0

SEDUCE THE LAST HEIR MONTEMAYOR EPISODE 2


Report

” Teodola! Teodola!” humahangos ang matandang lalaki patungo sa Asawa.
“Oh, ano ka ba naman Juanito.. Magdahan-dahan ka nga sa paglalakad mo mamaya ay madulas ka. ” nangangaral ang matandang babae.
“Si Amari, napansin mo ba? Wala sya sa kwarto nya. ” nangangambang anang matandang lalake.
“Baka naglakad-lakad lamang iyon dyan sa Dagat, alam mo naman ang batang iyon. ”
“May naglalakad ba namang dala ang lahat ng gamit? Nasisiguro kong lumayas na iyon dahil sa sinabi ko kahapon. ”
“o’e ano ba ang sinabi mo? ” huminto si Teodola sa pagpupunas ng mga babasaging baso.
“Nabanggit ko na ngayon ang dating ng Senyor.”
“Talagang malaki ang Siklat mo sa ulo hano? Alam mo naman na naglayas ang batang iyon mula sa korea dahil sa nangyari kay Cannarie tapos binanggit mo pa iyon malamang na maglayas na naman iyon! O Dyos ko patawarin mo po ang Asawa ko… Kaawa-awang Amari, Saan naman kaya manunuluyan iyon? ”
Samantala~
“Amari? Amaaaariiii! ” tiling ani Kira nang matanaw ang kaibigan sa labas ng Dorm nito. ” ano? Ano ang sa’tin? ”
Napangiwi si Amari, “wala nga eh. Makikituloy muna sana ko? ”
“pasok ka, dali.. ” inikot ni Amari ang Mata nya sa bahay na inuupahan ni Kira, malaki ito at tyak na kasya naman silang dalawa. ” Bakit ka Napasyal? ” curious na tanong ng kaibigan sa kanya.
“Balak kong…….mag Aral? ” nakataas ang kilay na ani Amari.
Pero napangiwi si Kira, “sa Sinabi mo ay parang hindi ka naman seryoso, pero sige.. Dahil alam kong nagsisingungaling ka at alam kong naglayas ka ay bibigyan kita ng Tip.. Kalahati lang ng tuition fee ang babayaran mo kapag naging Varsity or troupe ka sa University na pinapasukan ko.”
“Talaga? “nakangising ani Amari. “what are we Waiting for? Let’s go then.” ito pa ang kusang humila sa kaibigan papunta kung saan ang paaralang iyon tutal ay nakabihis naman na ito ng uniporme.
“Paano mo nga pala nahanap ang to?” patungkol ni Kira sa Probinsya dahilan para matigilan sandali si Amari.
“Let me say na…. May mga kakilala ko. ” simpleng sagot nito, ” may natira pa naman na pera sa ATM ko kaso balak kong bumili ng sasakyan para di nako makisabay sa’yo.”
“hmm ikaw bahala. ”
“nakikita ko yung mga post mo, akala ko baliw kana. ” pang aasar ni Amari.
“Baka pag nakita mo yung Crush ko mabaliw ka. ” sarkastikong ani Kira ” ahhyt! Tomboy ka nga pala. ” ngiwing anito.
“Woiii! Foul yun ah. ” nang gagalaiting ani Amari dahilan para pagtawanan sya ng kaibigan.
“Sa Dean office ka muna pumunta tapos tsaka na tayo magkita okay? ” bilin ni Kira nang makarating sila sa Unibersidad.
Nakapamulsa si Amari habang nilalakad ang Quadrangle nang matanaw nya ang Kumpulan ng kababaihan.
“Baby ako yung sinagot mo kanina ah. ” maktol ng isang babae.
“Huh? Ganun ba e di break na tayo. ” natatawang saad ni Storm.
“Ahhhy kainis ka naman eh. ” tsaka padarag na naglakad ito palayo.
“Ako Honey? Tayo na ba? ”
“Oo kaso break na din tayo hahaha ayoko na sayo ampangit mo kasi e. ”
“Huh? How dare you. “mangiyak-ngiyak na anang babae
Huminto si Storm sa pakikipag usap nang matanaw nya si Amari na naglalakad.
“sandali lang. ” paalam pa nya.
“san ka pupunta! ”
“wag mo kaming iwan!”
“hala sino yung hinabol nya. ”
“Hey? “tawag pansin nya kay Amari ” parang kilala kita?” anito pero kahit pag lingon ay hindi...


sya nilingon ni Amari. “what are you doing here huh? ” tanong nya na naman sa dalaga pero hindi parin sya nito kinausap. ” Sinusundan mo’ko? ” nakataas ang kilay ni Storm animo’y siguradong-sigurado sa sinabi.
“Pwede ba? Make a distace weren’t close, pangalawa..hindi kita kilala, pangatlo hindi ako Aso para maghabol ng Buto.” matalim syang tinignan sandali ni Amari tsaka siniringan.
“Hoy! Nakakarami kana ah! ” hindi na naiwasang mapasigaw ni Storm sa paraan kung paano sya kausapin ng dalaga. ” talaga bang sinusubukan mo’ko? ” nakuha na nila ang buong atensyon ng lahat. ” Ako ang Campus Crush slash Campus King dito at salita ko ang Batas.”
“sa tatlong bagay na sinabi ko wala akong natatandaang may Pakialam ako. Nakauniform ka at Eskwelahan ito ako naman ay Estudyanteng tulad mo.. Malamang talagang magkita tayo pero yung sinundan na sinasabi mo? Baliw ka ba? “walang emosyong ani Amari tsaka nilagpasan si Storm
Napapikit ng mariin si Storm sa sobrang inis pati na ang dalawang kamay nya ay naitikom nya.
“nakita nyo ba yun? Kung paano nya kausapin ang Campus king! ”
“wala syang manners!”
“oo nga! Magbabayad sya! ”
Tahimik na tinahak ni Amari ang Dean ‘s Office at nakipag usap.
“KIM AMARRI SNOW? may lahi kayong Korean? ”
“a- O-Oo. ” nag aalangang sagot ni Amari.
“Ehem. ” kunwari ay nasamid si Dean sa paraan kung paano sya kausapin nito
“I m-mean o-Oho.” pagtatama ni Amari sa Sagot.
“So, tamang-tama ang dating mo wala kasing Vocalist ang Banda ng University pipirmahan ko na ito huh, tumungo ka na lang sa second floor nandon ang mga magsasabi kung pasok ba sa kanila ang Boses mo. ”
Hindi na sumagot pa si Amari sa Halip ay tumango na lamang ito, tulad ng sinabi ni Dean ay tumungo sya sa second floor kung saan naroon ang Apat na judgest kabilang si STORM REIN pero kahit kaunting kaba ay hindi manlang nakaramdam si Amari palibhasa ay Singer ito ng sarili nyang Barr sa Palawan.
Kinuha nya ang Gitara na naroon sa gilid tsaka sya naupo sa high chair, Nang magsimula syang mag strum ng Gitara ay naging tutok ang tatlong pares ng mata sa kanya lalo na si Storm.
I’d never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
‘Til you open the door
There’s so much more
I’d never seen it before
Dahil sa lamig at linis ng boses ni Amari kiramdam ni Storm ay bumalik ang ala-ala nang una nilang pagkikita, kung paano sya nito tinamaan ng tsinelas.
I was trying to fly but I couldn’t find wings
But you came along and you changed everything
Nakapikit si Amari habang nag i-strum ng gitara.
You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I’m falling and I am lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier
“Stoooop! ” putol ni Storm nang hindi na nya makayanan. Lahat sila ay nakatanaw sa kanya. ” i don’t like your Voice! ” naiinis na ani Storm.
Tumaas ang kilay ni Amari, paraan ba’to ng pag ganti mo? Unfair ka kung ganon. Iyon ang nasa isip nya ngunit mas pinili nyang manahimik.
“Bakit? What’s wrong? Malinis ang boses nya.” kontra ng isang lalaki.
“yes, she’s right para sa’kin ay pasok si Miss Amari bilang Vocal ng Banda. “anang isa pa.
“Kung ganon pasok na ba’ko? ” nakangising ani Amari kay Storm.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.