SAD STORY



SAD STORY THAT WILL MAKE YOU CRY💔
:”Wala kang mapapala kung nakatunganga ka lang dyan! Umayos ka at maglinis ka ng bahay at pagkatapos ay maglaba ka!”
: “Wala kang hiya! Pati kuya mo pinaglilinis mo?!”
: “Kahit kailan hindi kita ituturing bilang anak!”
mga linya ni mama… simula nung ipinanganak siguro ako ay galit na sya sa akin. hindi ko alam kung bakit.
ang paborito nya sa aming magkapatid ay si kuya. pero ang kuya ko, hindi kailanman sya nagalit sa akin, tinutulungan nya pa nga ako eh.
: wag ka nang umiyak. ganun lang si mama pero mahal ka nun.
: *tumigil* kuya.. may tanong po ako..
: *ngumiti* oh ano un?
: bat po galit sa akin si mama? lagi nya nalang po akong sinisigawan at inuutusan.. at bakit po hindi kayo galit sa akin?
: pagpasensyahan mo na si mama, siguro ay sa sobrang galit nya kay papa ay sayo nya naibubuhos ang galit nya. at di ko kayang magalit sa kaisa-isa kong kapatid.
medyo natuwa ako sa sinabi ni kuya. sa simpleng mga salitang iyon ay ito ay nagpasaya sa akin.
THE BEST TALAGA SI KUYA.
un ang lagi kong naiisip.. napakabait nya sa akin, lagi nya akong pinoprotektahan.
: At ngayon ay kinakampihan mo na ang walang kwentang kapatid mo?!
: mama naman eh! wala naman syang kasalanan!
nagtatago ako sa likod ni kuya dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko kay mama.
: anong wala?! sya ang dahilan kung bat kami naghiwalay ng papa mo?!
: mama naman! wala na si papa! nasa iba na sya! wag mo na syang ipasok pa dito! matagal tagal na rin iyon! kalimutan mo na!
: un ay kung ganun nalang kadali! sa t’wing nakikita ko yang kapatid mo, naaalala ko lahat ng mga kalokohan ng papa mo! kaya gusto ko na rin syang mawala!
napaiyak ako sa sinabi ni mama. ung sakto lang para masaktan ako ng todo. di ko alam ang sasabihin ko kaya di na ko nagsalita at tuloy parin ang agos ng luha ko.
: Mama!! wag mo naman yang sabihin sa harap nya!! sana naman naisip mo na anak mo parin sya!!! *nagdabog*
nagulat ako sa mga binibitawang salita at ginagawa ni kuya. mas lalo akong natakot. gusto kong tumakbo papuntang kwarto pero nanghihina ang aking mga tuhod.
: at ngayon ay nagdadabog ka na?! bahala kayo sa buhay nyo!! *umakyat papunta sa kanyang kwarto*
at di ko na napigilang umiyak..
: *humarap sa akin* shh… ok lang un… kalimutan mo mga sinabi ni mama ha? mainit lang ulo nya kaya nasabi nya ang mga iyon… tahan na…
agad naman akong tumigil at pilit kinalimutan ang mga nangyari ngayon..
Kinabukasan…
bumaba ako papuntang sala ng biglang narinig ko ang mga masasakit na salita nila kuya at mama. hindi ako nagpakita sa kanila at nagtago.
: Ihahanda ko na ang gamit namin! aalis na kami! ayaw na namin, ma!
: ano?! lalayas ka?! hindi ako papayag!!
: nakakainis na, ma! wala ka ng ibang ginawa kundi ang sigaw-sigawan at utusan sya! at naririnig iyon ng mga kapitbahay natin! napapahiya sya! at lahat ng ginagawa at sinasabi mo ay nakakarating sa paaralan nya! ma, maawa ka sa kanya! binubully sya ng dahil dun!
: at sa tingin mo ay kaaawaan ko talaga sya dahil binubully sya! ah hinde! basta! wag kang aalis, kung sya lang ay ok na!!!
naramdaman kong umaagos na naman ang luha ko dahil sa mga salitang iyon.
: kahit kailan hindi mo sya itinuring na anak!! walang kwenta! *padabog na umalis*
agad naman akong pumunta sa taas at humiga sa aking kama at nagtulog-tulugan ako. nakita kong inihahanda ni kuya ang mga gamit namin kaya napabangon din ako.
: kuya… san po punta natin?
: gising ka na pala… aalis tayo… alam ko kung saan tayo pupunta *sabay ngiti*
sa mga salitang binitawan nya ay alam ko na agad na kami’y ligtas.
6 months later…
: Kuya! Kuya! Naipasa ko ung exam!~
masayang bungad ko sa kanya.. pero ngumiti lang sya at di nagsalita tinignan ko sya at mukha syang nanghihina kaya bigla akong nag-alala!
: kuya? ayos ka po ba?
: oo naman… bakit mo natanong?
: mukha ka kasing nanghihina eh…
: ayos lang ako *ngumiti*
nginitian ko na lamang sya kahit alam ko sa sarili kong nagsisinungaling sya. agad syang napahawak sa dibdib kaya’t mas nagpanic ako.
: k-kuya? a-ayos ka lang ba? k-kuya.. tatawag ako ng tulong..
: o-ok lang a—–
di nya natuloy pa ang kanyang sasabihin ng agad syang natumba.
sa ospital..
dr: miss, kayo ba ang kapatid ng pasyente?
: opo.. kuya ko po sya.. kamusta po sya?
dr: may sakit po sya sa puso at mabuti naman pong hindi iyon ganun kalala, agad namin syang maooperahan.
: ahh… o-ok po… salamat po..
naisip kong tawagan si mama kaso natatakot parin ako. pero pilit na lakas-loob kong tinawagan sya.
: h-hello po?
: lexie?! napatawag ka ata? nasaaan kuya mo? miss ko na sya!!
sa sinabi ni mama ay nalungkot ako.. ano pa nga ba ang pinagbago?… kahit kailan ay di nya ako matatawag na anak…
: m-ma *pilit ngumiti* miss na din po kayo ni kuya… *nalungkot* mama… tumawag po ko kasi….
: bumalik na kamo sya dito please..
gumagaralgal ang boses ni mama kaya alam ko sa sarili kong umiiyak sya. biglang kumirot ang aking puso…
: ma… sorry po, di po namin kayang bumalik…. s-si kuya po kasi… may s-sakit sa p-puso… pero, ma, wag ka pong mag-alala.. di pa naman po iyon ganun kalala..
: may sa-kit sa puso ang kuya mo?! nasan kayo?!
: sa ******* hospital p-po… ma, malayo po yan dyan.. wag na po kayong magpunta…
: wala akong pake kung malayo man iyan! basta makita ko lang ang kuya mo ay sapat na ang punta ko dyan!
: m-ma….
ngunit ibinaba na iyon ni mama, alam kong nag aalala sya kay kuya kaya wala syang pakealam kung si kuya man ay malayo o hindi..
5 hours later…
: anak!!!
sa di kalayuan ay sumigaw si mama kaya agad akong napatingin sa kanya, sinalubong ko naman sya.
: mama…
yayakap na sana ako nang..
: nasan ang kapatid mo?! ung kuya mo?!
: a-ahh ehh nagpapahinga po sa kanyang kwarto—
di ko natapos pa ang aking sasabihin ng agad syang pumunta roon, sinundan ko naman sya.
: anak!!
nakayakap sya kay kuya… gising na si kuya kaya napangiti ako.
: mama… ok lang ako… tumahan ka na…
: pasensya na, anak!! kamusta ka na??? balita ko ay may sakit ka!!
: o-ok lang ako, ma.. haha..
: uuwi tayo, at ako ang mag aalaga sayo!
habang pinapanood ko sila ay kumikirot ang aking puso… hays… kailan ko naman kaya un mararamdaman?…
7 months later…
: a-anak… ok ka lang???
: o-o..o-oo, m-ma.. *napaupo habang nakahawak sa kanyang dibdib*
: kuya! tara na sa ospital! *itinayo sya*
: w-wag na..
: tara na! wag ka ng pumalag pa!
sa ospital…
dr: ma’am..
: doc?! ano na nanyare sa anak ko?!
dr: …. lumalala na ang kanyang lagay…. at kailangan na talaga namin sya operahan… kailangan makahanap agad ng donor para di umabot iyon sa kamatayan…
: *umiyak* d-di nya dapat n-nararamdaman ang mga ganito…. doc… gusto kong mabuhay pa ang anak ko!!!
dr: gagawan po namin ng paraan….. nga po pala…. pinapainom nyo po ba sya ng kanyang gamot?..
: oo! ibinibigay ko sa kanya un.. lagi namin syang pinapainom ng gamot at iniinom nya naman iyon pero kadalasang hindi nya iyon iniinom…
dr: hays… sige po… hahanap na kami ng donor, as soon as possible… excuse me po..
nakatingin lang ako kay mama… at sobrang lungkot nya… kumirot na naman ang aking puso at lakas-loob ko itong niyakap..
: mama… tahan na po…
: b-bitawan mo ko! *pagtanggal nya sa pagkakayakap ko*
biglang napaluha ako… di ko inaasahang ganun parin sya sa akin… ang inaakala ko ay… nagbago na sya pagdating sa akin… pero hanggang akala lang iyon…
: *nakayuko* s-sorry...

po..
: lumayo ka sa akin!! ayoko sayo!!! ikaw talaga ang may kasalanan nito!
mas lalo akong napaiyak ng agad nyang hinila ang buhok ko..
: m-ma… pasensya p-po.. p-patawarin nyo po a-ako… m-ma…. m-masakit…
: *agad na itinulak sya* lumayas ka ngayon din! ayokong makita ang pagmumukha mo!!
: *tumayo at umalis*
gusto ko lang naman sanang macomfort si mama pero talagang ayaw nya sa akin… hindi ko parin alam kung bakit…
at di ko na alam kung saan ako pupunta… mayamaya pa ay naisipan kong pumunta sa office ng doctor ng aking kuya..
dr: oh? ma’am? need help?
: d-doc.. may nahanap na po ba kayong donor?
dr: u-uhm… sorry, miss… wala pa po… pero wag kayong mag alala, makakahanap din kami! asap!
: p-pwede pong magvolunteer?
agad kong napansing natigilan sya…
dr: uhm miss? kayo po? magvovolunteer? pero… miss, kayo diba ang kapatid ng pasyente?… bat nyo naisipang magvolunteer?
: *nginitian nya ito* ako nga po ang kapatid ng pasyente ninyo… gusto ko pong magvolunteer lalo na’t gusto ko pang mabuhay si kuya sa mundong ito.. marami syang plano… hindi katulad ko ay wala… wala akong kwenta… mas mahalaga pa po ang kanyang buhay kaysa sa akin… at meron pa pong nagmamahal sa kanya… at si mama po iyon… pag namatay po si kuya ay malulungkot si mama, at ayoko po iyon mangyari… ayoko pong nakikita syang malungkot…
dr: …. handa mong…. isakripisyo ang buhay mo para sa kuya mo?…
: *ngumiti ng napakalaki* opo… deserve nya po ang pagkakataong mabuhay… kaya po… ako na po ang kanyang donor…
dr: *ngumiti* …. mabait kang kapatid… napakaswerte ng mama at kuya mo sa iyo at ganyan ka kabait.. sana lahat ng tao ay mababait na tulad mo…. magaling ka, miss.
: salamat naman po, doc… marami pong salamat… aalis na po ako– uhm doc, nga po pala…. wag nyo po itong sabihin kay mama ah… salamat po… *umalis*
2 hours later..
dr: ma’am, may nais akong ibalita *nakangiti ito*
: po? ano po iyon?..
dr: ang iyong anak ay maaari ng maoperahan…
: t-talaga po? hahaha… salamat naman po..
dr: *nalungkot*
: k-kailan po ang operasyon?
dr: kung kailan nyo po gugustuhin *pinilit ngumiti*
: maaari po bang ipabukas iyon?!
dr:…. kung gusto nyo po..
: bukas na bukas po! gusto kong malagpasan ito ng aking anak! hays! salamat sa nagvolunteer, utang ko na ang loob ko sa kanya.
dr: maiwan ko lang po kayo saglit… *umalis*
habang sila ay nag uusap ay nagtatago ako sa mga pader… masaya ako dahil un ang una kong nakita ang ngiti sa labi ni mama.. matagal kong gustong makita iyon… at ngayon nga ay ito ay gumuhit sa kanyang labi…
: anak!! may nagdonate na!! ooperahan ka na bukas!!!
: po?
: kakasabi lang ng doctor mo sa akin… salamat naman at ikaw ay gagaling na rin!!!
: haha… salamat sa nagdonate…
: congrats, kuya.. maooperahan ka na bukas… sana ay matagumpay iyon!…
: …. ok ka lang ba? nanlalata ka yata?
: tsk. ano? di ka masaya?! hah! eh ano pala gusto mo? ang mamatay ang kuya mo?!
: m-ma… wala naman po akong s-sinabi… g-gutom lang p-po ako kaya ako ganito…
: ma! wag mo naman syang sigawan oh.. pakainin nalang natin sya
: ok sige!… kumain ka na dun! dun ka sa labas kumain baka mangamoy ang ulam dito!
: o-ok po…
kinuha ko naman iyon at kumain sa labas… habang kumakain ako ay napapaluha ako.. dahil.. gusto ko sanang.. maramdaman ang pagmamahal at pag alala ng isang ina.. kahit ngayon lang.. kahit.. ngayon….
dr: excuse me, miss? sure ka na ba talaga sa iyong naisip? pwede ka namang umatras kung gugustuhin mo… sabihin ko nalang na-
: sigurado na po ako… handa po ako para bukas *ngumiti*
dr: ok *ngumiti* sige… kain ka na
Kinabukasan… (operasyon)
: *di mapakali* sana maging matagumpay ito!!! please!!! di ko kakayanin pag tuluyang nawala si Kyle!!!
: nasan na nga pala ung kapatid nun?! jusq… dumadagdag pa sa sitwasyon eh!!!
dr: *lumabas na* congrats, ma’am, successful ang operasyon.. *ngiti*
: *nakahinga na ng maluwag* salamat naman po!!! maraming salamat!!
dr: ma’am… may sulat nga po pala para sa inyo… *sabay abot* kung may problema kayo… punta kayo sa akin… and stable na po ang iyong anak..pwede nyo na syang puntahan…. I’ll keep going na po, excuse me..
: ah sige po!- ano naman ito?- mamaya nalang! puntahan ko muna sya!
A few hours later….
(gising na si Kyle… matagal din ito nagising… ngayon ngayon lang sya nagising kaya ubod ng saya ang kanyang ina)
: nak!! kamusta? ok ka lang ba?
: opo..
*niyakap sya* mabuti naman!
: Ma? Si… Lexie po?
: bat mo sya hinahanap? di ko alam kung nasan sya! kanina ko pa nga sya hinahanap! jusq talaga ung batang un! inoperahan ka tas wala sya?!
: baka may pinuntahan lang po iyon haha! ok lang un, ma. basta makita ko lang un mamaya, ok na.
: ah jusq, wag na nga natin syang pag usapan, kumain ka muna!
: haha ok po..
3 hours later..
: nasan na ba iyon?!
: mama, dadating din yon hahaha!
: tsk…… ay oo nga pala! may binigay ung doctor na letter… malabo pa naman mata ko, pabasa nga nito, anak *ibinigay*
: ok po… *sinimulang basahin*
[Dear Mama and Kuya,
Hi mama at kuya! sinulat ko po ito dahil wala na kong kakayahan pang sabihin ito ng harapan sa inyo. Hi ulit, kuya! kamusta operasyon mo? ok lang ba? sana gumaling ka agad para sumaya lalo si mama! kuya… salamat nga pala sa pagprotekta mo sa akin sa t’wing kinagagalitan ako ni mama… salamat dahil naging parte at inspirasyon kita.. at dahil sa mga iyon ay gusto ko sanang sabihin sayo ng harapan na, sobrang mahal kita, kuya!~ at kay mama naman… hi, ma! sorry po kung inisip nyo na gusto ko pang mamatay si kuya… hahaha mali po kayo dun, ma… at ma… sana alam mo na, ok lang sa akin ang di mo pagturing sa akin bilang anak basta ay makita ko kayong magkasama ni kuya ay ok na ako. maraming salamat din po sa lahat dahil naging ina parin kita. at sana ma… alam mo… na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko… sana ay mahal mo rin ako? hehehe.. at kaya ko po ito sinulat kasi…. ako po ung nagdonate ng puso para kay kuya, gusto ko lang pong makabawi ng ganun lamang kaunti at gusto ko kayong magsama pa ng matagal lalo na’t alam kong mahalaga ang buhay ni kuya… at masaya parin ako dahil naging parte ako ng pamilya nyo… at… hinihingi ko po talagang… sana ay mahalin nyo rin ako tulad ng pagmamahal nyo ng lubos kay kuya, ma… pero alam kong malabo un lalo na’t mas mahal mo nga pala si kuya… un lang po… salamat po… mahal ko kayo! ingat!
Nagmamahal, Lexie ] : …. d-di maaari..
: ma! b-bat hinayaan n-nyo syang sya ang magdonate?! m-ma naman eh!
: *umiiyak* L-lexie, anak!!
: *pinipigilan ang luha* l-lex…
dr: *biglang pumasok* …. sir… ma’am… excuse me po… nung sya ay lumapit sa akin at sinabing sya ang magdodonate… nagulat po ako dahil… di ako makapaniwalang ang mismo pa po nyang kapatid ang magdodonate.. nung oras na iyon ay nakaramdam ako ng paghanga at pagkalungkot…halat­a pong… mas gusto nyang mamatay para lang sumaya kayo…
: d-doc… b-bat di nyo po sinabi…
: n-nasan p-po sya…
dr: sumunod po kayo sa akin..
Author’s Pov
idinala ng doctor ang mama at kuya ni lexie sa isang room kung san nandun ang bangkay ni lexie..
: anak!! b-bat mo kami iniwan! anak naman, mahal kita! bumalik ka! anak! anak! w-wala kang kasalanan! please! anak! anak! gising! anak ko!!!
: m-ma… w-wal-la na p-po… ta…yong m-magagawa… w-ala na p-po sya…
: hindiii!!!!!
(kung may nagmamahal pa sa inyo, ay mahalin nyo na agad ito hindi ung kung kailan huli na ang lahat. pangalagahan natin ang mga taong nakapaligid sa atin.)




One thought on “SAD STORY