0

PUSONG SINUNGALING .” – PART 2 KABANATA 3


Report

– ( Ang pagkikita nila Rolly at Rea)
Sa kabila ng mga salitang narinig ni Rosana kay Rolly at pagkalas nito sa Relasyon nila ay para parin siyang asong susunod sunod kay Rolly, kahit saan man magpunta si Rolly ay naroon siya, nakamasid, nakatingin sa mga galaw at ikinikilos nito.
Samantala, isang gabi, nag-uusap sila Rea at Edward habang sila ay nasa kuwarto at nakahiga na sa kama parang may ipinahihiwatig at inihahabilin si Edward kay Rea.
” Rea, matanda na ko at hindi habang panahon nasa tabi mo ko, gusto ko pag dumating ang panahon na mawala na ko, sana balikan mo yun taong nagpapaligaya sa iyo.” wika ng malungkot na mukha ni Edward.
” Ano ka ba Edward? huwag kang magsalita ng ganyan, hindi ka mawawala, hindi mo ko iiwan diba? Kailangan kita kasi Mahal na mahal kita.” wika naman ni Rea na hinawakan sa mukha si Edward.
” Rea, maikli lang ang buhay kaya kung sino man yun taong nagpapaligaya sayo, balikan mo siya, ibabalik kita sa kanya kasi gusto ko maging masaya ka.” wika uli ni Edward.
” Edward, walang ibang nagpapaligaya sa akin kundi ikaw! Masaya ko sa piling mo.” wika naman ni Rea.
” Huwag na natin dayain ang mga sarili natin Rea, pansin ko simula pa lang ng pagsasama natin alam kong hindi mo parin inaalis sa puso mo si Rolly at hanggang ngayon alam kong mahal na mahal mo parin siya.” wika ng malumanay na boses ni Edward.
” Ano ba pinagsasasabi mo, alam mo matulog na tayo kasi may trabaho pa tayo bukas.” wika at yakag ni Rea na medyo naguguluhan ang isipan niya sa mga binabanggit sa kanya ni Edward.
” Rea, bukas pala ikaw na ang humarap kay Mr. “R” kasi may iba pa kong ka-meeting bukas.”pahabol na wika ni Edward.
” Mr. ” R “,,, sino yun?” Tanong ni Rea na di masyadong pamilyar sa kanya ang Pangalan na iyon.
” Mag-iinvest tayo sa Company nila, ikaw na ang bahalang humarap sa kanya, marami pa kong aasikasuhin bukas kaya ikaw ang makikipagkita sa kanya.”wika ng nakangiting si Edward.
“Ok sige na nga, ako na bahala kay Mr. “R”.Tugon ni Rea kay Edward.
Mabait at maunawain si Edward, gumawa siya ng paraan kung paano magku-krus ang landas nila Rolly at Rea, mag-iinvest siya sa Company nila Rolly, gusto niya magkita sila Rolly at Rea dahil mahal ni Edward si Rea, handa niyang gawin ito.
Bago pa niya ginawa ang bagay na iyon, kinilala niyang mabuti si Rolly, nagpa-imbestiga siya, kung ano pagkatao ni Rolly at kung anong tunay na nakaraan nila Rea at Rolly, pinagtagpi tagpi niya ang pangyayari simula ng makilala niya si Rea, nang kanyang matanto na dalisay ang pagmamahalan ng dalawa ay isinagawa na niya ang kanyang balak, bagay na kanyang ikakasiya at dadalhin sa oras na malagutan man siya ng hininga.
Hindi pa nakikita ng harapan...


ni Rolly si Edward at hindi rin niya alam na ito ang asawa ni Rea, Akala niya ito ang makikipagkita sa kanya ng araw na iyon.
” Sa wakas makakausap ko na rin si Mr. Edward, malaking bagay ang pag- iinvest na gagawin niya makakatulong ito sa Company na muling makabangon.” Wika niya sa sarili niya.
Maya maya ay tumawag si Edward kay Rolly.
” Rolly, Misis ko na lang ang makikipagkita sa iyo ngayon, papunta na siya diyan.”wika ni Edward.
Sakay ng kotseng pula ay bumaba si Rea rito, nagulat siya dahil di man lang niya namalayan na sa lugar pala ni Rolly siya papunta, Company nila Rolly na minsan niyang naging pangalawang tahanan noon, dito kung saan maraming naganap sa pag-iibigan nila ni Rolly.
” Bakit dito? ibig sabihin, si Rolly si Mr. ‘R’ na tinutukoy ni Edward, naku! paano ba ito? sa dami ng Company na pwede siya mag- invest bakit dito pa? Paano ko haharapin si Rolly, paano ko makikipag-usap sa kanya?.” mga gumugulong tanong sa isipan ni Rea.
Malapit na si Rea papasok sa gate ay pinagpawisan siya ng malapot sa sobrang kaba tila ayaw na niya tumuloy pa, hindi siya kilala ng mga baguhang empleyado doon hanggang isa sa mga kasamahan niya noon na babaeng empleyado ang nakakilala sa kanya.
” Rea, ikaw nga, ano ginagawa mo rito? Namis kita Rea.” Yakap nito kay Rea at tuwang tuwa ito.
” Oo, ako nga ito, musta na kayo?namis ko rin kayo, nasaan na sila? yun mga dati natin kasamang empleyado dito?.”tanong ng masayang mukha ni Rea.
” Koonti na lang kami na mga original na empleyado dito, yun iba kasi sa kanila nagpunta ng ibang bansa, yun iba naman umuwi na sa mga probinsya nila, yun iba, kinuha na ni Lord.” Paliwanag ng dati niyang kasamahan sa trabaho.
” Ganun ba? Nakakalungkot naman!.”wika naman ni Rea.
” Eh, ikaw bakit ka andito? tanong nito kay Rea.
“Ah… eh… mag- iinvest kami ng Husband ko sa Company na ito.” sagot ng nauutal na wika ni Rea.
” Ah…ganun ba, sayang hindi kayo ni Sr. Rolly ang nagkatuluyan, alam mo ba si Mam Rosana hanggang ngayon hindi pa pinapakasalan ni Sir. Rolly, ang tagal na rin naghihintay ng babaeng yun na pakasalan siya.”dagdag na wika nito kay Rea.
Mga ilan sandali pa ay narinig na ni Rea mula sa loob ng opisina ang boses ni Rolly hanggang lumabas na ito ng opisina at nagtanong.
” Nariyan na ba ang wife ni Mr. Edward?.”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ABANGAN nyo po ang paghaharap nila Rolly at Rea.
Pasensiya na po sa pasulpot sulpot na update, tama po pag po maraming nagbabasa ginaganahan si Author at lalong gumaganda ang story kung nakasupport po kayo, alam ko naman po na sinusubaybayan nyo po ang Love story nila Rea at Rolly kaya huwag po kayong BIBITAW… KAPIT lang po, TUTOK lang po, maraming maraming pong salamat, Godbless po…💖💖💖


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.