2

Regret


Report

Ako si France Mendoza 18 gulang, isa akong studyante na walang alam kundi magpa iyak ng mga kaklase ko, hindi naman dahil sa pag-ibig kaya ko sila napapa iyak pero ako yong klase ng tao na nambu bully ng kaklase, isang araw may binully kaming kaklase rin namin, karamihan sa aking barkada ay pinsan ko, kaya’t ganon na lang kami ka close sa isa’t isa.Isang araw habang nasa school kami, tumunog ang bell para mag line, nag linya kami pero nong nag-sisimula na ang pag kanta namin ng lupang hinirang, tumakbo kami ng mga barkada ko, nagulat na lang ang mga guro at kaklase namin kasi bigla kaming tumakbo ng mabilis at sabay tawa, at hindi kami ulit bumalik sa line, nong nag simula na ang klase pumasok kami ate pinagalitan kami ng teacher namin, yong barkada kong lalake na pinsan ko tinanong sya ng guro kung bakit kami umalis mula sa pagkaka linya namin at bakit kami natuwa sa ginawa namin, hindi daw ba namin alam na isa yung napaka walang respetong studyante? sumagot naman ang pinsan ko, tatawagin nalang natin syang athma, ang sabi ng pinsan ko “ma’am, sorry hindi na po mauulit, hindi napo namin yon gagawin” at naawa naman ang guro namin sa sinabi ng pinsan ko.Pero inunulit ulit rin naming gawin yon hanggang sa dinala kami aa faculty room at pinatawag na ang aming mga magulang, pero hindi parin kami nakikinig dahil sa tigas ng mga ulo namin at hanggang sa napagod na ang mga guro namin a pagalitan kami.Isang araw habang naglilinis kami ng hardin kasama ko ang mga barkada ko at nakita namin ang isa naming kaklase na nagtatanim ng gulay,maya’t maya tinawag sya ng guro namin para kunin ang record book at dalhin sa principal, agad naman itong pumunta at napag isipan ko na puntahan namin ang hardin ng aming kaklase na inutusan ng guro at bubunutin namin ang mga tinanim nito, pag balik ng kaklase namin nakita na lamang nya na wala ng ni isang halaman ang nasa hardin nya kaya’t napa iyak sya sa ginawa namin.Isang araw habang ako ay papunta sa skwelahan may naka sabay akong babae na napaka ganda itatago na lang natin sa pangalang Jenny isa pala syang grade 5 student at iisa lang ang room namin, pero dahil sa wala akong pake sa mga ibang tao kaya diko sya napansin na napaka ganda pala nya at iisa lang pala ang room namin, grade 6 student ako at grade 5 student sya pero iisa lang ang room namin, at simula non parang unti unting nababawasan ang pagka bad boy ko, araw araw nagpapakita akong gilas para lang mapansin nya, at tumulong na ako sa mga trabaho sa paaralan ginagalang ko na rin ang mga guro at ang mga kaklase ko, at hindi na rin ang nambubully.May isang gabi na inutusan sya ng mama nya na bumili ng load sa anti ko at sa gabing yon nandon ako sa labas ng bahay ng anti ko at naka upo habang umiinom ako ng soft drinks, pagka tapos dumating sya para bumili ng load at tutok na tutok ako sa kanya dahil sa napaka kinis at napaka ganda nyang mukha, hindi ko namamalayan...


na habang akoy tutok na tutok sa kanya sya naman ay takot na takot sa akin at pagkatapos nyang bumili bigla syang tumakbo papunta sa bahay nila, napag isipan ko kunin ko ang number nya sa phone ng anti ko at e tetext ko sya, kaya yon mismong gabing yon kinuha ko at tinext ko sya.
Ako: “Hi”.
Sya: ” Hello”
Ako:ikaw yong bumili ng load dito kanina diba?
Sya:bakit sino ka?
Ako: ako yong pamangkin ng binilhan mo ng load
Sya:Ah, ikaw pala ito france.
Ako:Oo ako to
Hanggang sa umabot ng ilang buwan ang pagtitext namin at pinagtapat ko na ang aking nararamdaman sa kanya at agad naman nya akong sinagot.Masaya kami sa mga bawat araw na magka sama kami, umabot ang relasyon namin ng apat na taon (4 years)
at sa apat na taon na yan wala kaming ginawa kundi tumawa masaya kami sa piling ng isa’t isa pero may mga panahon na bumalik ang aking kagaguhan, nambabae ako at palagi ko syang pina paiyak hanggang sa dumating ang araw na sinabi ko na sa kanya na ayoko na sa kanya, pero lumaban sya ilang ulit nya akong ipinaglaban sa mga kapatid nya at sa mga babae hanggang sa umabot ang araw na nakakita na ako ng bagong nagpapatibok ng puso ko, ako na miamo ang bumitaw sa kanya binlock ko sya sa facebook para makalimutan na nya ako pero ilang buwan syang hindi naka move on, wala syang ibang inisip kundi ako naghahanap sya ng paraan para lang maitext nyako o macontact nyako pero binlock ko sya sa lahat ng pwede nyang gamitin para ma chat ako.After 6 months narealise ko na mahal ko parin pala sya at hindi ko sya kayang makita na hawak ng iba, pero napaka sakit tanggapin na mayron na syang iba, pinuntahan ko sya sa bahay nila at sinabi ko ang lahat lahat para lang bumalik sya sa akin umiyak at lumuhod ako sa kanya , napa iyak sya sa mga sinabi ko at kitang kita nya sa aking mukha ang pag sisisi kaya humagulgol sya ng iyak, pero ang tanging nasabi lang nya sa akin nong araw na yon ay “bakit ngayon ka lang bumalik mahal? Kung kailan mayron ng nag mamay ari ng puso ko” umiiyak sya habang sinasabi nya ang mga yan.
Napaka sakit napaka hapdi para bang nadaganan ako ng langit at lupa sa narinig ko mula sa kanya.
Mahal nya ako,gusto nyang bumalik sa akin pero natatakot syang baka magpaka matay uli ang boy friend nya kung malaman nya na magbabalikan kami, kaya’t mas pinili nya ang bago nyang boy friend kaysa sa akin kahit napaka sakit sa kanya pero wala na syang nagawa at lalong wala na akong nagawa para ipag laban sya😭💔
Ni unblock ko sya at nag last message ako sa kanya bago ako nag change ng number: “Mahal, mahal na mahal na mahal kita, patawad sa mga araw na hindi kita ipinaglaban at hinayaan kung mahulog sa ibang babae,mahal ko, mahal na mahal kita pero gagawin ko na ang nararapat para sa ikakasaya mo, PAALAM”💔
At ngayon nanatili na ako sa piling ng aking girl friend dahil mahal na mahal na man nya ako.

WAKAS


2 Comments

  1. Sana hoh kuya france hindi kanlang nambabae huwag nyu sanang masamain yung sinabe q kuya……

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.