2

Suplado si Crush


Report

So anyway, this is my first real story, as in totoong buhay ko talaga siya. My name is April, grade 7 ako ngayon. Simula noon, mahilig talaga ako sa mga singkit. Kaya nagkaroon sakin ng malakas na impluwensiya ang mga Koreano. Hindi naman siya ang unang naging crush ko dito sa school na pinag-aaralan ko. Nagkaroon na din ako ng dating crush at nag-confess ako sakaniya. Okay lang naman daw. Naging close pa nga kami sa napaka-kaonting panahon. Ako na rin ang pumutol sa komunikasyon namin dahil may mahal siyang iba. No hard feelings. Nagparaya ako. And now, nagkaroon ako ng gusto kay Singkit, itago nalang natin siya sa pantawag na iyon. Dati nung hindi ko pa siya nagugustuhan araw araw ko siyang nakikita sa tapat ng room nila bago ako pumasok sa room namin. As in, may eyecontact talagang mabubuo sa pagitan namin! Syempre, padalas ng padalas na nangyayari yon kaya may nabuong feelings. Hindi ko alam ang pangalan niya kasi ahead siya sakin ng 2 years, sadyang malapit lang ang room nila samin. Edi nalaman ng mga classmates ko na crush...


ko siya. Tinutulungan na din nila ako malaman yung real name niya, then, nagsabi sakin yung isa kong kaklase,babae, na tito niya daw si Singkit, edi ginrab ko na yung oppurtunity, in-add ko siya sa fb, tas pinasabi ko sa classmate ko na ipa-accept ako, edi inaccept niya ako. Nagwave ako.. pero seen niya lang. Nagmake-move na yung classmate ko para mapansin niya ko. May tinanong ako kunwari kay Singkit. Nagreply naman siya kaso… end of convo na namin iyon. Nalaman na din ng t.l.e teacher namin yon na teacher din nila pala. Pati yung teacher namin nilalakad na ako kay Singkit, kaso… mukhang hindi talaga kami for each other. Hindi niya ako pinapansin. Parang ayaw niya sakin. Nilalayo niya ata yung sarili niya sakin e. Hindi ko narin siya nakikitang tumatambay lagi sa labas ng room nila. Wala na yung eyecontact. Masakit para sakin kasi, first time kong maka-encounter nang ganito. Hindi ako panget. Cute naman ako. Matalino. Mabait. Friendly. Approachable. Pero ewan ko ba. Bakit ayaw niya sakin. I need help guys. Advice lang ho! Kung magcoconfess ba ako or hindi..

3

2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.