0

SOMEWHERE OUT THERE CHAPTER 2


Report

SOMEWHERE OUT THERE”
Author: Venzstrayk
CHAPTER 2- OLIVIA POV
Nandito na ako sa labas ng room
Hinihintay ko si dina, naglilinis pa Kasi siya ng room
Nung malapit na siyang matapos ay nakita ko naman dumaan yung lalake kanina sa Canteen, nahuli ko pa nga siyang nakatingin sakin kanina
Hindi na niya Kasama yung kaibigan niya
Panay tingin lang ako sa kanya habang naglalakad
Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa harap ko
Kaya naman napaatras ako
Dahil ang lapit namin sa isa’t isa
Na isang tulak na lang magdadampi na yung labi namin, iniisip ko pa lang nasusuka nako
“Stop staring at me, alam ko namang pogi ako, kaya wag mo nang ipahalata pa” sabi nito at ginulo ang buhok ko
Napalunok naman ako nung yumuko siya at nilapit niya yung mukha niya sakin
“You know, what you look familiar for me, I don’t know when” sabi nito sakin sabay ngiti at umalis na
Nakatulala parin ako
Habang pinuproseso lahat ng sinabi niya
Bat parang nakita ko na yung ngiti na yun?
“Haysst ano bang nagyayare sakin?” Tanong ko sa sarili ko
“Hoy girl bat parang nababaliw ka na? Sinong kausap mo?” Nakakunot nitong tanong
Napatalon naman ako sa gulat
Nung nagsalita si dina
Tumingin naman ako sa kanya at nakataas ang kilay nito
“H-ha? W-wala” sagot ko
Naman oh bat nautal pa
“Sure ka bat nauutal ka?”-sya
“A-ah ako ano Kasi nagugutom nako, ganito Kasi ako kapag gutom, nauutal” sagot ko sa kanya
Palusot koy Sana naman ay tumalab
DINA POV
“Hay natapos na din akong maglinis, it’s time to go home, gutom nako
Nakita ko naman si Oli
At nakatingin ito sa ibang direksyon
Sino naman kaya tinitingnan nito?
Kaya naman sinundan ko yung tingin niya
At nakita kong nakatingin pala siya kay hans
Lalapitan ko na sana si oli nang makita kong nakatayo na si hans sa harap nito
Kaya huminto na lang ako
Nagulat ako nung yumuko si hans at nilapit niya yung mukha niya kay oli
Hindi ko na alam kung naghahalikan na ba sila dahil nakatalikod sakin si hans
May relasyon ba ang dalawang ito?
Hindi naman ganyan si hans sa babae ah
Kapag may babaeng lumalapit sa kanya ay sinisigawan niya ito at pinagsasalitaan ng masasakit na salita sa harap ng maraming tao
Pero bakit pagdating kay oli
Hindi siya ganun?
May gusto ako kay hans
Mula pa noon pero hindi ko lang kayang sabihin dahil natatakot akong sigawan niya at ipahiya niya sa lahat ng tao
Siya yung dream guy ko
At walang nakakaalam non na may gusto ako sa kanya, ako lang at ang langit at lupa ang nakakaalam
Pero bakit hindi ko man lang nakitang
Ipahiya niya si oli
Kapag nakakasalubong ko si hans nakasimanggot ito
Pero kapag si oli ang nakakasalubong niya ngumingiti siya yung ngiti talagang ngaun niya lang pinakita
Kung tutuusin ang swerte ni oli
Dahil pinapansin siya ni hans
Ngunit hindi ako magpapatalo
Friendship is over now olivia
Magkaaway na tayo ngaun dahil inagaw mo sakin si hans at hindi ko hahayaang maging kayo
Kung magiging kayo man, gagawa ako ng...


paraan para masira lang kayo
Hindi ko namalayan may tumulo na palang luha galing sa mata ko
Nakita ko namang umayos na ng tayo si hans at nagsimula nang maglakad
Nagsimula na din akong maglakad papalapit kay oli
Nakita ko namang sinabunutan niya ang sarili niya
Baliw siguro ang babae na to
Matanong ko nga
“Hoy girl bat parang nababaliw ka na? Sinong kausap mo?” Nakakunot ang noo kong tanong
Siguro kinikilig ito
Pasimple akong umirap sa kanya
“H-ha? W-wala” sagot niya
Wala daw kinikilig ka lang eh
Sarap mong patayin
Okay self kalma, humanda ka sa magyayare sayo bukas, hindi mo malalaman na ako pala ang may gawa
“Sure ka bat nauutal ka?”-me
“A-ah ako ano Kasi nagugutom nako, ganito Kasi ako kapag gutom, nauutal”sagot niya sa tanong ko
Tss palusot moy hindi gumagana sakin
“Ahh ganun ba okay tara” aya ko na sa kanya
Tumango naman ito
Nauna nakong maglakad habang siya kakasimula palang maglakad
Nung nakalabas na kami sa may gate
May tumawag kay oli
Paglingon ko sa tumawag sa kanya
Ang pogi talaga niya pero mas pogi si hans sa kanya
“Buti naman at naabotan pa kita” hinihigal nitong sabi
“So ano tara na, hatid ko na kayo para naman makapagstay naman ako sa bago niyong bahay, matagal tagal na din hindi ko nakita si tita” sabi nito sabay kindat
“Alam ko naman kung bat ka pupunta sa bahay namin eh”-oli
Tinakpan naman ni Steven ang bibig ni oli
“Satin lang yun wag mo nang ipagkalat”-steven
Napalingon naman sa direksyon ko si Steven
“Sino itong magandang kasama mo oli?” TANONG niya
“Ah siya si Dina Sue, new friend ko dito” nakangiti sagot nito kay steven
Lumapit naman sakin si Steven at inilahad ang kamay niya
“Hi ako nga pala si Steven Arth, nice meeting you dina” nakangiti nitong sabi
Ngumiti naman ako at tinanggap ang kamay niya para maki shake hands
“So ano tara na” aya ni oli
Tumango naman kami ni steven
Medj. Nakonsyensya ako sa pinaplano ko
Parang Ayoko na lang gawin
Dahil mabait sa akin si Olivia at siya lang yung first friend ko dito, ipapaubaya ko na lang siya kay hans
Habang nasa byahe kami
Puro chikahan lang ang nagyayare
Tapos pag wala nang maisip na ibang topic
Naisipan na lang namin magkantahan
Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng Bahay namin
“Salamat sa paghatid niyo, ingat kayo sa pag uwi, sige papasok nako bye” pagpaalam ko sa kanila
“Sige bye miss beautiful” sabi ni Steven
Kaya naman napatawa ako
Hinihintay ko na lang umalis sila
At nung nakaalis na sila ay pumasok na din ako sa bahay
“Sino yung naghatid sayo” nakataas ang kilay na TANONG ng aking stepmother
“Kaibigan ko po” sagot ko
“At kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan?” TANONG niya
“Wala ka nang pake don, at isa pa stop ask me, okay your not my mom and you will never be my mom” sabi ko sa kanya at nilagpasan na siya
Wala akong pake kung magalit man si dad
Dahil kung papalayasin niya ako
May condo naman akong mauuwian
*END OF CHAPTER 2


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.