0

SEDUCE THE LAST HEIR MONTEMAYOR EPISODE 1


Report

Habang palapit nang palapit si Amari sa Puntod kung saan naroon ang Kapatid na si Cannarie ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam nya tila ba may batong nakapatong sa dibdib nya, handa na sanang tumulo ang luha nya ngunit kusang huminto iyon nang makita nyang naroon ang pamilyar na babae, ” Do i Met you Before? “walang emosyong ani Amari.
“Sino ka? ” inosenteng tanong ng babae na naroon sa puntod ng kapatid nya.
” Do i have to introduce my self with a Stranger? ”
Bagaman sarkastika ang bitiw nya sa linya ay wala syang nakuhang sagot sa babae.
“Ikaw ang kapatid nya? Ako yung dino-nate’an ng puso nya. ”
Para kay Amari ay malaking insulto iyon, pakiramdam nya kasi ay ipinagmamalaki ng babae na sa kanya napunta ang puso ng kapatid kahit pa hindi ito ang pakay nito.
Ayaw nyang madala sa bugso ng damdamin nya kaya’t pinakawalan nya ang buntong hininga nya tsaka namulsa. “Punuin mo ng masasayang ala-ala ang puso ng kapatid ko, at kung pwede.. Hwag mong hahayaang magtanim iyan ng poot at Galit. ” aniya tsaka naglakad palayo, balak nya sanang magdrama pero nasira ang plano nya dahil sa babaeng iyon wala syang nagawa kundi tumungo sa dagat at maglibang.
Kinuha nya ang Jetskie na pagmamay-ari nila at dinrive ito sa dagat ng walang suot na lifevest,ang lungkot na nadarama nya kanina ay binaling nya sa jetskie na sakay nya.
Naging mabilis… hindi… napaka Bilis ng pag da-drive nya dito halos tumatalon-talon na nga ang katawan nya sa upuan dahil sa alon na sumasalpok sa ilalim, ipinikit nya sandali ng mariin ang mata nya nang muling bumalik ang ala-ala kung paano nabaril anf kapatid nya pero napadilat din sya nang may magsalita sa tabi nya.
“Ohh… Dreaming in the middle of this Beautiful Ocean?Ano yun bagong pakulo? ” ito ang binatang tinamaan nya ng tsinelas sa ulo kanina lamang. ” Hoy Tomboy ka ba? ” muling anito nang...


hindi sya pansinin ni Amari.
Baka ikaw ang pauso? Sa paanong paraan mo nasabi na tomboy ako? Nasabi ni Amari sa Sarili.
“Mag dahan-dahan ka sa pagmamaneho mo, bahala ka baka habulin ka ng pating dyan.” pananakot ni Storm pero nginisihan lang sya ni Amari.
“Kung may Hahabulin man ng Pating dito ikaw yun at hindi ako.”
“a-ano.. ” nauutal na ani Storm, hindi nya kasi mahulaan kung ano ang ibig sabihin ni Amari sa sinabi.
“Kasi Mas mukha kang kalahi nila, diba Shokoy ka? ” nakataas ang kilay na Ani Amari tsaka lalong binilisan ang pagpapatkbo sa jetskie.
“A-ano? A-ako… S-shokoy? ” hindi makalaniwalang ani Storm ito na naman kasi ang kauna-unahang babae na lumait sa kanya.
“Dinalaw mo na naman si Cannarie? ” bungad ni Manong nang makabalik sya.
“Sana, kaso nagkita kami nung babae na pinagbigyan nya ng Puso kung magtatagal ako na kasama iyon ay baka mabawi ko lang.”
Natawa si Manong sa birong iyon ni Amari ngunit naroon din ang takot na baka gawin nga iyon nito. ” Nga pala, bukas ay maghanda ka. ”
“Para san?” tanong nito tsaka tumungo sa kusina para kumuha ng isang bote ng Beer.
“Dadating ang lolo mo.”
Sandaling natigilan si Amari sa pagbukas ng Alak nang marinig iyon pero muli syang nagpatuloy ” bakit? Ngayon lang ba nila nalaman na wala ako don?” kaswal na tanong nya.
“Ija…baka nag aalala na sila sa iyo.”
“Hahaha tignan mo nga, maski ikaw ay hindi mo alam kung tama ba ang hinala mo, tsk ayoko silang makita.” aniya tsaka tinungga ang alak at naglakad palabas
Kinuha nya ang phone nya tsaka nagbukas ng Data,
*Ting!
isang mensahe mula sa kaibigan nya.
“Amari! Hindi ka pa din ba mag aaral? Na mimiss na kita! ”
Iyon ang mensahe mula kay Kira na nasa probinsya ng Buena Costa, tuloy ay pumasok ang panibagong ideya sa isip nya dahilan para mapangisi sya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.