0

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 19


Report

Author: Miss J
Nakatingin ako sa gawi ni Jane kitang kita ng aking mga mata kung paano sya tumangis, ramdam na ramdam ko ang pasakit na dulot ko sa mahabang panahon. ” Jane, Mahal mo ba sya? ” masakit sa akin ang aking isinatinig pero ni hindi manlamang nya ako tinapunan ng tingin bagkos yumuko sya habang patuloy na lumuluha ” Uulitin ko sayo Jane, Mahal mo na ba ang lalaking yon? ” Doon sya tumunghay ng tingin sa akin at sumilay ang ngiting puno ng sakit at hinagpis ” Kung bibigkasin ko ba sayo ang katagang gusto mong malaman ano ang gagawin mo? ” walang katiyakan ang kanyang sagot sa akin ” Gusto Kong malaman kung bakit Kay bilis mo akong ipinagpalit at sa isang tao pa na ni minsan eh hindi mo nakilala ” matapang kong balik saad sa kanya. Tumulo ulit ang masagana nyang mga luha, masakit sa akin na makita syang ganun...


kung masaktan ” Iyong sinasabi mong tao… Sya ang naging dahilan para bumangon ulit ako sa pagkakalugmok ng dahil sa sakit na dulot mo, sya ang naging kaagapay ko kahit napakalayo ng agwat namin. Bilib nga ako sa kanya eh kasi sya kung tutuusin hindi nman nya kami totally pamilya, at mas lalong hindi nya ako totally asawa pero palagi syang nakakapagbigay ng oras sa amin kahit VideoCall pa yan o tawag man, pero bakit ikaw? Bakit di mo yun nagawa? Bakit pinabayaan mong lumayo kami sayo? ” sunod sunod nyang salita na may halong luha.
” Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin, patawarin mo ako gusto ko sanang ipagpatuloy ang buhay ko na kasama kayo. Pwede pa siguro natin ayusin lahat please Jane ” pagsusumamo ko sa aking asawa, ayoko silang mawala , ayokong maging mag isa, masakit, sobrang sakit na malaman na iba na ang tinitibok ng kanyang puso !


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.