0

Playgirl in the city Chapter 1


Report

Naglalakad si Avery sa tabi nang daan. Kakalabas lang niya mula sa malaking building na kanyang pinagtatrabahoan bilang call center agent. Naisipan niyang magtungo nang mall nasa kalapit lang sa building na kanyang pinapasukan mga isang minuto lang ang layo.
“ Avery!”boses nang lalaki ang tumawag sa kanya.
Napalingon siya rito. “ Oh my God!” bulalas niya nang makita ang boyfriend. Binilisan niya ang paglakad palayo rito at tinungo ang maliit na daan papunta sa garden nang mall.
“ Avery wait”
“ Kakainis naman itong si Mark, kaya turn off ako sa taong ito. Walang ka class class. Nakakahiya!” maktol niya na lalo pang binilisan ang paglakad.
Ngunit tila walang plano si Mark na lubayan siya. Lakad takbo na ang kanyang ginawa.
Sa pagmamadali niya muntikan niyang ma bungo ang lalaking may bitbit na camera at humakbang itong paatras.
“ Watch out!” bulalas niya at mabilis niya itong itinulak nang malakas bago pa sila magka bonggoan.
“ Shittt!” narinig niyang tili nang lalaki nang malaglag ito sa fountain na may tubig.
“ I’m sorry” hinging umanhin niya rito
akma siyang lumapit nang makita ang galit na mukha nang lalaki nakatingin sa kanya.
“ Ang tanga mo kasi!” singhal nito sa kanya.
“ Avery!” narinig niya ang boses ni Mark nakasunod parin sa kanya.
Mabilis siyang tumalikod at iniwan ang lalaking nang galaiti sa galit.
“ Bumalik ka ritong babae ka, pipilipitin ko yang leeg mo” sigaw nito sa kanya.
“ I won’t! Ayaw kung ma injured ang maganda kung leeg!” sigaw niya at nagmamadaling umalis.
“ Bayaran mo itong camera ko!”
narinig pa niyang sigaw nito.
Hindi na niya itong nilingon pa. Inis na inis siya kay Mark nong una gustong gusto niya ito ngunit kalaunan nag sawa na rin siya dito. Mabilis siyang mag sawa sa isang lalaki lalo pa ay bad breath si Mark. Ayaw na ayaw niya iyon.
“ Sayang lang ang aura ko pag ganon ang mga ka date ko” aniya sa sarili tinungo ang taxi stand. “ Di bali nang pangit wag lang yong may amoy”
Naka ilang boyfriend na siya, ngunit lagi siyang na di-dissapointed sa mga boyfriend niya. “ Bakit ba kay hirap hanapin yong mga lalaking perfect. Mayron paba noon?” sa isip niya habang naka sakay sa taxi.
“ Hindi naman ako pangit pero bakit ganon?” Naalala niya ang dati niyang kasintahan. Ang ganda nang tindig mala adonis ngunit nang puntahan niya ito sa kanila napaka borara.
Ngayon naman itong si Mark, parang hindi uso ang tootbrush rito.
NAIHAMPAS ni Rafael ang kamay sa galit nang malaglag siya sa fountain na may tubig.
“ Bwesit na babae” bulalas niya umahon sa tubig. Sinira nang babae ang mamahalin niyang camera hindi lang ang camera niya ang sinira nito pati ang kanyang araw. Dahil...


sa kinakailangan niya naman mag pa re-schedule sa costumer niya ang photo shoot.
Nag sa-sideline siya sa pagiging photograhper habang inantay niyang makasakay siya nang barko. Bagong salta siya dito sa city na bobored siyang tumambay sa bahay nang kanyang tita kaya minabuti niyang mag sideline kaysa makatunganga habang wala lang ginagawa.
pangalawang costumer pa niya itong dalawang couple nasa harapan niya. At ngayon nasisira dahil sa “ bwesit na babaeng iyon” nanggigil talaga siya sa babae.
“ I’m sorry ma’am and sir kailangan natin magpa re-schedule kinakailangan ko rin makabili nang bagong camera” nahihiya niyang sabi sa mag fiance.
“ Okay lang mr Enriquez. Naintindihan namin hindi mo naman kasalanan” anang lalaki
Basang basa siya at the same time hiyang hiya siya dahil sa pinagtitinginan siya nang mga tao.
“ Makikita lang kita pagsisihan mo” anas niya sa subrang galit.
Natanaw niya ang lalaking humabol sa babaeng nagtulak sa kanya kanina nilapitan niya iyon at tinanong kung saan nakatira ang babae. Hindi niya papalampasin ang ginawa nito kailangan bayaran nito ang nasira niyang camera.
NAG HIHIKAB na lumabas nang kuwarto si Avery tanghali na siyang nagising. Wala siyang pasok ngayong araw dahil sa holiday.
Kakalabas lang niya nang silid nang marinig niya ang mga iilang katok sa pintuan. Magulo ang kanyang buhok at malaking t-shirt ang kanyang sout at maikli na short nakapa ilalim roon. Humihikab siyang binuksan ang pinto.
“ Bakit?” tanong niya sa kaharap na lalaki.
“ Nasaan ang amo mo?” inis nitong tanong sa kanya.
Natigilan siya sa tanong nito. “ Abay luko to ah! pagkamalan pa akong katulong” inis niyang bulong sa sarili.
Inangat niya ang dalawang kamay para pamaywangan ito at pagtatarayan nang magsalita itong muli.
“ Sabihin mo sa amo nandito yong lalaking tinulak niya kahapon sa fountain” pagalit nitong sabi
Napayuko siya nang maalala ang nangyari kahapon.” Wala po rito ang amo ko sir” tugon niya sa mahinang boses.
“ Pwes, sabihin mo nagpunta ako rito”
“Okay sir pagmaka uwi po si ma’am sasabihin ko po may lalaking naghahanap sa kanya” tugon niyang hindi tumingin rito
Tatalikod na sana ito nang may maalala
Lalo niyang ginulo ang mahaba niyang buhok.
“ Heto ang calling card ko, ibigay mo iyan sa kanya. Kailangan bayaran niya ang nasira niyang camera.” pagkasabi niyon ay tumalikod na ito.
“ Muntikan na iyon ah!” bulalas niya nang maka alis ang lalaki.
Tinignan niya ang tarhetang hawak niya.
“ Rafael Enriquez. Guwapo pa naman sana kaya lang matapang” aniya sa sarili at pumasok na sa loob nang bahay.
“ Buti nalang madungis akong tignan kung hindi, naku makabayad pa ako nang wala sa oras” nakangiti niyang sabi sa sarili
“ Nakakatulong din ang magiging dugyot” aniya tinungo ang kusina para ipag handa ang sarili nang almusal.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.