PAGOD 😔



PAGOD 😔
Gf: Babe?
Bf: (Seen)
Gf: Kumain kana?
Bf: (Seen)
Gf: Babe busy kaba?!
Bf: In game wag ka magulo!
Gf: Kumain kana ba?
Bf: In game nga diba! Tanga ka?!
Gf: Ay sorry po, kain kana ha? Iloveyou
Bf: (Seen)
*After a day
Gf: Babe?
Bf: O?
Gf: San ka?
Bf: Bahay ng kaibigan ko!
Gf: Galit ka? Ano meron dyan? Gagawin nyo?
Bf: Kakain lang, di ako galit, nakakabwiset ka lang puro ka text at chat akala mo naman lalandi ako!
Gf: Ay sorry na po. Ingat dyan, kita sana tayo e.
Bf: Next time na!
Gf: Sige po, iloveyou!
Bf: Ge.
*Hindi alam ni Gf na hindi lang kainan ang meron, may inuman din.
*’11:30 PM’
Gf: Babe? Anong oras na wala kang text message o chat man lang.
*Hindi nagrereply si Bf
Gf: Babe?!
Gf: Baaaaaabe?!
*Tinadtad ni Gf boyfriend niya, dahil hindi to nagrereply, nagpasya siya na puntahan to.
Pagdating sa bahay ng kaibigan ng Bf niya, nagulat siya.
Gf: Babe?!
*Nakita niya Bf niya na may kahalikan na babae,
Gf: Babe ano to?!
Bf: (Nagulat) Ah, eh.
Gf: Ano to?! Sabihin mo!
Bf: (Nilapitan si Gf)
Gf: (Sinampal si Bf) Ano to?! Tang ina kailan ka pa naging ganyan?!
Bf: (Inambahan si Gf) wag mokong murahin baka gusto mong suntukin ko mukha mo!
Gf: Sige ituloy mo! Tang ina ano to! Ginagago mo ba ko?!
Bf: (Sinapak si Gf sa sikmura) Gago ka?! Sinabi ko bang pumunta ka dito?! Tang ina mo!
Gf: (Namilipit at napaluha) Susunduin sana kita.
Bf: Di kita kailangan tanga!
Gf: Di ka kasi nagrereply kaya ako pumunta dito.
Bf: Tapos mag iiskandalo ka dito?! (sinipa si Gf)
Gf: (Tumayo at niyakap si Bf) babe hindi ikaw yan :'(
Bf: (Tinulak si Gf) bitawan moko!
Gf: (Umiyak) Babe hindi ikaw yan! Tara na uwi na tayo magpahinga kana please? :'(
Bf: Wag kang magdrama wag moko ipahiya sa mga kaibigan ko! Umuwi kana!
Gf: Kaya mo ba? :'( tara na babe!
Bf: Kaya ko!
Gf: Sige po, (tumakbo at nagpunas ng luha)
Pag uwi ng bahay ni Gf, tinext niya kaibigan ng Bf niya,
Gf: Mark? Pakibantayan yan ha? Pag di na kaya dyan niyo na patulugin, yung babaeng yan palayuin niyo sa Bf ko please? :'(
Mark: Sige sige.
Gf: Salamat
*Nung araw na yun tiniis lahat ni Gf, pinahiya, sinapak, sinipa at tinulak siya ng sarili niyang Bf, inisip niya na lamang na dahil lang sa kalasingan yun.
Gf: Mahal ako nun, lasing lang talaga. 🙁 (Tinext si Bf)
Gf: Babe? Iloveyou okay lang sakin yun, naiintindihan ko naman, mahal na mahal kita! Ingat ka ha?
*At halos araw araw na ginagawang baliwalain ni Bf si Gf, at kahit anong kulit ni Gf sa boyfriend niya, nagagalit ito, minumura, at minsan nasasaktan pa niya sarili niyang Bf.
Gf: Babe san ka?
Bf: Bahay
Gf: Punta ko dyan ha?
Bf: Wag na! Aalis ako!
Gf: San ka pupunta?
Bf: Kaibigan ko, may shot kame.
Gf: Wag sosobra ha? Mahal na mahal kita.
Bf: Ge

/> *Araw araw ngang naging routine nilang dalawa yun, hanggang sa isang beses, pinuntahan ni Gf ang bahay ni Bf,
Gf: Andito po ako sa labas niyo.
Bf: Ano ginagawa mo dyan?!
Gf: Hinahantay ka, labas ka po
Bf: Teka!
*Paglabas ni Bf, papasok sana si Gf pero tinulak siya ng Bf niya,
Bf: Tang ina mo sabi ko wag ka na pumunta dito diba? Kapal ng mukha mo! Kailangan ko pang ulit ulitin e no?! (Sabay duro duro kay Gf) ano ba ginagawa mo dito?!
Gf: (Nakatulala at tumulo luha)
Bf: Tang ina iyak nanaman?!
Gf: Nandito ako para sabihin ko sayo na pagod na ko. Pagod na ko sa pananakit mo, pagod na ko sa kakahingi ng oras sayo. Pagod na ko sa pagiging madamot mo. Pagod na ko sa pagiging tanga. Lahat tiniis ko, oras na di mo naibigay? Tiniis ko yun. Yung sinundo kita, pero sinapak mo ko at sinipa, tiniis ko yun. Yung yayakapin kita pero tinutulak moko? Tiniis ko yun. Yung kada texts o tawag ko sayo, pero puro mura lang bumubungad sakin? Tiniis ko din yun. Pero ngayon, sawa na ko, pagod na ko, narealize ko na hindi ko deserve to at mas lalong di mo ko deserve. Sorry kung ang kulit ko, sorry kung pasaway ako. Sorry kung lagi akong napaparanoid sayo, mahal lang talaga kita. Pero ang hirap na, yung pagmamahal na hinahangad ko sayo? Wala na. Wala na lahat, sa una lang masaya. Sorry kung mahina ako. Akala ko mahal moko, hindi pala. Sorry kung napagod ako, pasensya na, simula ngayon? Malaya ka na, at wala ng Gf mo ang mangungulit sayo. Salamat sa sandaling araw, oras, minuto at segundo na nakasama kita, sa hirap at ginhawa, pasensya na, mahal na mahal kita, paalam. (Sabay yakap kay Bf habang umiiyak)
Gf: (Bumulong kay Bf) Magiingat ka lagi ha? Iloveyou
*Sabay umalis si Gf, habang si Bf natulala at natahimik.
*Kinabukasan pumunta si bf sa bahay ni gf, kumatok sya ngunit walang may sumasagot, kaya nagtaka na sya kumatok sya uli…
*Ilang saglit lumabas na din si Gf, nagulat si Gf ng nakita niya si Bf
Gf: Anong ginagawa mo dito?
Bf: Sorry babe 😭 (Sabay luhod sa harap ni Gf)
Gagawin ko lahat bumalik lang tayo sa dati, sorry babe sa lahat ng ginawa ko sayo. Handa ako mag bago para maging tayo ulit.
Gf: Pasensya na, tapos na tayo at handa na ako mag simula ng bagong buhay.
Bf: Pede naman ibalik diba?
*Ilang saglit lang may dumating na isang taxi
Nanay ni Gf: Anak! Nandito na yung taxi! Halika na maabutan pa tayo ng traffic.
Gf: Sige na aalis na kami.
Bf: Saan ka pupunta? Wag mo naman ako iwan. (Luhang luha)
Gf: Lilipat na kami ng bahay.
Bf: Saan kayo lilipat? Dadalawin na lang kita babe.
Gf: Wag na, tapos na tayo at ikaw na mismo nagpadama na tapos na tayo.
*Umalis na sila Gf, habang luhang luha at sisising sisi si Bf.

Meron naman talagang forever kaso maling tao lang ang pinili mo…




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *