0

SANA’Y DI NALANG GUMALA


Report

SANA’Y DI NALANG GUMALA🥺
One Shot Funny Story
Napagdesisyunan kong gumala muna sa plaza bago uwi sa bahay, kasi sobrang pagod ko sa office. Habang ako’y nasa highway pa lamang ay napansin mo ang mga tao. Wow, so many couples here, asan na kaya ang jowa ko nuh? Ay hala, dipa pala pinanganak future jowa ko.
“What do you want I give u this coming Valentines?” Sabi ng lalaki sa may gilid na pahug hug pa sa babae.
“Nasayo lang yun babe, tatanggap lang ako!” Mahinahon na sagot sa tanung ng lalaki.
“Ehemm!” Napaighim lang ako sabay lakad. Pano ba naman ang sweet nila!
“Hon?” Gulat sabi ng babae sa likuran ko, subrang kaba ko dito at agad akong humarap sa babae.
“Kaw talaga hon? Bat kaba napunta dito?” Sabi ng lalaki sa may likuran ko din sabay yakap sa babae .Yumuko nalang ako at nagpatuloy sa pag lakad lakad.
“OHH my God! Ang gwapo niya tingnan mo ohh wow!” Sigaw ng babae sa may likuran ko na din at nakapag agaw atensyon ng mga taong...


nandun , nanlamig ako nung time na yun e. Totoo naman ang gwagwapo ko namang nilalang, pero single nga lang.
“Asan ba?” Usisa ng isang babae.
“Ayon ohh!” Sabi ng babae, pakiramdam ko tinuro ako kaya lumingon ako, pero hindi pala. Nandun pala sa cp niya. Picture pala yun? Kala ko ako yun. Nakayuko parin ako na naglakadlakad. Ano ba to lord? Masyado nang tumindi ang kaba ko, tila sasabog na Puso ko. Malaki-laki na din ang mga pawis ko at sabay na nahuhulog.
“SELFIE tayo!” Sabi ng babae.
“Bhe, tara selfie tayo dito, nice view e!” Sabi ng lalaki.
“One two three, smile honey!” Sabi ng babae.
“Bebz, Ibang facial expression naman 😊” Sabi sa babae na agad namang sinunod ng lalaki.
Naabutan ko sila sa may plaza, pag dating ko dun ay umupo ako, pinanood ko nalang silang masaya sa kanilang mga jowa, tila ba sine yung nakita ko, halikan tawanan ang Nakita ko ngayon, sana balang araw, ganyan din kami ng maging jowa ko kung papalaring magka jowa ako.
THE END OF STORY


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.