0

SECOND CHANCE Chapter 3


Report

AUTHOR MISS . MYLEN GAAN
🥰🥰🥰🥰🥰SECOND CHANCE 🥰🥰🥰🥰
””””’🥰🥰 UNTIL MY LAST BREATH 🥰🥰
Ano nang balita SA pinapahanap ko ? Nahanap niyo naba SI Sandra ? Tanong Ni Don Robert Kay Bugart Isang umaga habang nag kakape Ang Don.
Wala pong balita Don kahit anong hanap PO namin Hindi namin siya mahanap.
Kung ganun pumunta Kayo SA Manila at Doon niyo siya hanapin. May kalakasan na Ang boses na utos Ng Don.
Daddy Sino PO Ang pinahahanap niyo? Tanong Ni mark SA ama.saktong pababa Kasi Ito Ng hagdan Ng marinig niya Ang malakas na boses Ng ama.
Ah , eh… Wala hijo . Sagot Ng Don tiningnan niya Ang anak at pinakiramdaman Ito .
Ah okay PO daddy punta Lang PO ako SA kusina pag papaalam nito.
Sige hijo .
Tumalikod na SI Mark Hindi para pumunta SA kusina umikot lamang siya at nakinig SA pinag uusapan Ng kanyang ama at Ng kanang kamay nito. Hinala niya Kasi na SI Sandra Ang pinahahanap Ng kanyang ama.
Ngunit hanggang SA matapos na lamang sa pagkakape Ang Don at makaalis na SI bugart ay Hindi na niya narinig pang pinag usapan Ng dalawa Ang tungkol SA paksa Ng mga Ito kanina.
Kailangan Kung malaman Kung Sino Ang taong pinahahanap Ni daddy . May hinala akong SI Sandra Ito. Bulong SA isipan Ni Mark.
Hoy! Cassie oras na ano pang hinihiga higa mo diyan . Panggigising Ni Realyn Kay Cassie. SI Realyn ay pinsan Ni Lourdes .taga romblon din Ito. Ngunit malayong malayo SA ugaling meron SI Lourdes. SI Realyn ay may ugaling pagka inggitera . Ambisyosa at sumbongera
Hmmp bakit? Matamlay na tanong Ni Cassie .
Anong bakit anong oras na, Hindi mo ba nakikita Ang liwanag Ng sikat Ng araw .tapos ikaw pahiga higa Lang. Bumangon kana baka gising na Yong alaga mo.
Kasama Ni ma’am maritess Ang Kambal Sabi niya dadalhin nalang niya dito SI baby Joy. At Isa pa masama Ang pakiramdam ko Kaya hanggang ngayon nakahiga pa ako.
Masama Ang pakiramdam .. asus lumang alibi na Yan. Ang sabihin mo umiral na Naman pagiging tamad mo wika Ni Realyn na akala mo ay amo Ito Kung umasta.
Hindi ah . Talagang masama Ang pakiramdam ko wika pa Ni Cassie.
Bahala ka nga diyan. Dinampot pa Ni Realyn Ang Isang unan tsaka ibinato Kay Cassie na nakahiga.
Umiling iling nalang si Cassie . Hinayaan na lamang Ang pinakitang kagaspangan Ng ugali Ni Realyn.
Good morning PO ma’am maritess
Nakangiting bati Ni Realyn Kay maritess Ng Makita itong kalalabas lamang Ng silid Ang among babae.
Good morning too Realyn. SI Cassie nakita mo ba?
SI Cassie PO. NASA kwarto PO nakahilata pa . Niyaya ko NGA pong tumayo na at baka gising na Ang mga alaga namin. Sagot niya PO tinatamad raw PO siyang bumangon. Eh mukha pong may tinatagong katamaran SA katawan SI Cassie ma’am eh. Yan ay SA tingin ko lamang PO SA kanya ma’am.
Ganoon ba. Tulog pa naman Ang kambal Kaya okay Lang na nakahiga pa SI Cassie sige na Realyn mag almusal kana SA kusina baka Kasi gising na SI baby Ismael. Wika Ni Maritess. SI Realyn Kasi Ang taga pag alaga Ni baby Ismael. SI Cassie Naman.kay baby Joy at SI Irish Ang Kay baby Anne.
Pagkatalikod Ni Realyn ay tinungo Ni Cassie Ang kwarto Ng mga katulong . Hindi Kasi siya naniniwala SA sinasabi Ni Realyn tungkol Kay Cassie. Pagdating SA harap Ng pintuan Ng silid Ng mga katulong ay kumatok siya. Magkakasama pa Kasi Ang tatlong Yaya dahil Hindi pa tapos Ang pinagagawa nilang additional room para SA mga Ito.
Tok….tok…..tok……
Tuloi PO bukas Yan. Narinig ni Maritess Mula SA loob . Alam niyang boses yon Ni Cassie per bakit parang Ang tamlay.
Ma’am good morning PO. Ikaw PO pala. Wika Ni Cassie na napaupo pa Mula SA pagkakahiga.
Okay ka Lang ba ? Nasabi Kasi Ni Realyn na Hindi Ka pa raw tumatayo Kaya nag alala ako sayo . Kasi Alam ko na maaga ka...


naman gumigising.
Okay Lang PO ako ma’am. Medyo masama Lang PO Ang pakiramdam ko.
Lumapit SI maritess SA tabi Ni Cassie at idinampi Ang palad SA noo nito.
Cassie. Inaapoy ka Ng lagnat tapos sasabihin mong medyo masama Lang Ang pakiramdam mo. Sandali diyan ka Lang huwag Kang tatayo. Ipagkukuha Kita Ng makakain at gamot..
Ma’am huwag na PO Kaya ko pa naman PO.
No, you need to take a rest . Baka mamaya lumala pa Yan. .
Hindi na pinansin pa Ni maritess Ang pagtutol Ni Cassie . Iniwan na niya Ito para kumuha Ng makakain at gamot.
Irish dalhin mo muna Ang pagkain na Ito SA silid niyo . Bantayan mo SI Cassie na ubusin itong pagkain pagkatapos painumin mo sa kanya itong gamot n Ito. Sabay abot Ng medical advance Kay Irish..
Ang kanina pang nakamasid na SI Realyn ay naghihimutok Ang dibdib SA sobrang inis. Dahil Ang buong akala niya ay napaniwala niya Ang kanilang amo na nagtatamad tamaran lamang SI Cassie. Tiningnan niya Ng masamang tingin SI Irish Ng dumaan Ito SA tapat niya.
Sige Lang magsaya lng kayong dalawa . Dahil Hindi ko Kayo Titigilan Hanggat Hindi ko Kayo nasisira SA mga boss natin. Wika Ni Realyn SA kanyang isipan habang sinusundan Ng tingin Ang papaakyat Ng hagdan na SI Irish.
Hello mommy . Pwede ko PO bang mahiram si ate Kristal kahit Isang linggo Lang PO. Wika Ni Maritess SA kanyang Inang SI Madam S.
Oo Naman anak. Pero bakit mo pala hinihiram SI Krystal hija?
May sakit PO Kasi SI Cassie nilalagnat. Papag rest ko PO Sana para kahit papaano ay makabawi PO siya Ng lakas at agad na gumaling.
Ah okay Kung ganoon ay ipapahatid ko na siya kina Eric para agad na siyang makarating diyan
Okay PO mommy salamat PO.
Ayaw ko na .busog na ako .wika Ni Cassie .nilapag niya Ang platong hawak SA mini table SA tabi Ng kanyang higaan.
Pero Cassie. Kokonte palang Yong nakakain mo eh . Pagpupumilit Ni Irish SA kanya.
Mamaya nalang kapag nagutom ako .
Oh sige .inumin mo na itong gamot mo para maging maayos na Ang pakiramdam mo.
Pagkatapos mainom Ni Cassie Ang gamot ay lumabas na Rin Ng kwarto SI Irish . Samantalang SI Cassie Naman ay nakatulog ulit.
Baby Joy tahan na pls…. Huwag ka nv umiyak baby Joy. Hirap na hirap SI Kristal SA pagpapatahan SA batang karga . Sinayaw sayaw na niya Hindi parin Ito natigil SA pag iyak.
Ate Kristal . Ano pong nangyayari Kay baby Joy at kanina ko pa PO naririnig Ang iyak niya? Tanong Ni Cassie na pumasok na SA loob Ng silid Ng mga kambal.
Ayaw tumigil eh kahit SI ma’am maritess na Ang nagkarga nito kanina ayaw parin .
Ate Kristal ilapag mo muna SI baby Joy tapos magwisik ka Ng konte nitong pabango ko wika Ni Cassie .
Tiningnan muna Ni Kristal SI maritess Ng makitang tumango Ito ay ibinaba saglit Ni Kristal Ang hawak na sanggol na SI baby Joy. Inabot Ang hawak na spray perfume Ni Cassie at nag spray Ng konte . At muling binuhat Ang umiiyak na SI Baby Joy.
Gulat Ang makikita SA mukha Ni Kristal at maritess Ng biglang tumigil SA pag iyak SI baby Joy matapos makapag spray Ng perfume at mabuhat muli SI baby Joy.
Kaya pala siya umiiyak Hindi dahil SA inaantok na kundi dahil SA Alam niya na Hindi ako. Ang kanyang Yaya Cassie nakangiting turan Ni Kristal.
Ngayon Alam niyo na PO ate Kristal Kung paano niyo mapapatahimik SI baby Joy turan Naman Ni Maritess.
Oo NGA eh . Amoy Lang pala Ni Cassie Ang hanap niya.
Samantalang habang nagkakatuwaan SA pag uusap Ang tatlong babaeng Sina maritess, Cassie at Kristal ay may Isang taong Kung makatingin Kay Cassie ay kulang nalang lunukin na niya Ito Ng buo.
Sige Lang magsaya ka Lang ngayon ambisyosang babae ka . Dahil bilang nalang Ang mga araw mo dito SA hacienda . Wika SA isipan Ni Realyn habang nakatingin Kay Cassie.
Next o delete


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.