0

PANAGINIP LAMANG PART 2

Report

PANAGINIP LAMANG­čŹĺ
PART 2~
“Dismiss!” ang pinakahinihintay kong sabihin ng teacher namin. Hehehe. Pero Wag ka! Naka ten over fifteen ako mga teh hahaha.
“Huy! Salamat dito ah!” sabi ko dun sa katabi kong gwapo. Pero di man lang ako pinansin ng loko, nag patuloy lang siya sa pagliligpit ng mga gamit niya bago lumabas.
“Targetin kita ng ballpen eh!” bulong ko at aastang ibato sa kanya yung ballpen. Kainis.. Gwapo sana!
“Hayaan mo na ganyan talaga yung ugali niyan!” halos mapatalon ako sa gulat ng may mag salita sa likod ko. Kunot noo ko siyang nilingon pero.. Luh!
Ang ganda mga Beh!
“Ako nga pala si Julie!” nakangiting sabi niya sabay lahad ng kamay. Halos ayaw kong abutin yung kamay niya pero ng mahawakan ko yun! Grabe ang lambot.. Nahiya ako sa kamay kung magaspang pa sa sahig.
“A-ako si Faye!” nag aalangan sagot ko.
“Sabay na tayo? Wala rin kasi akong kasamang mag lunch!” Luh! Nakakahiya toh.
“Nakakahiya naman sayo! Wag nah!”
“Ano kaba okey lang yun! Tsaka gusto rin kitang makilala! Ano? Tara!”
“Sige!” tanging sagot ko bago sumunod sa kanya papuntang cafeteria. Mabuti narin sigurong kasama ko siya para di ako maligaw sa school na toh.
Marami kaming pinag usapan ni Julie habang kumakain kami. Marami...


din kasi siyang tinatanong. Madaldal din pala siya. Mukhang may kaibigan na ako..
“Seriously? Ginawa mo yun?” malakas na boses ni Julie tapos tumawa.
“Oo! Tapos sinapak ko siya at sinikmuraan!” kwento ko sa kanya yung mga pinagdaan ko sa dati kung school.
“Oh? tapos ano namang kasunod?” natatawang tanong niya.
“Pinatawag kami sa dean tapos na expelled ako ng one week kasi pumutok yung labi ng bruhang yun! Eh ang masama pa, shareholder pala yung parents niya sa school kaya hindi na nila pinakinggan yung side ko at enexpelled na nila ako ng walang ka hiraphirap!”
“Ang astig pala ng pinagdaan mo!” sabi niya tapos tumawa ulit, sinabayan ko nalang yung tawa niya baka kasi mapagkamalan siyang baliw pag siya lang mag isa yung tumatawa.
Chicahan lng kami ng chikahan hanggang sa mag bell. Sabay narin kaming pumasok.
Wala pa yung teacher namin kaya yung mga kaklase ko ay may kanya kanyang ginagawa.
“Hi! Ako nga pala si Dan! Ako ang president ng section na toh!” bungad ng isang lalaking classmate ko. “Gusto lang sana naming makilala ka kasi mukha nakalimutan si Miss Angela kanina na bago ka kaya di kana naka pag introduce.” dun ko lang na pansin na nakatingin pala sakin lahat except dun kay kuyang pogi.


Leave a Reply

Your email address will not be published.