0

SELLina CHAPTER 10


Report

SELLina🌺
🌺CHAPTER 10🌺
“goodmorning princess,how’s sleep huh?”kakalabas lamang ng mansyon ni Mira ng umagang iyon..
Napakaganda ng kanyang pakiramdam at maging ang gising nito..
Kaya habang naglalakad patungo sa garden..
Mahahalata sa mukha ng dalaga ang kasiyahan..
“Verry fine pa!goodmorning papa!”
“Mukhang verry good nga ang gising mo ah!”
“Yes obcourse lalo nat may date kami mamaya ni Demon!”sabay ngite nito
“Wow!nagkabalikan naba kayo?”
“Not yet pa!pero darating din kami sa bagay nayan..ang mahalaga ngayon ,ay okay na kami!”
“Masaya ako para sayo anak!”tumayo ang ginuo
“I have to go princess may meeting ako ngayong umaga at kailangan kunang umalis.goodluck sa date ninyo anak..”ganito ang papa nya,para lang silang magbarkada..mabait ang papa nya,may mga charity panga itong tinutulongan..may mga programs para sa mga mahihirap..
Mapagkawang gawa kong sa iba pa..
“Okay pa,takecare..aalis narin ako maya maya..tumawag kasi si steff na may bagong fassion contest daw nagaganapin this month at kailangan kong makausap ang organizer niyong event..
“Yeah thats good anak,para mas makilala ang mga design mo at ang bago nating mga design…
..tumalikod na ang papa nya kaya naiwan sya sa kubo habang nakaupo..
10am pa naman ang appointment nya kaya kahit hindi sya magmadali okay lang..
Kinuha ang cellphone sa table na nasa harap at nagtext;
TEXT MESSAGE TO DEMON
“Goodmorning babe!dont forget your brakefast..”
……
……
….
…..
Ngunit ilang minuto na hindi parin ito nagrereply..kaya nagtext syang muli
TEXT MESSAGE TO DEMON;
“babe?anung uras mo ako susunduin,remember may date tayo!!iloveyou”
…..
….
…..
….ngunit wala paring reply kaya minabuti nyang tawagan ito..
DIALLING DEMON..
“Ring!”
“Ring!”..
Ilang saglit lang sinagot naman ng tao sa kabilang linya ang tawag..kaya napangite ang dalaga at sinagot agad ang tawag..
“Hello babe?goodmorning!”
“Mira!im busy right now ..
“Babe!diba may date tayo mamaya??sunduin mo ako please??”
“Mira,i said im busy okay!marami akong ginagawa at wala akong uras para makipag date..!”
“Tot!”
“Tot!”
“Tot!!”
Iyon ang huling narinig ng babae dahil pinatay ng binata ang tawag..
Kaya dahil sa galit naibato nito ang cellphone sa labas ng kubo..
“Drake!may nakuha kabang impormasyon?”nasa kompanya sya ngayon,kausap nya sa cellphone ang tauhan nito..
“Sir!wala po akong nakalap na impormasyon at walang bakas akong nakita sa ibang establishment na may dumaang babae sa mga lugar na iyon noong araw na umalis si maam,hindi po nakita sa mga cctv ng lugar
,pero sisikapin ko pong makahanap sir!”
“Gawin mo ang lahat drake para makita sya!”
“Yes po sir!”
Agad nyang pinatay ang tawag..at bumaling ito sa computer na nasa harap lamang nya..
Hinahanap nito ang account ni Sellina kung meron man..kailangan nyang kumilos upang makita ang asawa..
Sa lalong madaling panahon..
Dahil maliban sakanya hinahanap din ito ng mga kalaban nya sa mapia..
FLASHBACK ..
nasa kwarto si demon ng gabing iyon..
Kakalabas lamang nya ng cr.dahil naligo ito,kararating lamang nya
Buong araw kasi nitong hinanap ang asawa..
Ng biglang mag ring ang cellphone.na nasa kama,dinampot nya at tiningnan kong sino ang caller..
UNKNOWN CALLING..
kahit hindi alam kung sino iyon,sunagot nya parin ang tawag..
“Hi!Demon,how are you?ang alam ko nilayasan ka ng asawa mo?”narinig nya pang humalakhak ang nasa kabilang linya..
“Alejandro!maging ang asawa ko kilala mona ngayon?”seryuso nyang sagot
“Lahat ng tungkol sayo ay alam ko Demon,ganon kita binabantayan..
Wag kang mg alala kapag nakita ko si Sellina,iakakamusta nalang kita!bayeeee!!”
“Tot!”
“Tot!”
Iyon lang ang huli nyang narinig kaya pabagsak nitong inilapag ang cellphone sa kama..
Naikuyom nito ang mga kamao..
Habang Galit na galit ang mukha
“Hayop ka alejandro!wag mong gagalawin kong ano ang akin dahil kahit ang empyerno ay bibisitahin ko mapatay kalang!!!”bulong nito sa kawalan..
END OF FLASHBACK..
si alejandro ang kalaban nito sa mapia world..ito ang laging pumapangalawa sakanya sa lahat..
Maging sa negosyo ay kakumpitensya nya rin ito..
Nagpapatakbo rin ito ng mga eligal na pasugalan at mga establishment sa buong bansa..
Magkasing edad lang din silang dalawa..
Galit nagalit ito sakanya dahil sya ang sinisisi nito kung bakit namatay sa ambush ang pamilya ng lalaki..
Oo,magkasama sila noon sa mapia..ngunit ng mangyari ang ambush sa pamilya ni alejandro..tumiwalag ito at nag iba ng landas..
Isa kasi si Demon sa mga tumulong sa pamilya nya ngunit hindi ito nasagip ng binata dahil biglang sumabog ang van na sinasakyan ng pamilya ni alejandro..
Kaya mula noon naisumpa nya si Demon..
END OF FLASHBACK..
habang abala s computer ang binata..bigla namang bumukas ang pinto ng opisina nito..
“Sir!!excuse me po..!”secretary nyang si luisa,pormal itong manamit at may salamin..may katandaan narin dahil 42 na ito.ayaw nyang palitan dahil magaling sa trabaho ang babae..
Natigil sya sa ginagawa
“What is it??tanong nito habang ang mata ay nasa computer parin
“Kanina pa po tumatawag si maam Mira,hindi nyo raw po sinasagot an….
“Get out luisa,kung hindi importante wag mo akong abalahin,!”bulyaw nito
“Yes sir!right now sir!”patakbong lumabas ang ginang at marahang isinara ang pinto..
“F*ck!”hinampas nito ang keyboard at tumayo..
Wala manlang kasing kahit na anung detalye ang makikita doon tungkol sa asawa…
“Sellina,nasaan kanaba?”isip nito
Hahanapin nya ang babae kahit abutin pa sya ng buwan at taon..
Kasalanan nya ang lahat!
At pinagsisisihan nya itong lahat..
Itatama nya ang mga pagkakamali,magpakita lang ang asawa!!!
“Sellina!sigurado kabang ayaw mong magpasama?”alalang tanong ni Melodia..pupunta kasi ng hospital si Sellina dahil may mga nararamdaman itong kakaiba,
Inisip nya baka kung may sakit o cancer na sya..
Kailangan nyang magpatingin upang makasigurado kung anu nga ba ang ibig sabihin ng mga nararamdaman nyang pagsusuka at pagkahilo tuwing umaga…
“Oo naman,ayoko ng maka abala pa sayo,alam kong may pasok kapa mamaya,matulog kana lang dito.”ngiteng sagot ng dalga..
“Basta ha!mag iingat ka..alam mo namang maraming hayop ngayon!isa na ang peke mong asawa daw..pag iyan talaga nakita ko puputulan ko talaga yan ng kaligayahan…!”natawa naman si Sellina dahil sa birong iyon ng kaibigan..
“Oo na,mag iingat ako.nakasalamin at sumbrero naman ako.
Siguro ayos na itong disguise?”
“Oo okay pa sa olrayt yan..ako ang may gawa eeh!”
“Ingat ka ha?ito kunin mo….
Inabot ni Mel ang cellphone na de keypad..
“Para saan?”
“Baka sakaling magka problema ka,tawagan mo ako agad.may load nayan at number ko.binili ko yan kahapon sa mall ng papunta ako sa bar..
“Nag abala kapa talaga!dagdag gastos lang to sayo eh!”
“Asus!350lang yan..kung maka dagdag gastos ka naman diyan..para saan pat bestfriend for life mo ako no…
Napangite si Sellina at tinanggap iyon..
“Papalitan ko lahat ng naitulong mo Mel..kapag nagka trabaho na ako!”
“Hala?hindi yan pautang baliw,umalis kananga..baka matagalan kapa sa hospital eeh!”
“Sige!bayeeee..
Lumabas na si sellina ..at isinara ang pinto..minsan lang talaga tayo makakatagpo ng mabuting kaibigan..
At isa na sya doon ..
Naglakad ito patungong sakayan ng tricycle..isang sakay lang naman nasa hospital na sya..
“Miss,saan ka?”ani matandang driver ng tricycle..
“Sa hospital po manung!”
“Sige dito ka!”,itinuro nya ang tricycle na may apat na laman..naupo ito sa likod na bahagi..
“Aalis na tayo!”saad ng driver…
May kense minutos din ang byahe..habang nasa daan ..may katabi itong dalawang lalaki..mukhang estudyante dahil naka uniform ng tshirt na puti at pantalon..may dala silang bag..panay ang titig ng dalawa sa babaeng kasakay..
Pero binalewala lamang ni Sellina dahil di...


naman sya makikilala agad dahil sa suot nito..
“Manung dito lang hu!”para nya
Tumigil ang tricycle at agad naman itong nagbayad..
Isinuot nito ang sling bag at bumababa ng sasakyan…
“Thank you po!”pahabol nito
Diretso sya sa nurse station at nagtanong kong saan pwedeng magpa check up..
Tinanong ito kung bakit?at anu ang sakit at nararamdaman..
Edenitalye naman nya ang lahat kaya nagulat ito ng sabihin sakanyang dumiritso sa OBgyne..
Itinuro pa ng nurse kung saan ang opisina o clinic ng tinutukoy nito..
Agad naman syang sumunod at nakita nya nga iyon.ay iilang mga buntis na nakaupo kaya naupo rin ito sa tabi ng iba..
Nagtataka man ,naghintay parin ito..
At maya maya lumabas ang isang nurse at lumapit sakanya..
Tinanong kong
anu ang pangalan nya
Kelan nya pa mraramdaman ang masuka at mahilo
At kung kelan ang huling dalaw nito..
Napatakip sya ng bibig ng mapagtantong hindi pa pala sya dinadatnan sa dalawang buwang lumayas sya sa bahay ng asawa nyang demon-yo ang ugali..
Napaluha ito dahil mukhang alam na nya kung bakit sa OB sya pinapunta..
Dahil buntis sya!!!!
“Miss maghintay lang po kayo,tatawagin po ang inyong pangalan at tsaka lang kayo papasok sa loob!”turo ng nurse sa clinic sa tapat nila
‘okay,thank you!”nagpunas sya ng mata..dahil nanlalabo na ito dahilan ng luha nyang kusang tumutulo..
“Miss?okay kalang ba?”katabi nyang buntis ang nagtanong..may kasama itong lalaki mukhang asawa nya..
“Okay lang po!”nayuko si sellina
“Miss kung anu man ang problema at pinagdadaanan mo,sana ipagpatuloy mo ang ipinagbubuntis mo dahil ang baby ay biyaya kahit saan at sa anung dahilan pa ito nabuo..magpakatatag lang lagi at lakasan ang loob.ang baby ay pag asa at biyaya ng diyos.!”turan ng babae..napaiyak na lamang sya dahil sa sinabing iyon ng katabi..
“Salamat !”pabulong nitong sagot..
“Mrs.Beltran??”tumayo ang katabi nito kasama ang asawa siguro at sabay silang pumasok ng silid na iyon..
MAbuti pa sya may asawa,samantalang sya nag iisa lang at ni walang alam kung hinahanap naman ba sya ng rapist nyang asawa asawahan…nayuko ito at muling bumuhos ang masaganang mga luha..
“Heto ohhh!”napaangat sya ng mukha ng may mag abot ng panyo sakanya at nakatayo iyon sakanyang harapan ..
“Salamat!”
Ng mapunasan ang mga luha,tumingin ito sa nagbigay sakanya ng panyo..
“Hi?ako si Ashton!”ngiteng bati ng binata,
Matangkad,matipuno ang katawan at gwapo ito,mistiso at may kukunting balbas ang naligaw sa ibabang pisngi..nakasuot iyon ng whitegown para syang ..
“Ako ang doctor dito sa clinic”ngite parin ito..
“Ikaw ba si Sellina?”
“O-o,ako nga!”
“Come,follow me,!”hinawakan nya si sellina sa braso at inilalayan patayo..
Napaka swerte siguro nya kung ganito ang naging asawa nya ..laging nangite at may pakealam sakanya..
“Come in!”pinagbuksan nya pa ng pinto ang dalaga at ipinaghila ng upuan..
“Set down miss Sellina!”
“Thank you!”pabulong nitong sagot
“Titingnan lang natin kung anu ang saktong edad ng baby mo ha!”panimula ng doctor..
Mabilis lang ang ginawang pagcheck sa baby pinahiga sya sa hospital bed ..at ng malaman ang lahat,muli syang pinaupo..at nagsalita..
“Miss Sellina,nasaan si mr?”ngiteng tanong nito
Nayuko lang ang dalaga at di manlang sumagot..
“I see!”hindi na sya ng usisa pa dahil baka sabihing chismoso sya at di na doctor
“Bibigyan kita ng mga vitamins na dapat mong inumin..
Kailangan ito para maging healthy ang baby paglabas,lumakas at tumibay ang buto..
Kailangan moring kumain ng prutas,gulay at gatas para sa buntis..,next month ang balik mo dito miss!”
Nag aalangan pa sya kung tatanggapin ba angga resita..
“Pwede kitang samahan upang bumili kung nahihiya ka,ganito talaga kapag bagong momy..
Kung nasaan man ang asawa mo o kung anu man ang nangyari..sana hindi ka nya pinabayaan..”pabulong ang mga huling salita nito..
Ngunit wala manlang sagot na maririnig sa dalaga.nayuko lang ito at muling tumulo ang mga luha…
“Sa-sa-la-mat doc!pe-ro kaya kona hu,si-ge hu salamat muli..’tumalikod si Sellina at mabilis na umalis sa lugar na iyon..
Anu na ang gagawin nya?
Paano sya makakapagtrabaho kung buntis sya..
At sa hayop pang lalaking iyon…
Nakalabas n sya ng hospital.habang hawak hawak ang resita..
Hanggang ngayon hindi parin sya makapaniwalang nagbunga ang isang beses na kahayupan ni Demon..
Hindi sya sigurado kong itutuloy ba nya ang pagbubuntis dahil paano na sya kapag natuloy ito?
Paano sya makakapag hanap ng trabaho?
Hindi naman habang buhay umasa na lamang sya sa kaibigan
..
Nakasakay na ito ng tricycle at iyon parin ang laman ng kanyang isipan..
Paano kung ipalaglag na lamang nya ang bata?
Mas mabuti iyon para wala na syang isiping iba maliban sa sarili..
Habang nag iisip..
Panay lang ang takbo ng tricycle na kanyang sinasakyan..nasa frontseat ito at may matandang katabi..
Ng biglang….
Nagpagiwang giwang ang sasakyan..
At halos matumba na dahil sa pagliko nito ng biglaan..
‘manung! mababangga tayo!!!!manung lumiko ka!!!!!”sigaw ni sellina habang panay ang dalangin na sanay hindi mabangga sa puste ang tricycle na minamaniho ng lalaki..
Halos mawalan sya ng ulirat ng kunting kunti na lamang at sasalpok na ang sinasakyan nito..kung hindi nakapag prino ang driver baka patay na silang dalawa ng matanda..
“Nay ayos kalang po ba?”
“Ito po uminum ka po muna?”
Nakita nyang nakatulala na ang matanda at habol ang hininga..may hawak syang mineral water kaya ibinigay na lamang nya iyon sa matanda..
Wala pa namang bawas iyon kaya walang problema..
Mayat maya nahimasmasan na silang pareho!
“Ayos lang kayo?”bumaba ang driver at tumingin sa dalawang pasahero..
“Anu hung nangyari manung?”
Hindi ko sinasadya..nakalimutan ko kasing may manhole sa unahan natin kanina ..
At muntik na tayong mahulog..kinabig ko ang manebela para di tayo madisgrasya at hindi ko napansing may pusa kaya kamuntikan na tayong nabangga.
“Bakit kasi hindi ka nag iingat !”ang matanda iyon habang nagpupunas ng pawis
“,Nay,wala kasing sign yong manhole mukhang may kumuha,kanina naman meron yun pero ngayon wala na!pasensya na kayo!libre nalang po wag na kayong magbayad!”
“Kapag namatay kami?libre parin ha?dagukan kita riyan eh!”
Habang nagtatalo ang dalawa..
Hindi parin makaget over ang dalaga na kamuntikan na silang mamatay..isang dangkal nalang..talaga at sa murge na sya kukunin ng kaibigan.
Kaya naisip nyang ituloy na lamang ang pagbubuntis..
Siguro sign iyon ni god!at ipinakita lamang sakanya kung anu ang pakiramdam ng nasa bingit ang kamatayan…
Malapit nalamang ang apartment sa binabaan nito kaya minabuti nyang maglakad na lamang…
May sampong minuto rin siguro iyon..
Pagdating nya..
Binuksan nito ang pinto at nakita nyang nakaupo ang kaibigan habang nanunuod ng tv sa sala..
“,Sellina dear..dyan kana pala!oh anu kamusta ang check up?anu daw?may sakit kaba?anu ha??”lumapit ito at panay ang tanong..
Huminga ng maluwag si sellina at nagsalita
“Buntis ako!”
“Ah,buntis kalang pala eh..
Natigil ito ng sandali
“Annnnnnnnuuuuuuu??????buntis kaaaaa???”hiyaw nito sa subrang gulat..
“Di nga??buntisssss ka talaga??????”hiyaw muli ng kaibigan.
“,Oo,!”maikling tugon nito habang isinalampak ang pagud ns katawan sa sofa
“Mel kailangan ko ng pera…pero paano ako makakapag trabaho kung buntis ako??”mangiyak ngiyak na sya
“Ako ang bahala sayo!”
“,Hindi pwede may pamilya karin sa probinsyang sayo lang din umaasa!”
Sandaling nag isip si Melodia..
“Alam kona!!”
“Anu???”
“,Diba magaling kang kumanta?”
“Midyo lang?”mahina nyang sagot
“Magaling ka kaya..lagi kangang champion noon sa mga contest sa school eeh!”
“Ehh anu naman ngayon?”
“Kumanta ka sa bar na pinagtatrabahuhan ko Sel..”masayang turan nito
Kaya napabuga si Sellina ng tubig na ininum nya..
“Anuuuuu????”


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.