0

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Kabanata 12


Report

Title: Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author: Miss J
Kabanata 12
Pagkatapos ng nangyari? Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin at mararamdaman. Itong lalake sa aking tabi? Kinapa ko ang aking damdamin, Mahal ko na talaga sya, minahal sa maling umpisa at maling pagkakataon at sana nagkakilala kami sa tamang panahon disin sana wala akong agam agam. Bigla syang humarap sa aking gawi at ” Ano iniisip mo? alam ko na may malalim na dahilan ang pananahimik mo ” saad nya sa akin
Ako na hindi nagaksayang humarap sa kanya, hinayaan ko lang ang aking sarili na nakatihaya pahiga ” Wala naman, iniisip ko lang ang sitwasyon, iniisip ko lang na sana nagkatagpo tayo sa tamang paraan ” buntong hinga ko pa ” kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari o ang mga konsikwensa ng aking ginawa at naging desisyon ”
Si Jay na napahinga ng malalim ” Sana wala kang pagsisisi sa mga naumpisahan na natin, sa mga nangyari sa atin kanina. Alam mo bang alam ko at pinaghandaan ko na itong sitwasyon na to sabi ko sa sarili ko papasukin ko ang...


buhay mo at hindi lang simpleng problema lang ang haharapin ko kundi gyera ” at ngumiti sya sa akin ” Mahal kita yun lang, panghawakan mo yon, hindi kita iiwanan sa ere ” saad pa nyang muli sa akin at ako tahimik na nakatingin sa kanya, naiiyak ako.
” Tumayo kana Jan at magshower ulit, kukunin ko lang ang mga gamit mo sa labas para makapagbihis kana ng maayos. ” si Jay habang ngbibihis ng pangbaba nyang kasuotan ” Pupunta tayo sa mga ate, kanina pa daw sya naghihintay at pinagluto nya tayo ng kalamay na masarap ” sabay kindat sa kin na halata ko naman na pinagagaan nya ang aking kalooban ” Sige na Mahal ” at itinayo na nya ako at wala syang pakialam na wala akong saplot na kahit na ano at bumulong ” Sisiguraduhin ko sayong hindi matatapos ang buwan na ito , buntis kana ” sabay yakap at halik sa aking noo at lumabas na ng silid.
Umiling nalang ako habang nakatanaw sa saradong pintuan sa isipan ko na sana Huwag syang mag bago ng pakikitungo nya sa amin!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.