5

***PAUBAYA***…ANG Love’Story Ni Missy!!

***..
“,Break Na kami ni Zayn!”,mula sa kabilang linya ay bungad sa kanya ng ate nya!
Napabalikwas sya ng bangon!Lumabas ng konti ang mga baby sungay sa ulo nya!Oras na naman ng pang aasar nya rito!
“,Eh..ano pa nga bang bago!eh lagi namang may nakikipag break sayo…”,
Narinig nyang humikbi ito”,Ang sabi nya wala syang time sa akin!at ang masakit Pa..nakabuntis pa sya ng SupermodeL!”,
Umarko ang kilay ni Missy..parang alam na nya kung sino Na namang Zayn ang tinutukoy nito.
“,Eh..diba ka be’break nyo Lang last month ni Jungkook ng BTS?!tapos last week nagbreak din kayo ni Lee Min Hoo..tapos ngayon nag break din kayo ni Zayn Malik?!..Yucckkkk!”,suminga ito mula sa kabilang linya..”,So wag mong sabhin ngayong nililigawan ka rin ni Park Seo Joon masasakal na kita!”,
Paranoid ang ate nya..
Yun ang totoo!Mahilig kase itong manuod ng mga korean dramas..at mahilig sa mga gwapong boyband kaya Naman na aaply nito iyon sa sarili nya..Hindi pa kase ito nagkakaboyfriend!
“,Oo na tangek!kumusta naba jan sa bahay?!”,
Ganun ang way nila ng kumustahan nila..
“,Okay Lang wala Naman gaanong bago dito!
Busy parin sina Mama at Papa..tsismosa pa rin mga kapitbahay”,napahagikgik sya..
“,Wala parin bang bagong lipat sa tapat ng bahay?!”,hirit ng ate nyang si Kelly..
“,Di ko alam wala akong balita!”,
Sa isang subdivision sila nakatira..
Sa lugar na yun.. Presidente ng kaayusan at kalinisan ang Mama nila..Nakabait kasi nito at marunong makipag kapwa tao!Ang sabi nga ng ilang mga kapitbahay nila..kung lalabang Mayor ang mama nila ..mananalo ito!Bagay na tinatawanan nalang nila!Ang pamilya nila ay masasabing nakaaangat sa buhay..may sarili silang law firm na pag mamay ari ng Papa nya.
No wonder busy ito everyday dahil sa dami nitong kliyente!Busy din sa pakikipag kapwa tao ang Mama nya..ang ate nyang Paranoid ay sa Maynila nag aaral ng kursong hindi nya alam
Dahil palipat lipat ito ng kurso!Sya naman..Nasa 3rd year highschool palang..
At nabubuo lang ang pamilya nila sa tuwing may mahahalagang okasyon sa buhay nila.
And speaking of mahalagang okasyon…
“,Makakauwe kaba ngayong Pasko?!”tanong nya sa ate nya..feeling nya hindi ito makakauwe..
“,Kung wala kaming date ni Nam Joo Hyuk!”,
Natutop nya ang Noo..ay sabi na Nga ba!
At bago pa tumaas lalo ang blood pressure nya ay sa wakas nagpaalam na ito!
Napahiga sya ulet sa kanyang kama..
Ang buong kwarto nya ay nababalutan ng kulay...


pink na wallpaper ma may print na Hello Kitty.
Favorite nya kasi ang character na yun kaya naman elementary palang sya may mga koleksyon na sya..mula sa bags,gamit sa bahay at maging kolerete ng kanyang cellphone..Yun lang..masaya na sya sa mga bagay na yun!
Napatingin sya sa Pink na Kisame”,Santa..magpapasko Na naman!please naman,,bigyan mo na si Ate ng boyfriend..”,
Hindi na nya mabilang kung ilang pasko na nya hinihiling yun!Pero hindi parin yun natutupad!
Hindi naman sa pinupush nya ang ate nya na magkaboyfriend ito..sawa nalang kase sya sa mga paandar nito!masyado na kasi iyong OA
Pagdating sa pagkukwento nito sa mga napapanuod nito at ang biktima..laging sya!
Close sila ng ate nya..walang mga sekreto na hindi nila alam sa isat isa..mahal sya nito at mahal din naman nya ito!kaya nga..naawa sya dito!Hindi pa kase ito nagkakaboyfriend..
Maganda ang ate nya..Mas maganda ng sampung beses sa kanya!Nung minsang sumali ito sa Mutya ng bayan sa lugar nila ay naiuwe nito ang Korona..marami itong mga manliligaw.. pero ang Nakakapagtaka!kahit isa wala itong sinagot sa mga ito!alam din naman nyang maraming pumoporma dito sa Maynila pero wala din itong natipuhan..kaya minsan nagtataka na rin sya sa totoong gender nito..
“,Hindi naman minamadali ang love”,naalala nyang sabi ng ate nya..that time kinukulit nya ito na sagutin na ang isa sa manliligaw nitong botong boto nya..kaso!sa huli nabasted lang ito ng ate nya”,
“,Eh ano bang type mo sa lalaki?!”,balik na tanong ni Missy.
“,Wala..as in wala!..hindi naman kaylangan may batayan ka sa pagpili ng Love!Once kasi ang love dumating na sayo!dimo na yun mapipigilan pa..kapag dumating na si Mr.Right at bigla kayong nagkatinginan..Magiging tila slowmotion ang lahat ng mga bagay sa paligid nyo..yung wala kayong pakialam na parang kayong dalawa lang ang naroon!!at napakatahimik ng lahat..na wala kang maririnig kundi ang tibok ng puso nyo Lang!”,..
Napangiti si Missy ng maalala yun!..siguro!
Hindi pa naexperience ng ate nya ang mga bagay na yun..kaya,hindi pa ito nagkakaboyfriend..well goodluck nalang sa guy..
Pinilit nyang ipikit ang kanyang mga mata para sana ipagpatuLoy ang naudlot nyang pagtulog ng biglang….~~~~~

Mamaya Na yung chapter One

Abangan nio kung magkakajowa pa ang ate nya ..😄😄!Abangan nio rin si Zero..ang hunk na bagong lipat na kapitbahay nila at si Kira..
Ang mayabang na bagong transfer sa Eskwelahan nina Missy..anong magiging papel niLa..At makauwe kaya si Kelly sa Pasko?!
😄😄😄😄😄

5 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *