0

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 4


Report

Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 4
Naging ganoon ang araw araw naming set up ni Jay , usap Simula umaga pag gising hanggang magmadaling araw na … Masaya ako sa naging takbo ng aming paguusap , at ipinaramdam nya sa akin kung gaano ako kaimportante pati sa aking mga anak … Halos nawalan na ako ng pakialam sa aking asawa hanggang ….
Kring , kring , kring tunog ng aking Cellfon
” Hello , oh anong masamang hangin ang nagpadpad sayo para tawagan ako ? ” saad ko Kay Jojo
” Kamusta kana Mama , ang mga bata si baby kamusta na ? ” sagot niya ” Kumain na kayo ? ”
” Ayos lang , tapos na kaming kumain ” sagot ko parin sa kanya
” Ah , nga pala maghuhulog ako ng pera kuhanin mo nalang , 2500 yun ”
” Mabuti naman at naka alala kang magpadala sige at kukunin ko nalang ” sabi ko naman sa kanya pero pinakikiramdaman ko ang sarili ko , wala na akong...


excitement na marinig manlang ang boses nya .
” Oh sige na Mama , kunin mo nalang , ingat kayo , I love you Ma ”
” Sige salamat , iloveyoutoo ” sagot na pilit para sa kanya
Kinakapa ko ang sarili Kong damdamin , wala talaga akong maapuhap sa aking sarili . kinuha ko ang Cellfon at idinial ko ang # ni Jay
” Hello Mahal ” sagot nya
” Mahal , aalis ako kunin ko yung ipinadala ng papa ng mga bata at mamimili ako ng gamit ni baby ”
” Himala , mabuti matino isip nya ngayon at naka alala … Sige mgiingat at dalhin mo fon mo para matawagan o matext kita ” saad nya sa akin
” Oo sige na at maliligo muna ako , text ako pagtapos na at paalis na ako ” sabi ko sa malambing na boses
” Oo magpic ka ah , gusto ko makita ang isusuot mo , babye na Iloveyou ” paalam nya
” Sige Mahal bye ”
Maraming salamat po , naiinspired po akong magsulat 💕


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.