0

RIGHT PERSON IN A RIGHT TIME BUT DOESN’T HAVE ENOUGH TIME


Report

RIGHT PERSON IN A RIGHT TIME BUT DOESN’T HAVE ENOUGH TIME
“Cheeeeers!” isang malakas na hagikhikan mula sa pwesto na kinauupuan ko ang maririnig sa malamig na gabing ‘yon.
Kasama ko ang tatlo kong kaibigan na nakilala ko mula nung kolehiyo pa lamang, at nakasama ko pa rin sa parehas na tinatrabauhan namin. Off day namin ng dalawang araw kaya naisipan naming mag-kaibigan na mag-inuman.
Malalim lalim na rin ang gabi ng magsimula ang kwentuhan, tawanan at dramahan.
“Tol, ‘lam mo, the right person stays. Hindi na aalis ‘yon, lalo na kung siya na talaga ang para sa’yo.” ani Andrei.
“Pero tol, the most hurting for me is when a person leave you without any valid reason. Kahit ginawa mo naman lahat, pero wala din..”
“Hindi naman siya naghanap ng iba pero hindi pa rin nag-stay. Sabi niya uunahin daw muna niya ang sarili niya, at mga priorities niya.” dagdag ng isa ko pang kaibigan.
“Paano naman kung tamang tao na pero hindi nga lang tama ang panahon para sainyong dalawa?” igit ng isa naming kaibigan.
Bumalik sa alaala ko ang sakit ng kahapon.
Kahit matagal ng panahon ‘yon, tila malinaw pa rin ang mga alaala lalo na sa gabing ‘yon.
“Masakit nga! Hahaha! Pero walang ikakasakit...


ang taong napagod sa’yo, umalis nalang at naghanap ng iba.” dagdag ni Andrei.
Bigla silang napatahimik nang mapansin nila ako.
“Oy, tol.” tawag nila saakin.
“Ikaw ba tol, ano ba ang pinakamasakit para sa’yo?” sabi ng isa kong kaibigan na halatang lasing na pero natatawa pa ito habang hawak hawak ang bote ng beer.
Napalunok muna ako ng kalahating baso ng beer bago nagsalita.
“Masakit para sa akin?”
“When the right person comes. Na akala mo makakasama mo na hanggang sa pagtanda. Yung tamang tao na nakilala mo sa tamang panahon, pero hindi pa rin sapat.”
Napabuntong hininga ako ng malalim at alam kong sa oras na ‘yon ay matiim silang nakikinig sa mga sasabihin ko.
Hindi ko na napigilan ang mapaluha ng bagya at napatingala nalang ako sa taas.
“Our relationship is so perfect. We both understand each other’s situation. We both forgive each other’s mistakes and love each other wholeheartedly. But when life doesn’t want you anymore, you will dissapear anytime.”
“She is the right person to me that I have loved in the right time. And now, I am happy to know that she is peacefully resting now– living in the second world that I can’t visit this time.”
Written by | Valerie Lúx


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.