1

STEALING HIS INNOCENCE CHAPTER EIGHT


Report

By Yzabelah
🌺🌺🌺🌺🌺🌺
PINAKIRAMDAMAN ni Vivienne ang kanyang mga binti kung may kirot pa rin. Napangiwi siya nang pag-galaw niya ay naroon pa rin ang bahagyang kirot at paninigas ng masel niya. Dala na marahil ng kanyang kasipagan kaya naman pati pulikat ay nagiging kalaban na rin niya. Hinayaan na lang niya ang sarili na manatiling nakaupo sa sofa.
Noon niya napansin ang ilang mga human size stuff toys at teddy bear na nasa sofang katapat ng inuupuan niya. Sa center table naman ay may mga pumpon ng bulaklak na nasa vase. Kinuha niya ang cellphone at ini-dial ang numero ni Maurelle. Nang sagutin iyon ng sekretarya niya ay inutusan niya itong pumasok sa loob ng opisina niya.
“Kanino galing ang mga stuff toys at teddy bear na iyan?” seryoso niyang tanong sa sekretarya niya nang makalapit na sa kanya.
“May mga nag-deliver lang, saka iyong mga bulaklak pinangahasan ko ng ilagay sa flower vase, kasi naman nangamba ako na baka malanta lang, noon pa kasing isang araw iyan,” tugon naman ni Maurelle.
Hindi na bago sa kanya ang mga pangyayaring tulad noon. Matagal ng panahon na nakakatanggap siya ng mga regalo, stuff toys, teddy bear, flowers, jewelries, at kung anu-ano pa. May nag-ooffer na rin sa kanya ng mga kotse, properties at maging ng pera para lang mapakasalan niya.
Iyon ang hindi niya maunawaan, sa mga mayayamang lalaki na nakakasalamuha niya. Kung makapag-propose ay wagas at kayang ialay ang lahat ngunit wala namang panahon para manligaw ng personal. Inaasahan ba ng mga ito na madadala siya sa ganoong mga materyal?
“Sige na, iwan mo na muna ulit ako,” pagtataboy niya sa sekretarya niya na tumalima naman agad.
Marahil ang sender ng mga iyon ay isa sa nakasalamuha niya sa party ng kanyang kakambal na ginanap sa Midnight Paradise. Kung ganoon nga, wala siyang interes na alamin pa iyon. Hindi siya intresado sa mga herederong nakasalamuha niya roon. Hindi na niya kailangan pa ang karangyaan na nakahandang i-offer sa kanya ng mga ito sapagkat mayroon na siya noon.
Noon nag-ring ang cellphone niya na ipinatong niya kanina sa center table matapos tawagan si Maurelle. Nakita niyang ang nag-appear na caller sa screen noon ay ang kakambal niya. Naisip niya kung ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya!
“Ano na namang kailangan mo?” matabang niyang bungad na tanong sa kakambal.
“Oh, relax mukhang stressed ka na naman,” biro ni Maximillian sa kabilang linya. “Nakauwi ka na ba ngayon?”
“Kababalik ko lang sa Manila, narito ako sa opisina ko.”
“Huwag mong sabihing wla kang balak pumahinga, at mag-oovertime ka pa rin?”
“Hindi ako mag-oovertime may idinaan lang akong mga papel dito sa opisina, uuwi na rin naman ako.”
“Good! Kumusta ang dinner n’yo ni Tobias?”
“Ayos naman!” walang kagana-gana niyang tugon.
“Is he okay for you to become your husband?”
“Come on, Maximillian, don’t bring that topic again. Hindi oobra sa akin ang pagiging match maker mo!” irritable niyang wika. Hindi siya natutuwa sa tuwing ang pagpapakasal niya at pag-aasawa ang pinag-uusapan nila.
“Vivienne, please, come to your senses! I’m serious! You’re not getting any younger.”
“Kaya ba pati sina Mama at Papa ay naimpluwensiyahan mo na rin?”
“Kapakanan mo lang ang iniisip namin. Wala ako lagi sa tabi mo para umalalay sa iyo. Kung magpapakasal ka, mababawasan na rin pati ang pag-iisip at pag-aalala nina Mama at Papa sa’yo.”
“Hindi ko kailangan ng alalay, normal ako, hindi ako inutil at wala akong kapansanan.”
“Princess, makinig ka kay kuya, okay? Mahirap ang mag-isa, ayoko ring halos patayin mo na sa trabaho ang sarili mo.”
Kapag ganoong tinawag na siyang pincess ng kakambal niya ay alam niyang nakikiusap na ito at naglalambing. Pero anong magagawa niya, wala sa mga plano niya na pagbigyan ang pakiusap nito maging ng mga magulang niya. Hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili bilang isang may-bahay ng isang lalaki at naka-focus sa pagdadalangtao o sa pagpo-produce naman ng magiging tagapagmana ng kanyang magiging asawa. Parang domino effect lang sa kanilang mga nakakataas sa antas ng pamumuhay ang proseso ng pagpapakasal.
“Hindi mo na ako kailangan pang ihanap ng lalaking pakakasalan sapagkat may pakakasalan na ako, na pinangakuan kong siya lang ang mamahalin ko!” Batid niyang hindi siya titigilan ni Maximillian kaya nagawa niyang sabihin ang bagay na iyon.
Ilang segundo ring hindi agad nakaimik si Maximillian.
“Nagulat ka ba?”
“Sinasabi mo lang ba iyan para makaiwas?”
“Siyempre, hindi! Hindi ako nagbibitiw ng mga salita kung hindi iyon totoo o hindi ko mapapatunayan!” Totoo naman kasing may pinangakuan siya na isang lalaking na dito lang pakakasal.
Muling nanahimik si Maximillian. Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Vivienne. Marahil naman ay iyon na ang huling pangungulit ng kakambal tungkol sa pagpapakasal niya.
“Kung ganoon, panahon na para ipakilala mo siya sa amin,” pagdakay wika ni Maximillian sa kabilang linya.
Siya naman ang hindi nakaimik.
“Oh, ano? Hindi naman siguro mahirap iyon. Kung mahal mo ang lalaking sinasabi mo na pinangakuan mo ng kasal, at kung mahal ka rin niya, dapat lang na makilala ko siya, namin nina Mama at Papa, tutal mapapabilang na rin siya sa pamilya natin.”
“Ipapakilala ko siya sa inyo, bakit ba hindi? Pero hindi ngayon, hindi sa mga panahong ito. May mga importante akong dapat unahin at pagka-abalahan. Alalahanin mong ako ang hahawak at magpaplano ng lahat ng kasal ng Brillante Clan’s heirs and heireses at hindi biro iyon!”
Humanap pa siya ng magiging excuse.
“Three months, alam kong mahaba na iyan sa iyo at kaya mong mag-prepare ng kahit pa sampong kasal sa loob ng tatlong buwan kaya iyan lang ang palugit. Kailangang ipakilala mo na siya sa amin pagkatapos ng tatlong buwan.” Iyon lang at pinutol na ni Maximillian ng wang anu-ano ang tawag na iyon.
Naiwang parang napasubo si Vivienne. Pakiramdam niya ay naka-puntos ngayon ang kakambal.
Totoong may isang lalaki siyang pinangakuan ng kasal, dalawampong taon na ang nakalilipas. Iyon ay ang batang nakasama niya noon sa gubat at lumaki siyang dala pa rin niya sa dibdib ang pangakong iyon, ngunit saan naman niya hahagilapin ang batang lalaki na iyon? Paano kung may asawa na ito at mga anak. Magagawa ba niyang sirain ang pamilya nito para lang sa pansariling kapakanan. Isa pa, kilala pa kaya siya nito? At ang masakit pa noon paano kung hindi siya nito matutunang mahalin?
Kilala niya si Maximillian kahit ka-edad niya ito at madalas ay nagagawa niya itong suwayin ngunit sa mga desisyong tulad noon ay pinaiiral pa rin nito ang pagiging panganay nito sa kanya. Ito pa rin ang tumatayong ikalawang makapangyarihang lalaki sa pamilya nila bukod sa kanyang papa. Iba kapag si Maximillian ang nagdesisyon hindi niya ito mapapakiusapan o malalambing tulad ng madalas niyang gawin sa kanyang papa sa tuwing may ipag-uutos ito sa kanya na tinututulan niya. Kaunting lambing lang ay bibigay na ito samantalang si Maximillian ay iba rito. May kung anong pagka-manipulative at kapangyarihan ito na kapag sinabi ay tila batas na hindi niya mababali o masusuway!
Nagkaroon tuloy siya ng problema ngayon! Bakit kasi hindi maunawaan ng pamilya niya na hindi ang pag-papakasal niya ang sagot sa lahat. Kung kailangan niya ng kasama tulad ng gusto ng mga ito, pwede naman siyang mag-hire ng kasambahay. Iyon nga lang hindi siya sanay ng may ibang tao na hindi niya kadugo o kapamilya sa tahanang tinitirhan nila. Loner na talaga siyang tao at may pokus siya kapag nag-iisa. Speaking of the word kasambahay, mukhang kakailanganin nga niya nito lalo na ngayon at busy siya. Sawa na rin kasi siyang laging kumuha sa mga cleaning agency para maglinis sa mansiyon. Hindi na rin niya magawang dumaan sa laundry house para magpalaba ng mga damit at sawang-sawa na rin siya ka-oorder sa mga restaurant para lang sa kanyang pagkain. Marahil panahon na nga para naman kumuha siya ng maaaring gumawa ng mga bagay na iyon para sa kanya.
Muli niyang tinawagan si Maurelle at pinapasok sa loob ng opisina niya hinggil sa bagay na iyon.
“Kailangan ko ng magiging kasambahay. Ihanap mo ako sa agency, iyong tipong mapagkakatiwalaan ko. I-offer mo lahat ng puwede mong i-offer, insurance, high salary, allowances, basta at mapagkakatiwalaan na puwedeng magkaroon ng access sa mansiyon.”
Nagtatanong ang mga mata ni Maurelle na tumingin sa kanya. Sa isip nito ay bigla-bigla naman ang pagde-demand nito ng kasambahay, magkaganoon man ay hindi naman niya ito makwestiyon dahil bosd pa rin nya ito. Bukod pa roon, siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan nito sa mga bagay na tulad noon. Wala nga ito kahit isang kaibigan man lang. Sa kompanya ay siya lang ang madalas na kausap nito at pinagtitiwalaan ng mga ganoong ka-delikadong bagay at pagpapasiya.
“Gusto ko, marunong magluto, maglaba, mag-linis at kayang alagaan ang hardin sa mansiyon. Kilala mo ang mga ayaw ay gusto ko kaya ikaw na ang bahala sa iba pang qualification,” tumayo na siya matapos sabihin iyon. Ayos na rin naman ang pakiramdam ng mga binti niya.
“Kailangan n’yo na ba?”
“Bukas! Kung puwede magsimula na siya.”
Nais sanang magreklamo ni Maurelle ngunit hindi niya magawa. Alas kwatro na ngayon ng hapon at saang agency kaya siya kukuha ng isang kasambahay na papasa sa panlasa nito? Kung hindi naman siya gustong pahirapan ng babaeng ito, palagi na lang itong last minute kung mag-demand sa kanya.
“Sige,” iyon lang ang maaaring maisagot ni Maurelle kay Vivienne.
“Uuwi na muna ako sa mansiyon para magpahinga, nasa folder na iyan ang mga contract na dala ko ikaw na ang bahala,” ang tinutukoy ni Vivienne ay ang bagong contract na dala sa Baguio at sa Quezon na personal nitong pinapirmahan kina Cheska Mary at Hyacinth.
Matapos bitbitin...


ang shoulder bag ay tinungo na nito ang pintuan ng opisina.
Akma na nitong bubuksan ang pintuan nang parang tila may nalimutan pa itong sabihin kay Maurelle. Muli itong humakbang pabalik sa kinatatayuan ni Maurelle.
“Maurelle, may isa pa akong hiling at ipakikiusap,” tila nag alangan pa ito kung sasabihin sa secretary niya o hindi ang nais niyang mangyari.
“Yes, Ma’am?” nagtatanong ang mga mata na tugon ni Maurelle.
Bumuntong hininga pa si Vivienne na tila nag-iipon ng lakas ng loob.
“May gusto akong ipahanap na tao.”
Biglang kinabahan si Maurelle, kung madalian din ito tulad ng paghahanap ng katulong paano na niya masusunod ang nais nito?
“Hindi naman siya madalian, kailangan ko lang magkaroon ng ideya tungkol sa kanya kung nasaan na siya, kung ano na ang kalagayan niya ngayon?”
Biglang nakahinga ng maluwag si Maurelle. Mabuti naman at hindi nagmamadali ang boss niya.
“Sino ho ang taong tinutukoy ninyo?”
Tumingin pa muna si Vivienne sa secretary niya bago tumugon.
“H-Hindi ko kilala, I mean hindi ko alam ang pangalan niya. Ang tanging alam ko lang nakasama ko siya dalawampong taon na ang nakakalipas sa isang gubat.”
Nais ni Maurelle manermon nang oras na iyon. Kung hindi lang niya ito boss talaga. Paano kaya niya mahahanap ang isang taong ni pangalan ay hindi niya alam? At sa isang gubat pa pala nagkasama ang dalawa dalawampong taon na ang nakalilipas. Kung hindi siya nagkakamali ay siyam na taon pa lang noon ang babae. Hindi kaya namamaligno ang boss niya? Baka naman isang maligno ang nakasama nito sa gubat? Nais niyang matawa sa naiisip niya.
“Anyway, may ibibigay ako sa iyong isang bagay na kapag nakita niya siguradong maaalala niya ako,” wika ni Vivienne. “Huwag mo na munang isipin iyon, may tatlong buwan ka pa namang palugit para mahanap siya,” wika nito na tuluyan ng tumalikod para lumabas ng opisina.
Naiwang nag-iisip si Maurelle. Ano raw? Huwag daw niyang isipin ang tungkol sa taong pinapahanap nito dahil may tatlong buwan pa siyang palugit? Kung hindi nga niya kilala kung sino ang hahanapin paano niya mahahanap ang taong gusto nitong hanapin niya? Ano siya manghuhula? Minsan kakaiba talaga ang kalupitan ng boss niya. May pagkasadista rin hindi lang halata.
PAGKA-OUT ni Maurelle nang hapon na iyon ay agad niyang kinontak ang pinsan niyang si Julian. Nalaman niya nasa Furry Babies Shelter ito. Sinabihan niyang magkita sila nito sa paborito nilang grilled house. Tinanggihan siya nito ngunit nagpumilit siya kaya naman no choice ang lalaki kung hindi ang siputin siya.
Nasa grilled house na ang pinsan niya nang dumating si Julian. Nakita niyang may isang bucket ng beer sa mesa. Nakaorder na rin ito ng grilled pork ang grilled chicken.
“Hindi ba, sabi ko sa iyo hindi maganda sa isang babae ang lasenggera!” panenermon agad ni Julian pagkaupo.
“Ang killjoy mo, hindi naman ako lasenggera, saka bihira naman akong uminom. Isa pa beer lang ito at wala akong kinakainom kung hindi ikaw lang,” pangangatwiran ni Maurelle.
“So, anong okasyon?”
“Malapit na akong mabaliw Julian,” napasapo sa sariling mga noo si Maurelle habang sinasabi ang mga katagang iyon sa pinsan.
“Wala kaming pera ni Mama na puwedeng itustos sa iyo sa oras na ma-confine ka na sa mental” seryosong wika naman ni Julian.
Inirapan ni Maurelle ang pinsan. Nagagawa pa nitong magbiro habang siya ay hindi na alam ang gagawin.
“Ano ba kasing problema mo?”
Kumuha na rin si Julian ng isang bote ng beer sa bucket at binuksan iyon. Nilinis ng tissue ang bunganga noon at uminom na rin.
“Ang boss ko, gusto niya akong gumawa ng milagro, ng himala, gusto niyang mag-magic ako at higit sa lahat nais niya akong maging manghuhula,” over acting na wika ni Maurelle.
“Palagi na lang siya ang problema mo, mag-resign ka na kaya!” balewalang suhestiyon ni Julian sa pinsan.
“Hoy! Iyan ang hinding-hindi ko gagawin! Kahit ganoon ang babaeng iyon hindi naman ako dehado sa sweldo.”
Totoo ang sinabing iyon ni Maurelle. Ang tinatanggap niyang sweldo ay higit pa sa sweldo ng ibang mga executive ng mayayamang kompanya. Nang mag-apply siya bilang secretary ni Vivienne Santibañez ay ini-offer na nito sa kanya ang mga benefits at salary na higit pa sa posisyon ng isang sekretarya. Kapalit noon ay ginawa siya nitong kanang kamay sa lahat ng transakyon sa negosyo nito. Iyon ang first job niya at isang karangalan na sa kanya iyon lalo na ang mapagtiwalaan ng isang Santibañez. Bukod pa roon ay sa kanya lang nito personal na ipinagkakatiwala ang ilang mga bagay na may kinalaman sa personal nitong buhay. Hindi man sila close as best friend ay naramdaman naman niya rito na pinapahalagahan siya nito. Never itong nagalit sa kanya kahit pa nga minsan hindi rin naman perpekto ang trabaho niya. Siya lang ang nakakatanggap ng ganoon ka- espesyal na pagtrato sa loob ng kompanyang pag-aari nito. Hanggang sa matutunan na nga niyang maging perfect sa lahat ng bagay tulad nito.
“Isa pa, hindi ko siya magagawang iwan,” biglang lumungkot ang mukha ni Maurelle. “Napaka-lungkot ng buhay ng babaeng iyon. Paano na lang kung mawawala ako sa kanya? Sa akin lang niya ipinagkakatiwala ang mga bagay na personal na may kinalaman sa buhay niya kahit hindi na parte ng trabaho ko as ecretary. Wala nga iyon kaibigan na pwede man lang niyang maka-bonding. Ako at si Sir Max lang bukod sa mama at papa niya ay tanging nakakausap noon ng may kinalaman sa personal nitong buhay at mga desisyon.”
“Deritsahin mo ako, ano talaga ang guto mong tumbukin?” duda na si Julian sa inaarte ng pinsan. Batid niyang may ibig sabihin ang lahat ng iyon. “Sabihin mo na at papasok pa ako sa trabaho. Nalimutan mo na yata na dalawang gabi na akong absent sa Midnight paradise bar, baka masisante na ako.”
“Okay lang, ako ang bahala sa iyo. Ipapasok kita ng trabaho. Tama mag-resign ka na doon.”
“Alam mo kinakabahan na naman ako, eh! Pakiamdam ko may—”
“Ikaw ang puwedeng maging sagot sa lahat ng problema ko Julian, please!” pinagsalikop pa ng dalaga ang mga palad sa tapat ng dibdib nito bilang pakikiusap.
“Ano na naman ba ang dapat kong gawin para sa inyo ng boss mo?”
“Pinaghahanap niya ako ng isang taong mapagkakatiwaan na marunong magluto, maglaba, maglinis ng bahay at mag alaga ng hardin ng mansiyon, sa madaling sabi kasambahay bukas na bukas rin.”
“Hindi kita matutulungan, wala akong kilalang puwedeng pumasok na kasambahay na puwedeng magilbi sa kanya. Humanap ka sa mga agency.”
“Hindi puwede sa agency, hindi ko kilala ang possible kong makuha roon. Paano kung hindi siya katiwa-tiwala?”
“Sa tinutumbok ng mga salita mo parang gusto mong ako ang pumasok na—”
“Oo, ikaw nga!” mabilis na putol ni Maurelle sa sasabihin pa ng pinsan.
Natawang bigla si Julian. Nagbibiro ba ang pinsan niya?
“Sumosobra ka na, Maurelle, huh! Porke ang bait-bait ko sa iyo sinasamantala mo na ako.”
“Julian, bakit iyong mga aso at pusa na nangangailangan ng tulong nagagawa mong tulungan, samantalang ako gusto mong tanggihan?” pinalungkot pa ng dalaga ang tinig niya.
“Ibang kaso iyon?”
“Naisip lang naman kita kasi alam kong kaya mo iyon at mabuti kang tao. Hindi ka mapagsamantala at isa kang maginoo. Makakaya ba ng konsensiya mo na, makahanap nga ako ng ibang puwedeng maging kasambahay niya pero hindi naman siya magagawang alagaan ng tama. Lulukuhin siya o kaya baka samantalahin ang kabutihan ng puso niya. Kahit medyo supladita iyon sobrang ginto ng puso noon. Paano kung pagnakawan lang siya? Ang daming gumugulo sa isip ko na
baka—”
“Kinokonsensiya mo ba ako?”
“Hindi, kasi mukhang wala ka naman noon.”
Naiiling na pinagmasdan ni Julian ang pinsan.
“Alam mo naman siguro na magpapari ako hindi ba? Lumabas lang ako ng semenaryo dahil binigyan kami ng panahon para tiyakin sa sarili namin kung pagpapari nga ba ang calling na nasa puso namin.”
Hindi tumugon si Maurelle. Tinungga nito ang isang bote ng beer na kabubukas lang nito.
“Kahit pa pagbigyan kita, hahanap at hahanap ka pa rin ng iba,” pagpapatuloy ni Julian sa nauna ng sinabi pa nito.
“Alam ko iyon, kaya nga pansamantala lang habang hindi pa ako nakakakuha ng taong maaaring pagkatiwalaan. Hindi mo ba talaga akong puwedeng pagbigyan? Kaunting sakripisyo din lang gagawin mo at marami kang matutulungan. Maso-solve mo ang kasalukuyan kong problema, kikita ka ng sobra pa sa inaasahan mong maging donation sa Furry Babies Shelter at kahit saang simbahan makakapag-donate ka ng tulong. Please, Julian.”
“Sinabi ba niya sa iyo na puwedeng lalaki ang maging kasambahay niya?”
“H-Hindi naman.”
“Paano ka nakakasiguro na magiging komportable siya sa mansiyon kung malalaman niya na isang lalaki ang makakasama niya sa araw at gabi sa tahanan niya at gagawa ng lahat ng bagay at pagsisilbi na inaasahan niya?”
Bahagyang napaisip si Maurelle. Tama ang sinabi ng pinsan. Batid niyang malayo sa mga lalaki ang boss niya at walang ibang lalaki na nakalapit rito at nakasama nito ng matagal maliban lang sa kakambal nito at sa papa nito. May kakaibang pader na sadyang itinayo ang dalaga kung lalaki rin lang ang pag-uusapan.
“Hindi rin puwedeng ako kahit pumayag ako.”
“Puwede!” mabilis na tugon ni Maurelle.
“Sige nga paano?”
“Malawak ang mansiyon, ang tanging gagawin mo lang ay umiwas na makasalamuha siya. Bago siya gumising sa umaga dapat naihanda mo na ang breakfast niya. At lahat ng mga kakailanganin niya. Kapag nakaalis na siya para pumasok doon mo na gagawin ang paglilinis at ang paglalaba,” kumindat pa si Maurelle sa pinsan.
Hindi na nakapangatwiran si Julian. Mautak din minsan ang pinsan niya. Batid niyang kung mangangatwiran pa naman siya ng iba ay tiyak na may sagot at solusyon na naman itong maiisip at sasabihin.
😘😘😘❤️❤️❤️


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.