0

Still Into You Chapter 1

Ang buong akala ni Elize ay wala ng makapaghihiwalay sakanila ni Chard ngunit ng makilala ni Chard si Liza ay nagbago ang lahat. Nawalan na ng oras si Chard pada kay Elize at unti-unti ay nagkalayo ang dalawa at sa huli ay nagkahiwalay din.

Sa mga panahong iyon ay naging sandalan ni Elize si Uno. Sa kanya sinasabi ni Elize ang lahat ng nararamdaman patungkol sa hiwalayan nila ni Chard at ang laging sinasabi lamang nito ay madami pang ibang nagmamahal sakanya at tumingin lamang ito sa paligid. Ang hindi alam ni Elize ay may namumuo na palang pagtingin si Uno sakanya kaya ganun na lang ang pag aalaga at pag intindi nito sakanya. Ngunit ng mga panahong iyon ay may kasintahan pa si Uno kaya hanggang pagkakaibigan lamang ang pwedeng mamagitan sakanila.

Hanggang isang gabi ay lasing na lasing si Uno dahil sa kadahilanang nagkahiwalay sila...


ng kasintahan at ng gabing iyon ay nagka usap via text ang dalawa:

“Elize sobrang sakit na hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko, parang gumuho ang mundo ko”. Ang sabi Uno. “Wag kang mag-alala Uno at palagi lang naman akong andito sa tabi mo kapag kailangan mo ng makaka usap at makakasama” ang paninigurado naman ni Elize. At lumipas pa ang ilang oras ay kung saan saan na napunta ang usapan ng dalawa at tila ba nawala na ang sakit at spirito ng alak sa katawan ni Uno.

Hanggang sa tanungin na niya kay Elize ang isang bagay na matagal na niyang gustong itanong dito.
“Elize baka naman pwedeng ikaw nalang ang maging gf ko, kahit kunyari lang, kahit sandali lang. Para lang di ko maramdaman ung sakit”_Uno

**Ano kaya ang isasagot ni Elize kay Uno? Tatanggapin kaya ng dalaga ang alok nito?**

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *