuntis kay Rica at hindi sya ang ama.

sa mga panahong yon nanligaw ulit si Marlon sakin, panay call at txt at chat sa fb, hanggang sa nagdesisyon kaming magkita, nagdate rin kami ng ilang bwan, malaki ang pinagbago ni Marlon tumaba sya ng kaonti. ako naman ganon parin at yon din ang napansin ni Marlon,

masaya ko ng mga oras na un, gusto ko na sya sagutin baka kasi mangyari ulit ang nakaraan, hanggang sa tumawag sya sakin, sinabi nya na nagkausap sila ni Rica ang gusto ni Rica ay panagutan ni Marlon ang dinadala nyang bata. hanggang sa sinabi nya sakin na magmomove lang sya sa nangyari sa kanila ni Rica sunabi nya na hintayin ko sya ng tatlong bwan.

simula non hindi na nagparamdam si Marlon sakin, chat at txt hindi na sya sumasagot, si Abby ang naging sandalan ko nung mga oras na un pinayo sakin ni Abby na maghintay ako ng tatlong bwan at wag mag alala.

lumipas ang tatlong bwan at walang Marlon ang nagpakita. naghintay ulit ako ng tatlo pang bwan, at wala paring Marlon hanggang sa sinabi na ni Abby na mag move on na lang ako kay Marlon

ginawa ko naman ang sinabi ni Abby, nagset ako ng Goal sa lalaki at pinagpray nasa dumating ang lalaking yon na para sa akin, agad kong inipit yon sa bible at pinagdasal.

hanggang sa dumating sa buhay ko si David. lahat ng gusto ko sa lalake ay nakay David na inisip ko na lahat ng sinulat at pinagdarasal ko kay Lord lahat ng yon ay nakay David. apat na bwan ng maging kami ni David lagi akong nagpapasalamat kay Lord at ibinigay sya sa akin.

hanggang sa isang araw nagtagpo ang landas namin ni Marlon, haay nako ang galing nga maglaro ng tadhana kung kelan naging kami ni David tyaka naman dumating si Marlon. agad akong sinuyo ni Marlon at ang laki rin ng kanyang ipinayat. hindi ko alam ang gagawin ko bigla kasing nanumbalik ang pagmamahal ko kay Marlon.

palihim kaming nagkikita ni Marlon ng hindi alam ni David. alam ni Marlon ang tungkol samin ni David agad syang humingi ng paumanhin sa nangyari inipit kasi sya ni Rica na sya ang managot sa batang dinadala neto.

Hindi ko na alam gagawin ko nalilito ko, sino ba ang pipiliin ko? sa ngayon ay nakipag hiwalay ako kay David, hindi ko na din kinausap pa si Marlon

sabi naman ni Marlon ay handa syang maghintay sa kung anon ang aking magiging desisyon.


20 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.