0

SOLD TO A HEARTLESS DEMON CHAPTER 2


Report

{HACE’S POV}
“Shit!!”
Nagising ako na sobrang sakit ang ulo due to hang over.
Sa sala pala ako nakatulog. Saglit akong napasandal sa sofa at pumikit ng kunti pagkuwa’y tumayo na at pumanhik sa taas upang maligo.
Pasado alas otso na ng umaga.
After ko maligo ay dali-dali akong nagbihis dahil nakaramdam ako ng gutom.
But what the hell?
Pagbaba ko ng kitchen ay walang kahit na anong pagkain na nakahain.
“Shit, Yna!”
Sigaw ko na nag echo sa buong bahay.
“Kung kailan pa nagugutom na ako oh! Nasan ba ‘yung b’wesit na babaeng ‘yun?”
Tumungo ako sa sala.
Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan nito pero walang sumasagot.
Like, wtf? Sinasagad talaga ako ng babaeng ‘yun.
Tinungo ko ‘yung bodega kung ‘san siya natutulog.
Hmn!
Alam ko kasi na takot siya sa ipis at daga.
Kaya sinadya kong sa bodega s’ya patulugin.
She deserves it.
Kinalabog ko ‘yung pintoan ng bodega nang ilang beses.
“Yna! Anong oras na hindi kapa nakapagluto?!”
Nanggagalaiti na ako sa galit.
Humanda talaga sa’kin ang babaeng ‘yan oras na buksan niya ‘yung pinto.
‘Bug!bug!bug!
Halos gibain ko na ang pintoan pero wala parin.
Hanggang sa nakarinig ako ng isang ungol at pagkatapos ay isang malakas na kalabog na para bang may isang malaking bagay na nahulog o natumba.
Napatigil ako sa pagkatok at pinakinggan ang kung anumang ingay sa loob.
Bahagya akong napalunok.
Salubong ang kilay na kumatok ulit.
I don’t know but I felt something bad na hindi ko ma explain sa loob ko.
“Yna!”
Sabay ng huling katok ko ay ang pagbukas ng pinto.
Ang kaninang galit na naramdaman ko ay hindi ko na makapa.
Para akong istatwa na nakatingin lang sa mukha niya.
She looked pale.
Pero anong pakialam ko?
She’s mine.
She’s all mine.
And I can do whatever I want to do with her.
I can also kill her if I want to.
But this is not the right time.
Kaya hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kan’ya.
Not even a little bit.
“Hace pa-pasensya kana. Masama kasi ang pakiramdam ko.”
I smiled.
Gusto ko ‘yan.
Ang mahirapan siya.
“So anu ngayon? Sino ang magluluto? Ako?”
“Hindi, s’yempre ako ‘yung magluluto”
Saad nito at nagpatiyuna na papuntang kusina.
Sinundan ko siya ng tingin.
Para nga siyang nangangapa habang naglalakad.
Sumunod ako sa likod niya.
Its payback time.
“Wala na palang laman ang ref. Ma-malengke ka muna.”
Utos ko sa kan’ya.
Napatigil naman siya sa ginagawa pagkuwa’y napatingin sa gawi ko.
“May reklamo ka?”
Nakangiting hamon ko dito.
“Wa-wala. Ah si-sige. Magbibihis lang ako.”
{YNA’S POV}
God kayo na po ang bahala sa’kin.
Nandito ako ngayon sa palengke.
Pakiramdam ko anumang oras ay matutumba ako dahil sa hilo.
Dag-dag pa ang ingay sa paligid.
Sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.
Hanggang sa tuluyan nang umikot ang paligid ko.
Napatumba ako pero hindi ko naramdaman ‘yung semento.
Then everything went black.
NAGISI’NG ako na may mga taong nakapaligid sa’kin.
“Ha-hace?”
Napabangon ako nang mahagip ng mga mata ko si Hace,
Pero dahil sa mga taong nagkumpulan ay bigla na lamang nawala ito.
Siguro ay na malik-mata lamang ako.
Bahagya akong napalingon at ‘nun ko napagtanto na nakahilig pala ako sa isang lalake.
Pagkuwa’y tumayo ito at inilahad ang kanang kamay upang tulungan akong tumayo.
Medyo masama parin ang pakiramdam ko.
Pero kailangan kong tumayo dahil masyado na akong naka-tawag pansin sa mga taong nan’dun.
Tinanggap ko ‘yung kamay niya at dahan-dahang tumayo.
Unti-unti nadin nagsi-alisan ang mga tao na kanina’y nakapalibot sa’min.
“Are you okay?”
Kunot ang noong tanong ng estranghero na ngayon ay bahagyang nakayuko sa mukha ko.
“Pa-pasensya kana, masama kasi ang pakiramdam ko.”
Bahagya akong napahawak sa sentido ko nang maka-ramdam na naman nang kaunting hilo.
Agad naman akong hinawakan ng lalake sa braso at inakay.
Napatigil kami sa harap ng itim na sasakyan.
“Uhm, if you want p’wede kitang ihatid sa inyo.”
Hindi ako nakaimik.
After all, he is still a stranger.
“Look, kung iniisip mo na masamang tao ako, then you’re wrong. I just wanna help you. Sa gan’yan kasing kalagayan mo mukhang hindi mo kakayanin umuwi mag isa.”
Tama nga s’ya. Talagang ‘diko kakayanin.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay pumayag akong ihatid ng estranghero sa bahay ni Hace.
Binigay ko sa kan’ya ang exact address ng bahay at ilang minuto lang ay narating namin ‘yun.
Agad siyang bumaba at binuksan ang bintana ng kotse sa frontseat kung ‘san ako naka-upo.
Pakiramdam ko anu’mang oras ay babagsak na naman ako.
Then he asked me,
“May kasama kaba dito sa bahay?”
Isang tango lamang ang naging sagot ko dito.
Then lumapit ito sa gate at nag door bell.
Bumukas ‘yun at ini-luwa si Hace.
Seryuso ang mukha at mukhang manunuklaw anu’mang oras.
Walang anu-anong lumapit si Hace sa sasakyan at binuksan ito at hablutin ako sa braso.
Nakita kong kumunot ang noo ‘nung lalake dahil sa inakto ni Hace.
“Excuse me pare ah, pero p’wede bang dahan-dahan naman? Masama kasi ang pakiramdam ng...


kapatid mo eh.”
Bahagyang napa-tigil si Hace .
Tiim bagang na nilapitan nito ‘yung lalake.
Magkasintangkad silang dalawa.
Hawak parin ni Hace ang kanang braso ko.
“She’s not my sister, she’s mine, ‘coz she is my SLAVE. So back off!”
‘Yun lang at inakay na naman ako papasok sa bahay.
Pagkuwa’y itinulak niya ako sa sofa sa sala, pakiramdam ko ay lalong umalog ang ulo ko at nadagdagan ang hilong naramdaman ko.
‘She is my slave’
Paulit-ulit na nag echo sa isip ko ang sinabi niyang ‘yun.
It hurts me a lot.
Again.
How I wish na sana bumigay na ‘yung katawan ko,
na sana mawala na ako,
Kasi,
I’m living with a heartless demon that I love the most.
And it feels like hell.
Napatingala ako sa kan’ya na ngayon ay lakad dito lakad doon ang gina-gawa.
Hindi ko alam kung anu ang iniisip nito.
Galit ba siya?
Balisa?
Ewan.
Pero hindi na ako natatakot na masaktan niya ako ulit.
Mula ngayon, wala na akong pakialam.
Wala na akong pakialam sa sakit,
pipilitin kong maging manhid ang puso ko,
Para sa lalakeng mahal ko.
KAHIT sobrang sama ng pakiramdam ko ay pinilit ko parin ang katawan ko sa gawaing bahay. Ipinagluto ko si Hace saka nilabhan ang mga damit nito.
Kasalukuyan akong naglilinis ng bathroom niya nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin.
Para akong baliw na humarap sa sarili ko sa salamin pagkuwa’y ngumiti. Naalala ko ‘yung paghalik ni Hace sa’kin.
Wala sa sariling nahaplos ko ‘yung labi kong bahagyang maputla. Natutuwa man ay hindi parin mababago ang katotohanan na si Solenn ang iniisip nito ‘nung gabing ‘yun.
“Solenn.”
Mahinang sambit ko sabay nang pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi ko.
Si Solenn, ang babaeng pinakamamahal ng lalakeng mahal na mahal ko.
Si Solenn ang babaeng nasagasaan ni Martyl,
or should I say Kuya Martyl.
My brother.
Na inakala ni Hace na sinad’ya ng pamilya namin para lang mapasa’kin siya.
But the truth is,
wala akong alam.
Hindi ko alam.
Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa’kin kung anu nga ba ang totoo.
Sa sobrang pagmamahal ko kay Hace ay nakalimutan ko ‘yung pagkatao ko. Nakalimutan kong babae ako.
Nag ala-masokista ako,
na kahit sobrang nasasaktan na ay pinagsiksikan ko parin ang sarili ko kay Hace. Na kahit sukang-suka na siya sa pagmumukha ko ay pilit ko parin siyang sinusundan kahit saan. Kahit alam kong kasama niya si Solenn.
Parang pinipiga ang puso ko everytime na nakikita ko siyang masaya kasama si Solenn. Naisip ko,
bakit hindi niya ako kayang mahalin?
Anong meron si Solenn na wala ako.
C2•3
FLASHBACK
Nasa dance floor si Solenn at Hace ‘nung mga oras na ‘yun.
Sweet na sweet na sumasabay sa musika.
Habang ako ay tahimik na nakamasid sa ‘di kalayuan na mesa.
Nakailang lagok na ako ng tequila kung kaya’t ramdam ko nadin ang tama ‘nun sa’kin. ‘Maya lang ay nakita kong naupo si Solenn at mukhang nagpaalam saglit si Hace.
‘Dun ko siya sinundan.
I followed him hanggang sa madilim na bahagi ng bar.
Mukhang may tatawagan siya sapagka’t dinukot niya ‘yung cellphone niya sa bulsa.
Lasing ako pero hindi pa gaanu.
Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod.
Halatang nagulat siya at agad na lumingon.
“Hace, I love you.”
Sambit ko sabay yakap sa kan’ya.
“Yna anu ba? Stop it!”
Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko na nakapulupot sa leeg niya.
“Shit! Yna get off me!!”
Sabay tulak sa’kin dahilan ng napaupo ako sa sahig.
Sabay ‘nun ang pag-alis niya.
END OF FLASHBACK
I smiled bitterly.
Ga’nun siya ka allergic sa’kin.
Para bang may isang malubhang sakit ako na hindi p’wedeng dumikit sa kan’ya. Pero kabaliktaran ‘nun,
His presence is my happiness.
His smile is my strength.
And he, himself is my world.
But I?
I maybe a nightmare to him.
I maybe a trash that’s need to dispose.
I am nothing, but a piece of shit to his life.
Who doesn’t deserve to love and be loved.
Sobrang bigat sa pakiramdam.
Na anu’mang oras ay sasabog na sa sakit.
Ang laki na nang ‘pinagbago ko.
Lalo na ng hitsura kong napapabayaan na.
Wala na ‘yung dating Yna na malakas ang loob.
Yung dating Yna na magagandang damit ang suot kahit pa pinapagalitan lang palagi ng mga magulang dahil sa pangungutang ng pambili ng damit.
Napalitan ‘yun ng isang
Mahina at ni hindi makapag bihis nang maayos.
Paanu ba naman ako makapagbihis nang maayos sa sobrang dami ng gawaing bahay.
Pinaalis ni Hace ang dalawang kasambahay nila para lang ako ang sumalo lahat ng gawaing bahay. Sinadya niyang pahirapan ako para makaganti.
Kung iniisip niyang susuko ako dahil lang sa sakit at pagod na binibigay niya sa’kin, Nagkakamali siya.
I’ll try my very best para kayanin lahat.
I know na darating ang panahon na mapapagod ‘din siya.
At hihintayin ko ang araw na ‘yun.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at lumabas na ng bathroom. I still have so many things to do.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.