0

Panaginip Lang Pala


Report

Bakit ba? Palagi ka sa aking panaginip
Ang mas malala pa’y close tayo sa aking isip
Ako tuloy ay umasa kahit sa panginip lang yon
Kahit sa panaginip man lang ika’y sa akin ako’y sa iyo
Kailan ba mangyayari ‘to?
Sa totoong buhay ko
Parang imposible kasi ang mahal mo’y iba at hindi ako
Ang isang panaginip pwedeng kabaliktaran pwedeng hindi
Pwedeng mangyari, kadalasa’y hindi
Kaya di dapat umasa
Masasaktan ka lang ng sobra
Oo, mahal nga kita
Tama yung narinig mo
Ngunit ang tanong,
Mahal mo rin kaya ako?
Ayokong sagutin mo
Alam kong masasaktan ako
Dahil alam ko ang sagot mo
Hindi ako
Ang advance kong mag isip diba?
Huwag ka mag-alala
Hindi kita guguluhin
Malaya ka kung sinuman ang ‘yong mahalin
Dahil hindi ko hawak ang puso mong matagal ko nang pinangarap na maging akin din
Isa pa, huwag ka mag alala
Hindi ako galit sayo
Galit ako sa sarili ko
Kasi hindi kayang kalimutan ang tulad mo
Dahil sa mga panaginip sayo’y umasa
Umasa sa wala
Lintik na panaginip
Okay lang namang managinip basta di lang ikaw
Ang sakit kasing isipin pag akoy nagising,PANAGINIP LANG PALA.

Classmate kami, pero hindi masyadong nagpapansinan,, crush ko siya matagal na , pero ayokong sabihin sakanya dahil alam kong reject na naman ako, ,alam ko na kasi ang mangyayari . Advance kasi akong mag-isip, isa pa hindi naman kami bagay, pangalawa iba yung gusto niya, ,
Isang araw birthday ng klasmeyt ko, nag yaya siyang maligo daw kami, dun lang yun sa malapit na swimming pool. Yun , ang saya namin, sobrang enjoy at dumating sa point na...


mag realtalk daw kami lahat, dapat walang magsisinungaling so ayun game ako;game din sila..
Nung nalaman ko na crush ang topic: umalis ako sa pool,,

Sila: wag ka umalis, nandito crush mo nohh?
Ako: hahahaha
Sila: balik ka dito, ang daya mo ahhh
(Bumalik,kinakabahan)

At, yun nga nalaman niya nga, tangina talaga, so natatakot na akong lumapit sakanya, so weird: pero ang nakakasakit lang eeee kasi .kasi.. kasi nung siya yung tinanong:

Classmate: xie*** crush mo nohh?
Crush: hindi! Happy! Hindi!

Na-stunned ako sa sinabi niya.
aray ang sakit hahahaha

Okay kung ganon.. lakompake, kung di nagrealtalk eh hindi niyo malalaman sino crush koooo, pero hindi ko pa nga nasabi niReject mo na ako,, kaya yun natakot at nahiya na akong sabihin kung sino crush kooo, pero ang ingay ng isa kong kaibigan at sinabi niya na ikaw crush kooo, nahihiya talaga ako nun eh! Amfuta! Lintik na realtalk,, kaya pala parang wala ako sa mood gumala at ramdam ko ring may hindi magandang mangyayari,, sana sinunod ko nalang yung pangitain ko eeeeei.. hahahaha.. ayan tuloy,nalaman mo na.
lam mo naman na na crush kita pero bakit parang wala lang sayo? pinapansin mo parin ako kahit umiiwas na ako dahil nahihiya na ako sayo
Wag mo na kasi akong pansinin, mas lalo lang akong mafafall in love sayo

, mahirap umasa eeee, lalo na na alam kong walang pag asa na crush mo din ako, please ayaw na pansina kung pwede lang, kung iniiwasan kita, umiwas kana rin, ganon! oo inuutusan kita , yokong masaktan ko ulit yung damdamin ko, ang hirap kaya na gabi-gabi umiiyak, so wag na.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.